• 23 •

14.6K 456 33
                                    

Andie's POV

What is the probability that a person has the same exact name with someone?

I've been staring at my laptop for sometime and researching about people having same names. According to the research that I've read it is possible to happen. There are lots of Mason Gonzalez in the world. There are lots of Marco Gonzalez in the world. I've tried to search my name and I found two people who has my exact name.

But is it possible? Posible kaya na ang Tim na nakilala ko ay ang kapatid ni Marco? Shit. Ako na rin ang nagtama ng naisip ko. Sobrang imposible. Tim was not a soldier. He was an investigative journalist na napadpad dito sa amin. And he can never be a soldier. A soldier has principles. They protect people like Mason did to his brother Marco. He protected his younger brother. Si Tim? Walang prinsipyo ang taong iyon. Duwag siya. Ni hindi nga niya nagawang magpaalam sa akin na lalayasan na niya ako. Bigla na lang siyang nawala kasi nakuha na niya ang gusto niya sa akin.

Napahinga ako ng malalim at marahan kong hinawakan ang tiyan ko. I told myself that I am over him. I told myself that I am moving on with my baby. Pero sa tuwing maiisip ko si Tim, hindi ko maiwasan na magalit sa kanya. He left me hanging. Mas mahirap 'yung ganito. 'Yung walang closure. All I want is an explanation because I think I deserve that.

"Mrs. Gonzalez," tonong nanunukso si Kim ng lumapit sa table ko.

Natawa lang ako sa kanya. Lahat naman kasi ng mga tao dito sa office ay nabigla ng magpakasal kami ni Marco. Hindi nga naman kami nagligawan. Parang acquaintance nga lang kaming dalawa tapos pagbalik niya galing Pampanga biglang kinasal na kami.

"What do you need Kim?" Natatawang tanong ko.

"Bagay na bagay sa 'yo ang pagiging Mrs. Gonzalez. Sosyal na sosyal. So, how's the pregnancy?"

Hinimas ko ang tiyan ko. "Okay naman. Panay ihi. Lagi akong may muscle cramps. But Marco is helping me."

"Mukhang alagang - alaga ka naman niyang asawa mo. Kahit na hindi na siya dito naka - assign, lagi ka namang sinusundo. At laging on the dot pagdating ng ala - singko ay nandiyan na para sunduin ka."

"Ayaw lang niya akong mapagod." Sagot ko.

"Oo nga pala. We have a new client. Gustong magpa - approve ng loan. Nandoon lang sa office ni Mam Susan. I think approve naman na. But siyempre dadaan pa rin sa 'yo kasi ikaw ang magdo - double check ng mga requirements niya." Sabi ni Kim.

"Sure. Papuntahin mo na lang dito."

"Pero girl, may napansin lang ako kay Marco. Bakit parang bumabagsak ang katawan niya? Namamayat. Guwapong - guwapo dati 'yun, eh. Baka naman kasi masyado mong pinupuyat," malisyosong sabi ni Kim.

Natawa lang ako pero nakaramdam ako ng pag - aalala sa sinabi ni Kim. Napansin ko na rin iyon. The past weeks, napapansin kong madalas hinihingal si Marco. I know he is taking his meds pero pansin na pansin nga ang biglang pagbaba ng timbang niya.

"May schedule naman siya for his doctor's check up. But everything is fine."

Pareho kaming napatahimik ni Kim ng lumapit sa table ko si Mam Susan at kasunod ang isang client. Mukhang bigtime client ito kasi talagang personal pang inasikaso ng Branch Manager namin.

"Andie, I want you to meet Mr. Harold Sanchez. He is the owner of Triple J Pharma. His papers are clean. Approved na 'yan ni Marco. Just prepare the necessary documents for him. Bring him to the conference room for signing," ngiting - ngiti si Mam Susan.

"Hello Andie," bati sa akin ng medyo may - edad na lalaki.

"Hello Sir. Please follow me," tumayo ako at nauna ng naglakad papunta sa conference room. Nakasunod naman sa akin ang client, si Kim at isa pang staff ng bank. Dumating na rin si Mam
Susan.

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon