CHAPTER 6- COMMUNITY SERVICE for IDIOTS

909K 8.5K 2.3K
                                    

CHAPTER 6- COMMUNITY SERVICE for IDIOTS

NASH's POV

"Haaaaaaaaaaaay...." -Katie

"Katie wala ng magagawa yang pagbubuntung hininga mo sa kapalaran natin.. Alam mo naman yung disciplinary president, kahit si Bryle walang ligtas dun.. tayo pa kaya??"

Naglalakad kasi kami ngayon papunta dun sa detention room dahil nga imimeet kami nung Dp para dun sa community service namin.. Buti nga imbis na 1 week eh ginawa nlng 1 day yung community service sa tulong narin ni Lolo Bernard.. kasi sobrang nagrereklamo daw si Bryle pag uwi nya =__=

"Hindi naman yung community service ang pinoproblema ko eh! Si Third!" -Katie

"Hindi pa ba kayo ok nun??"

"Hindi pa ako tinetxt simula kagabi.. Hinatid lang nya ako sa bahay.. sinusubukan ko sya tawagan, hindi nasagot.. nagtxt narin ako at nagpaliwanag kung bakit ako may kaholding hands na lalaki kaso, wala syang reply! waaaaaaaaah! Nash bakit ganun?? pareho lang naman yung nangyari sa atin pero bakit kayo ni Bryle ok?? Kami ni Hubby hindi?? uwaaaaaaaah!"

Buti na nga lang eh.. akala ko nga magkaka away pa kami ni Bryle.. Buti nlng at hindi.. Kaso nakokonsensya ako kasi nagsinungaling ako sa kanya.. sabi ko sa kanya naglalakad lang ako nung magwala yung Sho at natripan lang ako.. pero ang totoo naman kasi hinahabol ko si Bryan Go.. =__=

Pero naman kasi eh.. ayoko na ng gulo.. dun pa nga lang sa part na nalaman ni Bryle na hahabulin ako nung Sho eh nagwawala na sya at gusto ng gyerahin yung Sho.. panu pa pag nalaman niyang pinakidnap ako ni Bryan Go?? jusko baka di lang detention ang punta niya..

so hindi naman ako dapat makonsensya diba??

"Hoi bessy! Natulala ka na jan! Kainis to! Nagddrama ako eh!" -nabalik lang ako sa wisyo nung umimik si Katie... kausap ko nga pala sya.. anu ba yan..

"Sorry naman bessy.. di ko rin alam sasabihin eh..Tatahi tahimik si Third pero malala din pala magselos yun no?? hmmm.. pero bessy mahal ka naman ni Third eh.. kaya hindi ka rin niya matitiis promise :)"

"Sa tingin mo bessy??"

"Ou naman.. simula bata ikaw lang ang minahal nun, imposibleng iwan ka nya ng dahil lang sa ganun kababaw na bagay.. lambingin mo lang bessy ^__^"

"Sige na nga.. siguro nga.. kulang lang yun sa lambing.. Ayokong gumaya kay Stacy at Steve, LQ parin hanggang ngayon.."

"Eh?? hanggang ngaun?? halos isang linggo na silang LQ ah!"

"Eh alam mo naman si Stacy.. jusko, araw araw na yun pinupuntahan ni Steve sa bahay, kaso waepek.. ewan ko ba dun sa babaeng yun"

"Hahaha... nagtaka ka pa.. eh kaya nga sya si Stacy eh.. Hindi sya si Stacy kung hindi sya ganun.."

"Haha.. sabagay-- te-teka Nash..Namamalikta lang ba ako o tlgang buhat buhat nung magandang babaeng nangidnap sa atin kahapon si Bryan Go???" -Katie sabay turo sa harap namin..

Tapos kahit ako, nakusot ko nlng yung mata ko kasi nga di ako makapaniwala dun sa nakikita ko..

ganito tlga kami ni Katie oh..

O____________________________________________O

Eh kasi..

Yung Alice.. Yung magandang sexy na babae na nakakatibo..

Buhat buhat niya si Bryan Go! as in!

"Hoi ibaba mo ko Alice! ayoko sabing pumunta sa detention na yan eh! ayoko nga sabi eh!" -sigaw ni Bryan Go na pinapalo ang likod ni Alice

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon