BONUS SPECIAL CHAPTER #4: Officially His Wife

492K 8.5K 3.3K
                                    

BONUS SPECIAL CHAPTER #4: Officially His Wife

(Note: Ang timeline po nito is three years after manganak ni Nash, so obviously three years old na si Law. Inuulit ko, THREE YEARS OLD PALANG SI LAW, kaya sa mga naghahanap agad ng love life nya at sarili niyang story, p*ta kalma! Hayaan nyo naman syang maging bata muna, wag kayong excited gawing gurang agad si Bryle hahaha.)

THIRD's POV

LOCATION: STANFORD's MANSION (again -_-). SPECIFICALLY SA KWARTO DATI NI BRYLE BAGO SILA IKASAL NI NASH (again -_-). 

Katulad ng dati, tinangay na naman kami ni Bryle ng sapilitan sa mansyon nila, sa dis oras ng gabi, dahil may problema na naman s'ya malamang. Mukha na naman tuloy kaming magpapajama party nito -_-. Naknang teteng.

"Bryle naman, naknang teteng, tatlong taon na si Law, may anak na kami ni Katie, magka live in na si Steve at Stacy, magka—teka ano na ngang status n'yo Tommy?"

"No comment." -Tommy.

"No comment parin?"- Kaming tatlo nila Bryle at Steve.

"Sasabihan ko kayo agad pag nakaisip na ako ng bago." -Tommy.

"Tss, mabalik tayo sa sinasabi ko, ang ibig kong sabihin Bryle, may kanya-kanya na tayong mga buhay tsong! Malaki ka na, kaya mo na ang sarili mo!" sigaw ko.

"Oo nga naman Fafa Bryle. Bakit lageng kailangan na kami ang lumutas sa mga problema mo?" pagrereklamo rin ni Steve kay Bryle. Mukhang naudlot na naman ang bed scene nila ni Stacy dahil kay Bryle, buti na lang kami ni Wifey tapos na, bwahaha.

"Naniniwala kasi ako sa kasabihan, na pag may problema ka, dapat may problema din ang iba, mandamay ka, para masaya." - Bryle.

"Anong klaseng kasabihan yun?" sigaw namin ni Steve sa kanya.

"Ah basta wala na kayong magagawa mga gago. Binigyan ko na kayo ng oras para magreklamo, kaya ako naman ang magsasalita." maangas nyang sabi habang nakacross arms. Mukhang wala na nga kaming magagawa, kaya nakinig na lang kami. Ganun naman lage eh.

"Eh ano na naman ba kasing problema mo this time?"

"Si Law..." -Bryle.

"Huh?" -Kami nila Steve.

"Ugh! Tulungan n'yo akong papangitin si Law!"

"Papangitin si Law?" tanong ulit namin at nagsimula ng maglabas ng katangahan este hinanakit si Bryle.

Napag alaman namin, na ilang araw na palang hindi maka score si Bryle kay Nash dahil ilang araw narin s'yang nakikick out mula sa kwarto nila Nash, parang katulad lang nung naglilihi pa si Nash. But this time, hindi na si Nash ang dahilan ng problema ni Bryle kung hindi si Law.

Bukod sa mata, kilay at ilong ni Bryle, ang isa pang namana  ni Law kay Bryle ay ang pagka obsessed ni Bryle kay Nash. Oo, sa lahat ng mamanahin nya, yun pa ang namana nya. Ang batang yun, katulad ni Bryle, ayaw ng may kung sinong lalaking didikit sa mommy n'ya, kahit si Bryle pa yun. Kaya ang gagawin ni Law sa tuwing lalapit si Bryle kay Nash, either dadramahan nya si Nash or uutusan si Nash na may kuhaning kung ano sa lugar na malayo kay Bryle. Kawalangyaan level: 999. Manang mana sa ama.

Iniisip nyo siguro, si Bryle yan, pumapatol yan sa bata, bakit hindi nya na lang gawin kay Law yung ginagawa nya sa mga karibal nyang bata kay Nash?

Pwes ito ang dahilan...

Ito ang pinaka pinoproblema ni Bryle sa ngayon...

Kung ang namana ni Law kay Bryle ay ang pagka obsess ni Bryle kay Nash... ang namana naman ni Law kay Nash, ay ang kakayahanan nitong ipagawa kay Bryle ang kung ano mang gustuhin nya. Kapangyarihang pasunurin si Bryle.

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon