CHAPTER 46- Battle of the Black Knights

654K 6.4K 1.3K
                                    

Hi Patricia na kanina lang ay nag pa picture at nagpa autograph sa akin, nabigla ako dun, di ako ready, ang laki tuloy ng tyan ko at ang panget ng pirma ko. Ito na yung dedic mo, nakakatuwa na nakakahiya kanina. Sana masaya ka hehe, salamat! ~Yam

CHAPTER 46- Battle of the Black Knights

BRYLE's POV

"Aray ko.." daing ko habang bumabangon mula sa pagkaka higa sa kama

Ang sakit ng ulo ko. Naparami ata yung nainom ko sa bar nila Tommy kagabi, mukhang may hang over pa ako. Hindi ko na nga alam kung paano ako naka uwi dito sa mansion eh.

Pagkatapos kong mag shower at mag bihis, lumabas na ako ng kwarto, papasok na ako sa school. Dadaanan ko na lang sana yung dining area namin pero napatigil ako dahil sa nasulyapan ko..

May isang babaeng maikli ang buhok na nakatalikod dun sa may dining table. Base sa pananamit nya sa tingin ko sya si.....

Imposible.. Paano naman sya mapupunta dito sa mansion?

Kinusot ko ang mata ko at tiningnan ulit yung babae. Akala ko namalikmata lang ako pero nandun parin sya, naka talikod parin sa akin.

Ng masigurado kong hindi ko lang iniimagine ang lahat eh naglakad na ako papasok sa dining room palapit dun sa babae..

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang humahakbang ako palapit sa kanya.

Nung mahawakan ko ang balikat nya para higitin paharap sa akin, para akong nakuryente.

"Nami.." tawag ko sa kanya sabay hinigit sya paharap sa akin

Natuwa ako saglit pero nawala din yun agad at napaltan ng pagka bwisit at pagka irita -__-

Bakit nga ba hindi ko naisip to? -_-

"Anu na naman yan Tanda!" sigaw ko sabay tulak sa kanya

"Hindi ako si Tanda, ako to, si Nami ako Bryle." -Tanda na nagboboses babae -_-

"Ikaw pala si Nami huh? Anung tingin mo sakin gradeschool? Eh naka suot ka lang ng papel na maskara ng mukha ni Nami eh!" sigaw ko sabay higit paalis nung maskara ng mukha ni Nami na suot suot nya -_-

"Tsk, pinasadya ko pa naman yang mask na yan. Akala ko matutuwa ka hays."

"Sinong matutuwa dito?! Anu na naman ba kasing trip mo? Nang aasar ka ba o anu?!"

"Hindi ako nang aasar apo, gusto ko lang kasing pasayahin ka dahil lage ka na lang malungkot these past few days. Naisip ko rin na baka pag nagpanggap akong si Nami eh kumaen ka narin, puro alak na lang kasi ang laman ng tyan mo eh."

Huminga ako ng malalim at unti unting pinakalma ang sarili ko. Alam ko naman kasing nag aalala sya sakin kaya nya ginagawa to pero imba naman kasi ang mga plano nya eh, nakakabwisit madalas.

"Kaya ko na ang sarili ko kaya wag mo na akong intindihin. Aalis na ako." lalakad na sana ako paalis pagkasabi ko nyan kaso hinawakan nya ako sa braso

"Teka lang Bryle.."

"Bakit na naman?"

"Kung hindi mo nagustuhan tong panggagaya ko kay Nami, ito, ito Bryle baka magustuhan mo na to." sabi ni Tanda tapos sumipol sya na parang may tinawag

Maya maya may narinig akong footsteps. May biglang lumabas na isang makinis na binti mula sa may pinto ng dining room tapos unti unti itong pumasok sa loob.

Pinagmasdan ko sya mula paa hanggang ulo.

Natuwa ulit ako ng saglit pero nawala rin agad yun nung mapagmasdan ko na sya ng mabuti. -_-

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon