BONUS SPECIAL CHAPTER #5: Boys & Babies

524K 7.9K 2.9K
                                    

BONUS SPECIAL CHAPTER #5: Boys & Babies

(Note: Ang time line po nito is just 10 months after ipanganak ni Nash si Law, meaning 10 months old palang si Law and wala pa si Robin. Note rin na hindi parin nauusuhan ng pamalit sa "No comment" n'ya si Tommy dito, lols. Basically this chapter happened in the middle of Bonus Special Chapter #3 and #4)

BRYLE's POV

"So bakit nga ulit tayo nandito? At bakit dala-dala n'yo yang mga baby n'yo? Nasaan si Nash at Katie?" tanong ni Tommy sa aming dalawa ni Third. Nandito kami sa Weekend House namin ni Nami. (Weekend House ang pangalan kasi tuwing weekend lang kami nandito, pag week days dun kami nagsstay sa mansyon ni Tanda).

Ako yung unang sumagot sa tanong ni Tommy, "Ganito kasi yung nangyari kagabi..."

FLASHBACK: 

Kakatapos ko lang magshower, ang sarap sa pakiramdam lalo na't pagod ang katawan ko dahil sa trabaho. 

Nadatnan ko si Nami na nakahiga na sa kama, agad ko s'yang tinabihan.

"Nami..." tawag ko, pero hindi sumagot ang gago. Tulog na ata. Nakatalikod kasi s'ya ng higa sakin kaya di ko kita ang mukha n'ya.

Niyakap ko na lang s'ya mula sa likod. Hindi ko alam kung bakit kahit pareho kami ng shampoo, mas gusto ko yung amoy n'ya kaysa sa akin. Gabi-gabi na kaming magkatabi pero hindi parin ako nagsasawa sa amoy n'ya, sa tuwing yayakapin ko s'ya bumibilis parin yung tibok ng puso ko, ang baduy. Mukhang gustong-gusto parin ng buong sistema ko ang lahat-lahat ng tungkol sa bobong babaeng to.

"Mmmm... Bryle..." bulong n'ya, nagising ata dahil sa paghalik ko sa tenga at leeg n'ya. Agad naman s'yang humiga paharap sa akin.

Kinukusot n'ya ang mata n'ya, hindi pa s'ya makamulat ng ayos.

"Oi bobong babae!" sigaw ko kaya agad s'yang napatingin sa akin.

"Bakit?" tanong n'ya, halatang inaantok pa.

"Mahal kita." pagkasabi ko n'yan, agad nawala ang antok sa mukha n'ya. 

"Bakit ang sweet mo ata?" tanong n'ya, pero kinikilig naman yan sus.

"Pag sinabihan kita ng mahal kita, dalawa lang ang dapat mong gawin: sumagot ng 'mahal rin kita' o kaya naman..."

"O kaya ano?"

"O kaya naman... " Agad ko s'yang hinigit palapit sa akin at hinalikan.

"Ganito," sabi ko, sabay ngiti. Hinalikan n'ya ako pabalik. Ang init ng bibig n'ya. Ang lambot parin ng labi n'ya hanggang ngayon.

"Nami..." sabi ko pagkatapos maglapat ng mga labi namin.

"Hmm?"

Nilapit ko yung bibig ko sa may tenga n'ya tapos, "Sundan na natin si Law," binulong ko yan sa kanya.

Ilang beses na naming nagawa yung alam n'yo na kung ano, pero sa tuwing aayain ko s'yang gawin yun, nahihiya parin s'ya at namumula parin yung mukha n'ya.

Umiwas s'ya ng tingin sa akin tapos pinag cross pa n'ya yung braso n'ya habang tinatakpan yung bandang dibdib n'ya. Di ko inasahan yun.

"Ayaw mo?" tanong ko.

"Hindi sa ganun," Umiiling s'ya.

"Eh ano?"

Dahan-dahan s'yang tumingin sa akin, nagseryoso ng tingin tapos, "Ngayon ko lang naalala, hindi nga pala ako nakapag ahit ng kili-kili kanina," sabi n'ya.

"Pfft... hahahaha!" agad naman akong natawa dahil akala ko may problema na kaming dalawa, yun pala... ahaha! Si Nami nga talaga s'ya, lageng panira ng moment... pero dahil ganyan s'ya kaya siguro mas minamahal ko s'ya kada araw.

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon