Chapter 20

474 16 2
                                    

D.O.'s P.O.V.
     

     Katatapos ko lang tawagan si Princess. Pinapapunta ko siya dito sa park na malapit sa shop. Sana ay magustuhan niya ang surprise na ito, nagpatulong ako kay Chanyeol at Baekhyun para ma-organize ang fountain display. Gusto kong maging espesyal ang lahat ngayon alam ko na ang nararamdaman ko. Napagtanto ko na at napag-isip-isip, mahal ko si Princess.

     Siya ang nagpa-intindi na lahat ng tao sa buhay ko ay mahalaga kahit na hindi ko man napapansin, kailangan ko lang buksan ang mga mata ko para makita sila.

       Ito na ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang mga salitang noon pa ay gusto niyang marinig.

----

     Inip na inip na ako! Kanina pa ako naghihintay dito pero walang dumadating na Princess.

Habang nasa duyan ako at nakaupo, may narinig akong hakbang papalapit sa akin.

      "You're 30 minutes late!" Sabi ko at tumayo ako.

     "Traffic kaya. Nahirapan tuloy si Sung Cheol na magdrive ang layo naman kasi nito sa location namin!" Aniya.

Si Sung Cheol na naman?! >___< 

     "Aba at nagpahatid ka pa talaga sa mokong na yun? Di ka ba nahiya?" Reklamo ko.

     "Anong gusto mo? Magcommute pa ako? Edi hindi lang ako 30 minutes late kundi higit pa?! Ang arte mo. Si Sung Cheol naman yun." Sagot niya.

         "Yun na nga eh. Si Sung Cheol yun!" Pagtataas ng boses ko.

        "Ano naman ngayon?" Sige, matanong ka? Makukuha mong katapat mo. 

     "I'm jealous!" There! I said it.

     "Ano?" Bingi? O nananadya?  >___<

     "Close your eyes." Sisimulan ko na ang plano ko.

     "Bakit ba?" Tanong pa! Aish! >__< 

     "Just do it." Sagot ko. Nakakainis din palang gumawa ng mga surprise.

     "Oh eto na!" Pumikit siya. Hay salamat! 

     "wag kang mumulat until I say so." Hinawakan ko siya sa magkabilang braso niya at sinimulang aalalayan sa fountain na pinahanda ko.

When I Met Mr. PerfectionistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon