BONUS SPECIAL CHAPTER #6: Nightmare on Steve's Unit

331K 5.7K 3.1K
                                    

BONUS SPECIAL CHAPTER #6: Nightmare on Steve's Unit

(Note: Ang timeline po nito is 4 months after the Bonus Christmas Chapter's Timeline. December noon, so April ngayon.)

BRYLE's POV

Nasa bar ako nila Tommy kasama ang mga gago, pwera lang kay Steve (na hindi pa dumadating). Nandito kami para icelebrate ang engagement (TANG INA SA WAKAS) ng virgin na si Tommy.

"So kailan n'yo balak ganapin ang kasal?" tanong ni Third kay Tommy.

"Namimili pa kami ng magandang date," sagot ni Tommy. 

Kung 'no comment' na naman ang isinagot n'ya, mumurahin ko s'ya.

Marami pang pinag-usapang baduy na bagay tungkol sa kasal si Third at Tommy -_-. Sumasakit ang ulo ko sa pakikinig sa kabaduyan nila tangna, kaya nilabas ko na lang ang cellphone ko. Nagsalpak ako ng earphones sa tenga. Pinanood ko (na naman) 'yung video ng piano performance ni Robin sa school nila.

Ugh, ang galing talaga ni Robin.

Ugh, ang ganda talaga ni Robin.

.

.

Matapos kong panoorin lahat ng videos ni Robin na nakasave sa cellphone ko, wala na naman akong magawa -__-. Nag-uusap parin tungkol sa mga baduy na bagay si Third at Tommy hanggang ngayon. Kung paano naman nagpropose si Tommy ang pinagkukwentuhan nilang dalawa -__-. Ang gayshit ng usapan ng mga p*ta.

Ugh, bored na bored na talaga ako. Gusto ko nang umuwi at yakapin si Nami. 

Dinial ko ang number ni Nami.

"Hello... Bryle?" Tunog bagong-gising ang boses ni Nami, ang cute.

"Hello Nami," pabulong kong sabi.

"Bakit ka bumubulong Bryle?"

"Basta. Nami..."

"Ano?" pabulong narin ang pagkakasabi n'ya, haha loko.

"Nami..."

"Ano nga?"

"Hindi mo man lang ba itatanong kung anong oras ko balak umuwi?"

"Hindi."

"Gago ka a! Anong klaseng asawa ka? Dapat tanungin mo 'ko!" sigaw ko.

"Hahaha." Narinig ko ang pagtawa n'ya sa kabilang linya.

"Wag ka ngang tumawa!" sigaw ko. "Tanungin mo na kasi ako!"

"Kailangan pa ba talaga kitang tanungin? Sila Tommy naman ang kasama m--"

"Basta tanungin mo 'ko! 'Pag hindi mo 'ko tinanong hindi kita titigilan!"

Nagbuntong-hininga s'ya. "Oo na nga," napipilitang sabi n'ya.

Niloudspeaker ko ang tawag at nilagay 'yon sa gitna ng nag-uusap parin na si Third at Tommy.

"Anong oras mo balak umuwi Bryle?"

Imbis na sumagot kay Nami, bumaling ako kay Third at Tommy.

"Narinig n'yo 'yon?" mayabang kong sabi sa kanila. "Tinatanong na ni Nami ko kung anong oras ko balak umuwi. Mukhang pinapauwi na ako ng asawa ko kaya uuwi na ak--"

"Asa. Hindi kita pinapauwi." Patayo na ako pero nakasingit bigla ang pesteng si Nami. 

"Pinilit mo lang akong tanungin ka kung anong oras ka uuw--" Pinatay ko na ang tawag bago pa makatapos ng panlalaglag sa akin ang walangya kong asawa. Tangna.

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon