GH 26: Smooth

4.7K 127 2
                                    

"Carl, ano ba? I need to work!" I hissed. After we finished our foods ay bigla na lang ako nitong binuhat at iniakyat sa kwarto. Nakahiga kami sa kama at nakadagan ang braso nito sa katawan ko.

"I'm still sleepy, babe. Hindi ako nakatulog ng maayos." Malambing na bulong nito sa tenga ko. Jezz! Parang nagtayuan ang balahibo ko sa ginawa nito.

"Nagugusot na ang damit ko, Carl." I reasoned and tried to move pero lalong hinigpitan nito ang yakap. My heart started to pound like crazy at his simple gesture. I suddenly felt uneasy.

"I love you." He uttered. Binalot kami ng matinding katahimikan. He sound serious in an instant. Tanging paghinga lamang naming dalawa at ang malakas na kalabog ng puso ko ang naririnig ko.

I couldn't see his facial expression dahil nakatalikod ako rito habang ito naman ay nakayakap ng mahigpit sakin. Oh God, what should I do now?

"Celine..." He called, as if waiting for something. I already said it, pero bakit parang hindi ko mapanindigan. I inwardly chastise myself.

"Hmm?" Was my stupid reply. I know that he wanted assurance. He wanted me to say those words again. He explained his side and apologized. I did listen and weighed his explanations. We're fine now, aren't we?

What we had is a misunderstanding. Maybe it's because we skipped the 'getting to know each other part. Kinasal kami agad.

"I'm sorry, hindi dapat kita pinipilit." He said in a business-like voice. He breathed deeply at tumayo ito, "I'll wait for you downstairs. Ihahatid kita."

I was left there with my mouth hanging open. He indirectly walked out on me! Nasapo ko ang ulo ko. Mag a-alauna na naman. Carl deserves my time. He's my husband and I have feelings for him now. I should give it at least a try.

I stood up with a smile plastered on my face. Mabilis akong nagpalit ng pambahay. A simple aqua blue shirt and a white short looks comfortable.

Tumawag ako saglit sa office para sabihing hindi na ko makakapasok before I went out of our room.

It's not too late to know each other, we just need to put some effort. I wanna be happy. Tama si Sandy, kaylangan kong gumawa ng sariling version ko ng happy ending... with Carl in it, without Lance.

Nasa baba na ko ng makita kong nakatalikod at tahimik na nakatingin si Carl sa bintana. Looks like he's pondering on something.

Sandali akong tumigil para pagmasdan ito. If my parents hadn't arrange anything for me, what would I be doing right at this very moment? Maybe working? Still mourning on my loss.

I'm wondering, ano kayang iniisip nito? Is it our issues? Or, maybe about work? Hindi ko naisip na may version din si Carl ng past niya, because I'm so lock up with my own yesterday.

Malapit na ko rito ng maamoy ko ang pamilyar na bango nito. It's enchanting. Noon ko pa ito naaamoy at habang tumatagal ay naa-addict na ko sa amoy nito.

I wrapped my arms around him ng makalapit ako. Naramdaman ko ang mahinang pagkagulat ng katawan nito. He really is thinking deep. I wanted to chuckle pero pinigilan ko, baka kasi mapikon na talaga to sakin knowing na kulang ito sa tulog.

GLIMPSE OF HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon