• 19 •

14.3K 405 40
                                    

Andie's POV

Wala ang atensyon ko sa trabaho maghapon. Pinipilit ko lang humarap sa mga kliyente para matapos ang mga responsibilities ko pero ang isip ko ay lumilipad sa kalagayan ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano ako kikilos para malampasan ko ang kalagayan ko. In my mind I am cursing Tim dahil sa ginawa niya. Paulit - ulit kong naiisip kung ano ang kasalanan na nagawa ko para iwanan niyang basta. Ibinigay ko lahat. Nagtiwala ako at ibinigay ko ang pag - ibig ko sa kanya. Mahal ko siya, eh. Kaya hindi ko matanggap 'to.

"Hey, past six na. Uwi na."

Nag - angat ako ng mukha at nakita kong nasa harap ko si Marco. Nakangiti siya sa akin at mukhang ready na rin siyang umuwi.

"Mauna ka na. Medyo marami pa akong tatapusin," pinilit kong ngumiti sa kanya.

"Andie, puwede pa 'yan bukas. And you don't look good." Nag - aalala ang itsura ni Marco.

Umiling ako.

"Kaya ko. Okay lang ako," gusto ko na siyang umalis kasi wala naman siyang maitutulong. Ang taong kailangan ko ay naglahong parang bula.

Tumingin lang siya sa akin at halatang ayaw niya ng sinabi ko.

"I am really fine, Marco. Umuwi ka na. Titigilan ko na rin 'to." Ipinakita ko sa kanya na nililigpit ko ang mga gamit ko para tumigil lang siya.

Nagkibit siya ng balikat. "I was about to invite you for a dinner sana. Since I got back gusto ko sanang alam mo na, to know you more." Ngumiti siya ng mapakla. "Pero mukhang wala ka sa mood kaya sana sa susunod na lang."

Parang nakonsensiya naman ako. Marco has been so nice to me eversince na magkakilala kami. Kahit nasa malayo siya he never fails to send me messages, mangamusta. Tumatawag din siya pero lagi kong dinidismis kasi nga boyfriend ko si Tim. Namuo ang luha sa mga mata ko ng maisip ko si Tim. Si Tim na pinaglaanan ko ng panahon. Si Tim na minahal ko at ibinigay ang lahat. Nasaan?

Hindi ko napigil at biglang bumagsak ang mga luha ko kaya mabilis kong pinahid iyon.

"Andie, if you want to talk about it I am here." Sabi pa ni Marco.

Umiling lang ako at pilit akong ngumiti sa kanya.

"Sorry. Ayokong madamay ka sa problema ko. And it's too soon to tell it to anyone. Kaya pa naman." Hindi ko mapigil ang tuloy - tuloy na pagtulo ng luha ko.

Napahinga siya ng malalim.

"Can you please call me once you get home? That's the least I can do since ayaw mo namang intindihin kita." Malungkot na sabi niya.

Tumango lang ako. "Sure."

Alam kong labag sa loob ni Marco na umalis at iwan ako pero ayoko lang talaga siyang nandito. Gusto kong mag - isa. Gusto kong mag - isip. At kahit naman nandito siya, kahit samahan niya ako wala din naman siyang magagawa.

Inisang bitbitan ko lang ang mga gamit ko at tumayo na rin. Wala ng tao sa bangko kundi ang mga night shift guards. Panay ang tunog ng telepono ko at sunod - sunod ang mga text nila Kim at Jana. Naroon daw sila sa Pam's at pinapasunod ako. Napangiti ako ng mapakla at automatic na napahawak sa puson ko.

"I'll be good. Promise ko sa iyo hinding - hindi kita pababayaan. Mamahalin kita. Hindi kita iiwan tulad ng ginawa ng tatay mo." Mahinang sabi ko sa sinapupunan ko.

Kaya ko 'to. Paulit - ulit kong sinasabi iyon sa sarili ko. Binuksan ko ang kotse ko para sumakay pero bigla akong nakaramdam ng hilo. Automatic akong napahawak sa pinto at nabitiwan ko ang bag ko. Sumabog ang lahat ng laman sa kalsada. Talagang umiikot ang paligid ko. Damn. Ang hirap.

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon