GH 19

4.9K 114 3
                                    

"Stop it, Carl" I hissed at buong lakas na binawi ang braso ko rito. Kasalukuyang nasa labas na kami ng aming hotel room. Pagkatapos nang incidente na nagyari sa kanila ni Gavin kanina lamang ay hinila ako nito pabalik sa hotel. Ni hindi man lang ito kumibo pagkatapos niyang sabihing 'Let's go'

"Uuwi na tayo" saad nito at dirediretsong pumasok sa loob. What??? Uuwi na kami? As in ngayon na?

Sinundan ko ito sa loob at kinalma ko ang aking sarili "We can't go home tomorrow Carl. Mag ga-gabi na, isa pa pauwi na rin naman tayo bukas. Ipagpabukas nalang natin to" I calmly said at umupo ako sa sofang nakaharap sa kanya.

"Pack your things" he retorted with finality at iniwan akong nakatulala sa sala. Dumiretso ito sa aming silid.

Is this really happening? Am I really talking to Carl? Now, I finally understand Alex. Kaya ganon na lamang ang reaksyon nito ng malamang nilalagnat ang kaibigan nila. I inhaled deeply at sinundan ito sa kwarto.

Like what I expected ay inaayos na nga nito ang gamit namin. Seriously? Inilabas nya na ang lahat ng damit namin sa cabinet. Damn! I need to calm down.

"What are you doing? Nababaliw ka na ba?" I said trying to sound casual.

Saglit naman nitong tinigil ang ginagawa at tinitigan ako "Pag hindi pa tayo umalis dito ngayong gabi ay mababaliw talaga ko Celine" sagot nito at tinuloy na ang ginagawa "Help me fix our things. It's getting late"

"Yun na nga e, ipagpabukas nalang natin" lumapit ako sa kama kung saan nakalagay ang ilan sa mga gamit ko na inaayos na din ni Carl. Medyo marami kase ang dala kong gamit kumpara sa kanya. Maybe I have to make him calm down "Look, you're just over thinking. Gavin is a friend, kilala ko siya. He's Ian Zamora's cousin. You know him? Ian? Th- "

Matalim akong tinitigan nito na siyang nagpatahimik sakin. "Shut up and fix your things" malamig na saad nito. I stared at him in disbelief. Shut up and fix your things. Did he just say that? "I'll be back after an hour, then we'll leave" dagdag nito at binitawan ang hawak nitong mga damit. Dirediretso itong lumabas ng kwarto.

Mahigit sampung minuto na siguro akong nakatitig sa pinadeliver na pagkain ni Carl bago ko napag desisyonang iligpit na ito. Nakaayos na ko ako at nailigpit ko narin ang lahat ng gamit namin. Mag iisang oras na wala at pa din si Carl. Baka lumamig na ang ulo nito at naisipang bukas nalang kami umalis.

Sayang naman at hindi ko pa nalilibot ang buong resort. Pagkatapos ng nangyari kanina ay wala pa rin akong naririnig mula kina Eloisa, kahit kay Jason ay wala pa rin. Ano na kayang nangyari? Is Gavin okay? I wanted to apologize, wala naman talaga kasi itong ginagawa. Pwera na lamang sa lantarang pang iinis nito kay Carl. He over reacted. Sa mga kinilos at ginawa niya, hindi yon dahil lamang sa paglapit ni Gavin sakin. I'm not a fool para hindi makahalata. I'm perfectly sure na may iba pang dahilan.

I wanted to know the reason but I still have personal matters to mend. It's just that I've gathered too much information, at kailangan ko pang kilalanin si Carl gaya ng payo sakin ni Sandy. Maybe, one at a time? At least I'm sure that I'm slowly moving forward and knowing that Carl is there to help is somewhat comforting me. Not the moody Carl with fever, I miss him... my sweet, cool, funny, and persistent Husband.

I was washing my hands nung marinig kong magbukas ang pinto. Inuluwa non ang nakabusangot na si Carl kasunod sina Jason at Alex.

"You really sure about this? Pwede namang ipagpabukas niyo na lang ang pag uwi" kaswal na sabi ni Jason na nanatiling nakatayo.

GLIMPSE OF HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon