CHAPTER 37.5- I won't give up. (part 2)

642K 6.3K 1.9K
                                    

CHAPTER 37.5- I won't give up. (part 2)

BRYLE's POV

Paano kami nakapasok dito sa mansion ng lolo ni Nami? Para paraan lang yan. Ginamitan namin ng injectible na pampatulog (sponsored ng isang babae ni Steve dati na doctor) yung dalwang bodyguards na nasa harap ng gate nung mansion, pati narin yung dalawang nasa loob ng guard house kaya nakapasok kami sa loob. Hindi naman kami nahalata nung iba pang bodyguards na nasa loob naman ng bawat floor ng mansion kasi iba yung mukha namin, nagpalagay kami nila Steve ng prostetics dun sa kakilala ni Tanda, at nagpatahi rin kami ng uniform na gaya sa uniform ng mga bakulaw na bodyguards na nagtatrabaho dito.

Sa dami ng mga tauhan dito mukhang hindi nila kilala bawat isa, buti naman. Kabado talaga kami kasi baka mamaya mabisto kami, buti na lang hindi. Naghiwa hiwalay kami nila Steve para hanapin kung saang room andun si Nami. Potek napakalaki ng bahay na to, doble ata ang laki sa bahay namin, 3 floors ito.

Pagod na pagod na ako sa kalalakad, muntik na akong mang higit ng isang guard at pwersahin syang ituro sa akin kung nasaan si Nami pero buti na lang at tumawag sa akin si Steve. May nakausap daw syang maid at dahil nabola bola nya eh sinabi sa kanya kung saan yung kwarto ni Nami, napapakinabangan din talaga ang pagiging babaero ng isang yun. Kaya yun nga agad kaming nagkita kita dun sa 3rd floor at pumunta sa tapat nung kwarto dun na may malaking pinto.

At pagbukas nga namin, ayun, nakita ko nga agad si Nami na kahit maikli ang buhok eh alam kong sya yun. Hindi ko alam kung bakit ganito yung buhok nya at kung bakit sya naka salamin at maid outfit pero alam na alam ko talagang sya to. Nung mahawakan ko sya at yakapin nya ako sobrang sarap ng pakiramdam ko. Parang ayoko na syang bitawan pa kasi nga miss na miss ko na sya. Pero napabitaw nga kami ni Nami at nasira yung moment dahil sa pesteng si Steve. -__-

So ito kami ngayon sa kwarto pagtapos ng mabahong pasabog na yun..

"So anu ng plano nyo? Pano tayo lalabas dito?" tanong ni Nami

Napatingin sa akin sila Third, Steve at Tommy na parang nagtatanong.

Natigilan ako , tapos napakamot sa ulo.

"Actually, yung plano ko hanggang dun lang sa kung paano kami makakapasok ng mansion at paano ka makikita. Pero yung paglabas, nakalimutan kong planuhin. Bahala na." pagkasabi ko nyan napa face palm na lang si Nami pati narin yung tatlong ugok

"Astig na sana yung image mo Bryle eh, sinira mo pa." -Nami

"Tsk."

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

NASH's POV

Bilib na sana ako sa kanila eh, lalo na kay Bryle kaso hanggang dito na lang pala yun. Yung paglabas namin dito, hindi nila pinlano. -__-

Biglang may gumalaw dun sa kama kaya nakuha nun ang atensyon nilang apat. Agad nilang nilapitan yun. 

Oo nga pala! Yung maid! Nandun yung nakahubad na maid! Waah! Pag binuklat nila yung kumot makikita nila na naka bra at panty lang yung maid! Waaaaah!

"Wag niyong buklatin yang kumo---" pero bago ko paman sila mapigilan, nabuklat na ni Third yung kumot

Pagkabuklat ni Third nun, tumambad sa kanila yung maid.

Nanlaki ang mata nilang tatlo, tatlo lang, kasi yung mata ni Bryle tinakpan ko. Buti tulog parin yung maid. Woosh.

"Bakit mo tinatakpan ang mata ko Nami?!" -sigaw ni Bryle

"Bawal kang tumingin! Censored! Dito ko humarap, wag kang titingin." tas pinosisyon ko na si Bryle na nakatalikod dun sa maid

Biglang humarap din sa ibang direksyon si Third at si Tommy.

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon