GH 7

8.2K 135 0
                                    

Nagising ako at nag madaling pumasok sa banyo. Damn! It's already 8am at late na ko for work. Palabas na ko ng kwarto ng maalala ko ang nangyari kagabi. Im so stupid! Baka kung anu ano ng iniisip ni Carl sakin. Jeez! Whatever it is, I don't care, bahala na..

I smelled something delicious the moment na dumaan ako sa sala. Hmmmn, I guess it's him... baka hobby nya lang talaga ang pagluluto.

"Goodmorning..."

Muntik na kong mapatalon ng magsalita si Carl mula sa likuran ko. It took me seconds' para harapin sya. Gosh! How can I face him after last night?

"G-good morning..." I replied. He smiled and I looked away. Hindi ko lang talaga matagalan makipagtinginan sa kanya..

"Nagluto ako ng breakfast... uhmmm let's eat?" pag aaya nito,

I sighed, sumunod na lang ako sa kanya, ayoko na din kasing humaba pa ang usapan. We eat silently. Ang nakakainis lang ay nakatitig sya sakin, yes, he's staring at me. Nakayuko lang ako at nagpatuloy kumain. Nang matapos na ko ay nagmamadali akong uminom at tumayo.

"Where are you going?" he asked casually

"Office? I think..." I replied. Nagpatuloy lang sya sa pag kain, napakunot ang noo ko. Wala naman sigurong sapak sa utak tong lalaking to "I gotta go... late na ko"

"Wait" tumayo sya at dumiretso sa kinaroroonan ko "Hindi ka papasok ngayon"

What? Did I hear it right? Ngumisi ako, is it a joke?

"May pupuntahan tayo, don't worry I already told your secretary about it..." he said "...and I remember your mom telling me na naka leave ka for 2 weeks, am I right?" he moved closer and closer until he's an inch away from me.

Unti Unting gumapang ang inis sa sistema ko, but for my parents' sake mag titis na lang muna ko. They wouldn't choose an insane man to be my husband and I know that.

"Okay," I replied trying to sound nice, lumayo ako at tinapunan ko siya ng masamang tingin ngunit ngiti lamang ang binalik niya.

"Hey, wake up"

I opened my eyes and noticed na nakarating na pala kami sa destinasyon namin. Hindi ko namalayang nakaidlip pala ko, tumingin ako sa relo ko at napansing mahigit dalawang oras din kaming bumyahe papunta dito.

"Where are we?" I asked, but instead of answering me ay nginitian nya lang ako at bumaba sya ng sasakyan... Ilang segundo lang ay bumukas ang pinto sa side ko at inalalayan nya kong lumabas... He always smiles, what's his problem?

"This is my favorite place" he said without looking at me.

Inilibot ko ang mata ko... Well, I can't deny na mganda talaga ang lugar na ito... sariwang sariwa ang hangin at napakalinis ng daraanan. Sinundan ko lang si Carl sa paglalakad hanggang sa matanaw ko ang malaking bahay sa di kalayuan... Nang makalapit na kami ay may mga batang nagtakbuhan papunta sa aming direksyon at kasunod nito ang dalawang madre.

So, sa ampunan nya pala ko dinala...

"Kuya Carl!!" the chrildren shouted in chorus... isang maliit na batang babae ang kinarga ni Carl

"Kids, this is your ate Celine" pagpapakilala nito at nagtinginan ang mga bata sa direksyon ko.

"Girlfriend niyo po ba sya kuya Carl?" a boy asked, na kundi ako nagkakamali ay limang taong gulang

"Nope, she's my wife. Maganda siya diba?" nakangiting sagot ni Carl. Sumang ayon naman ang mga bata at napatingin sa gawi ko ang dalawang madre. God! What did he think he's doing? Is he flirting with me?

"uyyyy... si ate Celine nagbablush" pang aasar nila, tiningnan ko ng masama si Carl

"Hey kids, wag nyong asarin ang ate Celine nyo. Ako mayayari jan" Carl said and they all laugh

Habang nakikipagkwentuhan si Carl sa mga bata ay tinulungan ko ang mga madre sa pag aayos ng tanghalian. Nalaman ko sa kanila na regular palang dumadalaw si Carl sa ampunang ito, nalaman ko ding malapit talaga ang bata sa kanya. Isa isa namang nagpakilala sakin ang mga madre, wearing a smile on their faces.

"Ay naku iha, napakaswerte mo dyan sa batang iyan, at alam ko ding swerte sya sayo..."

Ngiti lamang ang naisagot ko kay Sister Rosa. Kung buhay pa siguro ang aking lola ay magkasing edad lamang sila.

"Tama ka po dyan Sister..." napalingon sa likod at nakita si Sister Joy na papasok "Alagaan nyo ang isa't isa, nakikita ko namang nagmamahalan kayo... wag mu din sanang iwanan an-"

"Sister Joy!" pigil ni Sister Rosa.Napaangat ako ng tingin at napatigil sa pagtitimpla ng juice, nagtatakang tiningnan ko silang dalawa.

"May problema ho ba?" tanong ko "Ano po yung sinasabi nyo kanina Sister Joy?"

Nagpalitan ang mga ito ng tingin, at dumiretso na palabas ng kusina. Binaling ko naman ang tingin ko kay Sister Rosa.

"Wala yon iha, pagpasensyahan mo na si Sister Joy, ganun lang talaga iyon" Ngumiti siya "Gano na pala kayo katagal magkakilala ni Carl?" tanong nito

"a-ahh..." God! Ano bang dapat isagot ko? kakakilala ko lang kay Carl, Jezz, mukhang hindi naman mganda kung sasabihin kong arrange marriage lang to, hindi rin naman ako pwedeng magsinungaling. "Ang toto-"

"Babe..."

Sabay pa kami napalingon ni Sister Rosa sa pinto. lumapit si Carl sakin sabay yakap nito sa likod ko. This is really awkward, I hope hindi nila mapansin ang pagkailang ko.

---

A/N:

Not edited.

GLIMPSE OF HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon