• 28 •

14.2K 498 33
                                    

My apologies for spellings, wrong grammars and missing words. Hilo pa si author. Later pa ako mag - e - edit nito. Super raw copy 'to.

Andie's POV

Tim is true to his words. Hindi naman niya ako iniistorbo sa pamimili ko. Sa katunayan, hindi ko talaga siya makita. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Ibinaba lang niya ako sa mall tapos tatawagan na lang daw niya ako kapag tapos na ako. Kahit naman hindi na. Hindi ko na rin naman siya kailangan. Kaya kong umuwi mag - isa.

I almost forgot that I am with Tim today. Masyado akong natuwa sa pamimili at pagpili ng nga gamit ng baby ko. Ngayon lang naman kasi talaga ako lumabas para kumpletuhin ang gamit ng bata. Although maraming mga gamit ang ibinibigay ng mommy ni Marco, iba pa rin ang feeling na ako mismo ang pipili ng para sa anak ko.

Pili ako ng stroller. I really wanted the Britax Brand. Na - research ko na kasi talaga 'to but this really cost a fortune. More than thirty thousand for a cost of a single stroller. Alam ko naman na kapag sinabi ko ito kay Marco, he will buy it. He will buy anything for the baby. But this is too much. Kahit ako kaya ko ding bilhin pero dapat maging practical. Mas marami akong puwedeng pagka - gastusan para sa bata. So I ended up choosing a local brand na cheaper ang price. Same goes with the crib and other essentials for the baby. Meron talaga akong personal choices pero masyado ng extravagant and the price is too costly.

Tumingin ako sa paligid. Nasaan kaya ang Tim na 'to? Iniwan na nga kaya ako? Kanina pa ako ikot ng ikot pero talagang kahit anino niya hindi ko na nakita. Dumiretso na ako sa counter to settle my bills at napakunot ang noo ko ng makita kong naroon lahat ang kailangan ni baby pero hindi ito ang mga pinili ko. Ang narito ay ang mga brand ng gamit gusto kong bilhin para sa anak ko na hindi ko binili dahil sobrang mahal.

"Miss, hindi 'yan ang mga pinili ko." Sabi ko.

"Mam, bayad na po ito. Para po sa inyo." Sabi sa cashier.

"What? Anong bayad? Ngayon pa lang ako magsi - settle ng payment. Hindi 'yan ang mga pinamili ko." Tiningnan ko pa ang mga gamit. Ito talaga ang mga tinitingnan ko kanina. Nalulula ako sa mahal ng mga presyo.

"Totoo mam. Bayad na po. Na - bayaran na po ng asawa 'nyo." At itinuro niya ang isang lalaking malapit sa mga feeding bottles na nagtitingin doon.

And there is Tim. Casually looking at the feeding bottles na parang inaaral niya ang mga iyon.

"Mam, ang guwapo ng asawa 'nyo." Parang hindi na nakatiis na sabi ng cashier at parang kinilig pa. Inis akong napairap.

"Hindi ko asawa 'yan." Inis akong lumapit kay Tim. Anong akala ng lalaking 'to? After ng ginawa niya kapag nilibre niya ako okay na?

"Hindi ko kailangan ang mga mamahaling gamit na 'yan para sa anak ko. I - refund mo lahat ang binayaran mo," sabi ko sa kanya.

Kumunot ang noo sa akin ni Tim. "Is there something wrong?" Taka niya.

"Yes. There is. I didn't buy those because those are expensive. Hindi ko kailangan 'yan."

"I didn't buy it for you. I bought those for my nephew." Diretsong nakatingin sa akin si Tim. "And sinabi ko na kay Sebi. Okay lang naman sa kanya. Pamangkin ko naman 'yan so gagastusan ko 'yan kahit magkano."

Pamangkin? Gago anak mo 'to! Gusto ko 'yun isigaw sa kanya buti napigil ko ang sarili ko. Napalunok na lang ako at inis na tinalikuran siya. Parang wala naman akong magagawa. Ayoko na ring makipagtalo sa kanya.

Nakakailang hakbang pa lang ako na parang biglang hindi ko maihakbang ang paa ko. Shit! My right leg is having a muscle cramp. Aray! Sobrang sakit talaga.

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableWhere stories live. Discover now