CHAPTER 47- What Should I do?

682K 7.7K 3.1K
                                    

~Tol, ayan na, dedicated na sayo. Thanks talaga sa effort sa pag-eedit nung song. Thanks sa inyo ni Amiel, tsaka ko na kayo ililibre pag may pera na ako ulit. Tag hirap pa ako eh, wala naman ako kasing sweldo dito eh. Tsaka tol, kakasweldo mo lang naman sa SK haha. xD -yam

CHAPTER 47- What Should I do?

STEVE's POV

Pagkatapos nung Mr. and Ms. Stanford University, isang linggong hindi pumasok si Bryle sa school. Nagpaparty pa nga si Lolo Bernard sa mansion nila dahil sa pagkapanalo ni Bryle, pero hindi man lang lumabas si Bryle ng kwarto nya para makipag celebrate. Isang linggo kaming walang naririnig na balita mula sa kanya. Ayaw nyang magpapasok ng kahit sino sa kwarto nya, kahit kami. Sabi ni lolo Bernard, kahit sya walang alam kung anu ng tumatakbo sa isip ni Bryle, lalabas lang daw ito ng kwarto para kumaen. Kahit daw anung sabihin nya kay Bryle, hindi nasagot si Bryle kahit isang salita. Hays, bored tuloy kami sa tambayan. Kulang talaga pag wala si Bryle.

Ngayon Lunes na ulit. Hindi parin namin alam nila Tommy kung may balak ng pumasok si Bryle. Magtatime na kasi para sa 1st subject namin ngayong umaga pero wala paring Bryle na dumadating.

"Tsk, mukhang hindi parin papasok yung gago, boring." -Third

"Sinabi mo pa best friend. Kahit lage akong kinakawawa ni papa Bryle, nakaka miss parin naman sya."

"Puntahan na lang kaya natin ulit sa mansion nila? Pasukin natin yung kwarto kahit mabugbog tayo." -Tommy

"Bakit naman tayo magpapabugbog? Magsuot na lang tayo ng armor, katulad nung ginawa ni Steve nung isang beses." -Third

"Bright idea Third, sige ganun na lang ang gawin natin. Steve, san nakakabili nung armor na suot mo dati?"-Tommy

"Sasamahan ko na lang kayo dun mamaya pag uwian natin. Ayos yun, tatlo tayong naka armor pag dating sa kwarto ni Bryle. Siguradong magtataka yun, haha."

"Mukhang nagkakasayahan na kayo dyan habang wala ako ah? Anu na namang pinaplano nyong tatlo?" napatingin kami dun sa biglang nagsalita nyan tapos...

"Bryle! Akala ko hindi ka na naman papasok!" -Third

"Buti naman pumasok ka na, ang hirap ng lessons natin." -Tommy

"Waaaah! Papa Bryle, namiss talaga kita!" sigaw ko at hindi ko na lang napigilan ang sarili ko na yakapin sya.

"Steve lumayo ka nga sakin, kadiri ka -__- ." sabi ni Bryle kaya bumitaw na ako, broken hearted nga pala sya, masamang galitin lalo.

Kakamustahin na sana namin si Bryle kaso dumating na yung homeroom teacher namin kaya nagsi upuan na kami sa mga tamang upuan namin. Pero habang nagkakaklase kami, hindi namin maiwasang magkatinginan nila Tommy, kasi naninibago talaga kami sa kinikilos ni Bryle. Bakit kamo?

Ang Bryle Caleb Stanford kasi na kilala namin, lageng tulog sa klase. Kung hindi man tulog, nakapangalumbaba naman habang nakatingin lang sa teacher. Pero ang Bryle Caleb Stanford ngayon? Shet, nagsusulat ng notes! Oo! Kumokopya po sya ng sinusulat ng teacher sa white board! Ngayon ko nga lang nalaman na may notebook pala sa loob ng bag ni Bryle eh.

Pagkatapos ng klase namin, naunang lumabas si Bryle sa room kasi nag usap pa kami nila Tommy.

"Sure kang yung lesson sa whiteboard ang sinusulat ni Bryle? Baka naman nagdo-doodle lang yun?" -Third

"Katabi ko si Bryle, kaya kitang kita ko kung anung sinusulat nya. Nagtetake down notes nga sya, maniwala kayo." -Tommy

"Shet akala ko naghahallucinate lang ako, pero mukhang totoo nga. Anu na bang nangyayari kay Bryle?"

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon