GH 21: Jasmine

4.9K 111 2
                                    

“Put your seatbelt on” seryosong saad nito. “Someone is following us” He added and my body went numb.

 

Kalmado lang ito habang tinatahak namin ang daan palabas ng parking lot. Inayos ko ang seatbelt ko gaya ng sabi nito.

"Relax, don't worry Celine. I can handle this. Namumutla ka" puna nito, kasabay ng pagbilis ng pagmamaneho niya. Damn! How can I relax? He just told me that someone is freaking following us! Sabi ko na nga ba. Someone was looking at us. I felt it! Pag nararamdaman ko ang ganun karaniwan may nakatingin o sumusunod talaga. It's weird; Sandy told me it's creepy.  Sabi naman ni Larra, isa sa mga kaibigan namin, told me that this is a gift. But this thing is scaring the hell out of me.

“See that?” turo ni Carl sa pulang kotse sa likod ng puting SUV sa likod namin. I nodded. “Look closely” dagdag nito sabay liko namin pagdating sa isang kanto. Good thing at medyo maaga pa ngayon kaya maraming mga sasakyan. Pag liko ulit namin ay lumiko rin ang pulang sasakyan.

Wala kaming ginawa kundi ang magpaikot ikot lang sa lugar, nakasunod pa rin yung pulang kotse. Weird dahil parang wala naman itong ginagawa kundi ang sumunod which made me relax a bit. Tinted din ang kotse kaya wala kaming ideya kung ilan ang tao sa loob non. What do they want? The car? Money? I don’t think so. Kung yon nga ay dapat kanina pa ito gumawa ng aksyon.Hindi kaya…Umiling ako. I washed the thoughts away.

Ilang sandali pa ay bigla ng nawala  yung pulang sasakyan. Now, what the hell was that?

Carl continued to drive. Nakakunot lang ang noo nito. “Whoever it is surely doesn’t want our valuables”

I looked at him confused “What then?” 

 “Hindi ko alam. I’m going to find out” he said menacingly. 


Pagkatapos ng insidenteng iyon ay tumindi ang security sa bahay pati narin sa opisina. Two days had passed pero hindi pa rin ako mapalagay. Wala naman akong matandaang taong nakaaway ko, this past years ay tahimik lang ako. Panay naman ang tanong sakin ni Carl. He is still working on finding out who is after us that night.

Mabuti na lamang at napakiusapan ko si Carl na wag na muna itong sabihin kina Mommy. Sigurado akong mag aalala lamang ang mga ito. Isa pa ay baka bagong modus operandi lamang ang sumunod samin at dahil sa magaling magmaneho si Carl ay hindi nito natuloy ang plano. I told Carl about it pero hindi ito sumasang ayon. Something is going through his mind and he’s not telling me kung ano man yon. Ni kahit sa negosyo ay wala naman akong matandaang nakaalitan ko ng husto na maaring maging dahilan ng pagtatangka.

I also thought na baka kay Carl sila may pakay but Carl’s actions contradicts. Sa akin ito tanong ng tanong ng mga bagay bagay… so it’s me? I’m not stupid not to noticed.

“Ms. Celine, letter po para sa inyo” I was startled out of my reverie when my secretary spoke. I smiled at her at kinuha ang isang sobre mula rito.

Napakunot ang noo ko ng makita ko ang laman nito. Agad akong tumayo at pumunta sa table ni Erin. “Who sent this?” I asked casually. Casual as I could but Erin know me enough to see something is wrong.  

“Hindi ho ba nakalagay dyan?” nabalot na pag-aalala ang mukha nito “Kasabay po yan ng mga ibang mga sulat at proposals.  I’ll call Mr. Montereal”

GLIMPSE OF HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon