• 43 •

22.7K 579 209
                                    

Andie's POV

May nangyari kaya? Bakit wala pa si Tim? Almost one hour ng naghihintay ang mga doctors para maumpisahan ang operation ni Marco. This is a special case. Ang bilis naasikaso ng mga laboratories and test ni Marco tapos naka – ready na lahat. Ang doctors naka – standby sa pagdating ng donor heart. Tim really made all of this for his brother.

Lahat kami ay narito sa labas ng operating room at hinihintay ang pagdating ni Tim. His parents are here, my mom and my dad. Si Timmy. We are all anxious na matapos na ito at maging normal na ang lahat.

"Wala pa ba siya?" tonong naiinip na ang boses ng mommy ni Marco.

"Baka na-traffic lang. Alam 'nyo naman terible ang traffic ngayon," komento ni mommy.

"Is dad going to be okay? We can play after this?" inosenteng tanong ni Timmy.

Pinilit kong ngumiti kay Timmy. "Yeah. He will be okay. Everything is going to be okay." Ginulo – gulo ko pa ang buhok ng anak ko.

"Yey! You know Uncle Mason told me that me, him and dad, the three of us will travel far away. We will ride the train, we will go to mountains. We will hunt. That is so cool," nanlalaki pa ang mata ng anak ko.

Natawa ako sa sinabi niya. Kung ano – ano na naman sigurong adventure ang ikinuwento ni Tim sa anak ko.

Nagulat kami pare – pareho ng may isang lalaking tumatakbo palabas ng operating room. Mukhang hindi naman siya doctor pero parang katulad din siya ni Tim. Seryosong – seryoso ang mukha niya at may kausap siya sa telepono.

"Where?" tanong niya sa kausap at nilampasan kaming lahat.

"JD? Something going on?" boses ni daddy iyon.

Halatang natataranta ang mukha ng lalaking tinawag na JD ni dad pero sunod – sunod siyang umiling.

"Everything is fine, Director. Excuse me." sabi niya at dire – diretsong tumakbo palabas.

"Are they always like that, dad? Laging nagmamadali? Laging parang may trouble?" tanong ko kay daddy.

Natawa si daddy at nailing.

"Those agents are trained to handle difficult task. Sa asawa niya lang takot 'yang si JD. You know Lucy," natatawa pa si dad.

Natawa din ako. "How long have you known Tim?"

"You still call him Tim?" taka ni dad.

"Nasanay ako na 'yun ang pangalan niya. He introduced himself to us as Tim. He told me his name is Mason Timothy Gonzalez."

"What a loser. He used his real name?" Natatawa pa rin si dad. "He's been under my command for five years. A real good agent. He is the boss here. He thinks of others first before himself. He sacrificed so much for everyone. Ganoon siya ka – dedicated sa trabaho niya. I never heard that he got a girlfriend or wife. It's just himself and just focused on his job. That is why I chose him to fill my position because he deserves it."

Napahinga ako ng malalim. Kung sabihin ko kaya kay daddy ang totoo? Maiintindihan kaya niya?

"Dad."

Nagtatanong na tumingin sa akin si daddy.

"What if I tell you –"

"Nandito na si Mason! Oh my god! What happened to you?" boses ng mommy niya ang pumutol sa sasabihin ko.

Pare – pareho kaming napatingin sa kanya at paika – ika siyang naglalakad palapit sa amin bitbit ang isang maduming container. His white shirt has full of dirt and blood. He got a big cut on his forehead and fresh red blood was dripping. Anong nangyari sa kanya?

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon