• 1 •

77.6K 1.2K 74
                                    

Sa mga nag - aabang ng story ni Mason.  Guys, eto na siya.  Totoo na 'to.  😊.

—————

Andie's POV

Maraming dini - discuss sa akin si Dr. Manotoc.  According to my transvaginal ultrasound, hindi recurring ovarian cyst ang cause ng pelvic pain ko.  First trimester of pregnancy is really really crucial.  Kasi iyon daw ang umpisa ng development ng bata. Kailangan ko daw ng total bedrest kasi medyo low lying daw ang placenta ko.  Kailangan ko din daw uminom ng pampakapit, folic acid, iron and other vitamins.  Ang dami - dami pa niyang sinasabi na parang hindi ko naman maintindihan ang mga words.

Pero iisa ang naintindihan ko sa mga sinasabi niya.

Buntis ako at isa't - kalahating buwan na ang laman ng tiyan ko.

"Do you see that?" Itinuturo ni Dr. Manotoc ang isang hindi ko maintindihan na image sa ultrasound report.  "That is the heart of your baby."

Nakatingin lang ako doon.  Iyon pala ang sinasabi ng technician sa ultrasound center na tumitibok sa tiyan ko.  Hindi ko na maintindihan ang iba pang sinasabi ni Dok.

Nanginginig ang kamay ko ng abutin ko ang listahan ng reseta na ibinigay niya.  Nakatingin lang ako sa mga pangalan ng gamot na ngayon ko lang nabasa sa tanang buhay ko.

"Andie, are you okay?"

Gulat akong napatingin sa kanya.  "Po?" Bahagya pa akong napapiyok.

"Iha, you don't look fine.  Your face.  Namumutla ka.  You are worried.  Are you worried that something is wrong to your baby?" Nag - aalala ang mukha niya.  Tapos ay ngumiti siya sa akin.  "Relax.  Ganyan talaga.  Sa una lang 'yan.  Everything will be fine."

Pilit akong ngumiti at tumayo.  Pinilit ko lang din na ihakbang ang mga paa ko kasi pakiramdam ko gulaman ang tuhod ko.

"Come back after a month okay?  Ire - refer kita sa kaibigan kong OB." Narinig ko pang sabi ni Dr. Manotoc sa akin.

"C - can we keep this first between us?  Please don't tell my mom about this?"

"O?  Bakit naman iha?  Your mom is a very reasonable person.  Kahit na hindi mo pa pinapakilala ang boyfriend mo sa kanya I am sure maiintindihan niya 'yan.  I know your mom."

"Please.  Sa atin na lang po muna."  Pakiusap ko.

Alam kong magsasalita pa ang doktor pero tuloy - tuloy lang akong lumabas.  Diretso ako sa kotse ko at para akong robot na naupo lang doon.  Nakatitig pa rin ako sa reseta at ultrasound report na hawak ko.

Wala sa loob na hinaplos ko iyon kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.  Mabilis kong kinuha ang telepono ko at hinanap ko ang number niya.  Idinayal ko ang number.  One.  Two.  Three rings then busy tone.  Inulit ko ulit.  Still the same.  Lalo akong napaiyak at inis kong ibinalibag ang telepono ko.

It's been two weeks magmula ng bigla na lang siyang mawala.  Bigla na lang siyang hindi nagpakita.  Bigla na lang huminto ang mga tawag niya hanggang sa hindi ko na siya makontak.

It's been two weeks na para na akong tanga at parang mamamatay na kakaisip kung anong nangyari sa kanya.

He needs to know my situation.  He needs to know that I am pregnant and he will be a father soon.

But where the hell are you, Tim?

——————>>>>>>

Mason's POV

Mahihinang katok ang narinig ko kaya napatingin ako sa pinto.  Nakita kong nakatayo doon si Bryan at may hawak na papel.

"What is that?"

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableWhere stories live. Discover now