CHAPTER 31- Weird.

715K 6.3K 2K
                                    

CHAPTER 31- Weird.

NASH's POV

"Hindi titigil ang mundo ko dahil lang wala na sya." yan po ang motto ni Katie ngayon

Kaya ayun, kulang na lang dun na sya tumira sa hotel. Full ang sched nya sa ojt, 12 hours a day sya tapos Sunday lang sya nag file ng rest day. Sya na talaga. Samantalang ako, 9 hours a day lang at rest day ko ng Saturday at Sunday. Hindi kasi papayag si Bryle na isang araw lang ang rest day ko. Mauuna tuloy matapos sakin ng ojt si Katie nito. 360 hours kasi yung bubunuin namin. Marami pang hours ang kailangan ko.

Malungkot parin si Katie ngayon though iniiwasan nyang ipahalata sakin, pero halata naman. Hindi naman kasi talaga ganun kadali yung nangyari sa kanila ni Third. Tatlong magkakasunod na araw inabangan ni Third si Katie sa condo pero wala, talagang hindi sya nilabas ni Katie nun, at after nun, hindi na ulit pumunta pa si Third dito.

Isang linggo narin ang nakaraan ng mag break sila Katie at Third, pero madalas ko paring naririnig na umiiyak si Katie tuwing gabi. Hindi ko na lang pinapaalam na gising ako.

Ngayon another day na naman ako as waitress slash receptionist sa bar and restaurant ng hotel nila Bryan Go.

Isang normal na araw lang naman to. Sanay na ko sa mga gawain dito, nakapag adjust na ako sa mga kasama ko. Normal na routine na lang talaga.. well.. akala ko lang pala.. -__- kasi..

Maya maya..

"Bryan, Bryan teka! pagbihisin mo naman muna ako oh!" sigaw ni.. kyaaah!

Napasigaw na lang kaming mga babaeng waitress dun nung tumambad si Bryan higit higit si Skyler na naka boxers shorts lang

"Bartender ka dito diba? Paano ka nakapunta sa loob ng kama ng kwarto ng isang customer sa hotel? at yung nagha honey moon pa ang tinira mo!" -Bryan

"Maaga pa naman ah? Ako muna sa umaga ang titira dun sa babae, sa gabi yung asawa nya! Payag naman yung baba--aw! Aw! Aray Bryan!" -hinigit ni Bryan si Skyler papasok dun sa employees lounge nung restaurant

In fairness, kakaiba talaga kahit kailan yung si Skyler. Walang palya. Lage na lang may complaint sa taas mula sa bf / jowa / syota / asawa / sugardaddy ng iba't ibang babae na nagiging customer ng hotel na napapadpad dito sa bar ng restaurant. Lahat sila nirereklamo si Skyler. -_- Isang beses nga nakasabay ko sya sa elevator, may kahalikang isa kong kasamahang waitress. Hindi ko na alam ang dapat gawin sa isang yun, ang laki ng kinalala nya kay Steve.

"Hoy Sho wag ka matulog!" -Cloud sabay batok kay Sho na kahit waiter, may hawak paring potatochips -_- at yung Cloud may hawak paring PSP -_-

Oha? Alam ko na ang pangalan nila! Kami ang magkakasama dito eh, syempre tanda ko na ang mga pangalan nila though di pa kami madalas mag interact. Eto pa bang mga kabarkada ni Go ang hindi ko matandaan, eh ang aabnormal ng personalities ng mga to.

Yung Sho, in the middle of serving food sa customers o kaya habang naglilinis ng pinagkainan ng mga customers, bigla bigla na lang makakatulog, kaya lageng naka stand by yung si Cloud para batukan at gisingin yung Sho.

Yung Cloud naman, matino kahit paano. Pero may limit ang pagiging matino nya. Pag lumampas ng 30 minutes na hindi nya hawak ang PSP nya, bigla na lang syang mawawala at makikita mo sa isang sulok na naglalaro na ng PSP. Kailangan mo syang pilitin tumigil maglaro bago makapag serve ulit. Nung unang beses nya nga, nagtetake sya ng order dapat, kaso lumampas na ng 30 minute limit, ayun, nag psp sa harap ng customer na umoorder. -__-

Ang matino lang talaga sa kanila eh yung kakambal ni Skyler na si Tyler. Dun siya naka assign sa bar ng restaurant kasama si Skyler, bartender sila pareho. Sya palang sa magkakabarkada nila ang wala pang narereceive na complaints mula sa customers. Naisip ko nga, siguro kung hindi lang kabarkada ni Bryan tong mga to, sisante na sila agad, well pwera nga lang dun kay Tyler.

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon