CHAPTER 3- Meet BRYAN CLYDE GO.

1M 10K 1.9K
                                    

CHAPTER 3- Meet BRYAN CLYDE GO.

NASH's POV

"Ayun diba nagbasa ako ng manga... kasi nakita ko updated na yung One Piece, tsaka Fairy Tail, pati Noblesse... edi ayun nagbasa-basa ako.. siguro mga tatlong oras. Basa basa ba--"

"Pwede bang ifast forward mo ng konti yung kwento mo? Nangangalay na kasi ako eh." sabi ko sa kanya.

"Sino bang may sabi sayong hindi ka pwedeng umupo? Tsaka wag ka ngang sumingit habang nagkkwento ako! Lalo akong nalilito eh! " sigaw niya sakin.

Hanep to eh. Kung makasigaw sakin feeling nya close kami -__-

"Tch... bilisan mo na lang kasi magpaliwanag!" Umupo na ako dun sa carpet ng kwarto ko.

"Eh kasi ganito nga----blablabla..." Basta mahaba pa yung kinweto nya, kng anno-anu pa. Kesyo daw bigla syang sinugod nung Alice at pinilit na pumunta sya sa school sa pamamagitan ng isang race, kaya pala sya naka eroplano para lang mauna sya.

"Ayun nga nakita namin kayo ni Stanford, nakasalubong namin kayo pagkatapos nun." Sya parin yan. Ang daldal infairness.

"Alam mo, dapat dyan mo na lang sinimulan yung kwento mo eh! Nagsimula pa talaga sa almusal eh no?"

"Heh! Pakialam ka pa ba? Isa pa, sinabi mo bang dun ako magsimula huh?" sigaw na naman niya sakin.

"Heh ka rin! Eh kasi kung sinasagot mo na lang yung tanong ko kaysa nagkukwento ka ng talambuhay mo edi sana kanina pa tayo tapos dito!"

"Aba, eh sabi ko nga sayo, kagigising ko lang at wala pa sa kundisyon yung utak ko kaya hindi ko matandaan masyado yung nangyari kaya nagrereminisce ako!"

"Oo na oo na! Ano pa bang magagawa ko? Hays... teka... nagugutom ako, magluluto muna ako ng pagkaen, sa kusina mo na ituloy yang kwento mo."Tumayo na ako at lumakad na papunta sa kusina.

"Ok." Sumunod naman sya sakin.

Nandito na ako ngayon sa kusina at nagluluto, habang sya nakaupo dun sa may table.

"O sige na ituloy mo na, para makaalis ka na." sabi ko sa kanya habang nagluluto ako.

"Nasaan na nga ba ako sa kwento ko?"

"Ugh! Nandun sa ano dun sa nagkita tayo!" sabi ko sa kanya habang naghihiwa ako ng sibuyas.

"Ah ok ok... edi nagkita tayo tapos nun umalis na kami diba? Pumunta lang kami ni Alice sa school para kuhanin yung schedule ko. Pagkakuha ko nun edi pauwi na sana kami, pasakay na ako nun sa kotse na susundo sa akin, si Alice nauna ng makaalis sa akin sakay sa motor nya, tapos, eh di pasakay na nga ako... lakad lakad lak--"

"Pwede wag mo na masyadong detalyihen? Kulang na lang sabihin mo, huminga ako, inhale exhale! Ugh! Lalong humahaba eh!" sigaw ko sa kanya. Ang imba kasi magkwento eh. =___=

"PSH! Demanding ka pa, ikaw na nga ang kinukwentuhan dyan!"

"Sino po kaya ang namamasok ng bahay ng may bahay? Kung tutuusin nga pwede kitang ipa police eh!"

"Tch... para namang may magagawa yung mga police na yun sakin, si Bryan Go ata to. Si Brya--"

"Oo na oo na! Ituloy mo na ulit!"

"Bastos ka ah! Nagsasalita pa yung tao eh. Wala parin tong pinagbago. Tsk, basta ayun nga pasakay na ako ng kotse tapos humangin, nalipad yung schedule ko na hawak hawak ko tapos tinamad akong habulin yun kaya sumakay na ako sa kotse." Tumigil na sya sa pagsasalita.

So ayun na yun? Sa haba ng kwento niya, yun na yun? Anong connect nun sa pagkakapunta niya dito sa condo ko?

"Hoy pinaglololoko mo ba ako? Eh wala namang connect yung kwento mo sa mga tanong ko eh!"

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon