GH 40

4.6K 105 0
                                    

WARNING: SPG

"Iha, tumawag si Carl at pinapasabing mauna ka na raw kumain at baka gabihin siya," kaswal na sinabi ni Manang Melba.

"Sige ho, mag sha-shower lang ako tapos bababa na po ako." Sagot ko.

What's taking him so long? Habang tumatagal ay napapalitan ng galit ang sakit na nararamdaman ko. I thought I was the one who needs to move on. Fast. Pero mukhang mas kaylangan yata ni Carl iyon.

Nagtagal ako sa pagbababad sa  cr kaya naman nagmamadali akong magbihis ng marinig ang sunod sunod na katok ni Manang Melba.

"Hindi mo ba nagustuhan ang timpla?" Nag aalalang tanong nito. "Ang sabi ni Carl ay paborito mo raw yan, kaya ayan ang ipinaluto niya. Nasan na ba ang batang yon? Dapat sabay kayong kumain sa unang araw niyo sa bahay na ito."

Pinilit kong ngumiti sa harap nito. The food is good. It's delicious. Pero wala akong gana. Isipin ko palang na magkasama si Jasmine at Carl ay para akong susuka.

"Masarap ho. Pagod lang po talaga ako. Pasensya na."

Nagmamadali akong umakyat sa taas. I couldn't even appreciate our new house. I brushed my teeth and went to bed.

Pag alis namin kanina ay sa bagong bahay na ako hinatid ni Ramos. Guards are all over our house. Bukod kay Manang Melba ay may isa pa kaming helper. Carl's planning on having six of them, at ako ang mag ha-hire ng apat pa. I'm just not sure kung matutuloy pa ang lahat ng yon.

My phone rang. It's Sandy. Siguro ay nakarating na sa kanya ang nangyari. Hindi ko pa kayang sagutin ang mga tanong niya kaya hinayaan kong mag ring ang telepono ko. Knowing her, she'll shout at my stupidness.

Ayokong makarating ito kina Dad, at hindi ko rin alam kung pagbibigyan pa ni Carl ang pakiusap kong yon. Seeing how mad he is? I doubt it.

Sinubukan kong takpan ng unan ang tenga ko. But Sandy being Sandy, ay hindi tumigil ito. She can be freaking annoying if she wants to!

"Your phone's ringing," Carl said. My heart's beating become uneven. Kaba, galit, halo halo. Ni hindi ko man lang napansing dumating na pala ito.

Inabot ko ang cellphone ko at pinatay. Sandy will be mad for sure. Ayaw niyang pinapatayan siya ng phone. What can I do? Ayokong kausapin si Carl, ni ayaw ko nga itong tapunan ng tingin.

"Who's that? Bakit hindi mo sagutin?" Punong puno ng pag aakusa ang tinig nito. I looked at him and saw his cold stares.

Is this because of Jasmine? It pains me seeing how he cared for her. He said he love me. Is he lying all along?

"What do you care?" Pabalang na sagot ko.

GLIMPSE OF HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon