Chapter 17

508 13 0
                                    

     2 months na mula na mula noong sinimulan ang construction ng shop ni D.O. Lagi akong nasa site dahil gusto kong maging maayos ang shop. Si D.O. naman ay sinisiguradong araw-araw siyang nakakabisita doon kapag may oras siya. Kasabay din nun ang lagi niyang pagdadala ng cake para akin. Lagi ngang pineapple up-side-down eh, nakakasawa din palang paulit-ulit na kumain nun kahit paborito ko. 

     Tinotoo niya ang sabi niya noon na dapat lagi niya daw akong nakikita at nakakasama. Tuwing umuuwi naman si Sung Cheol dito sa Seoul, we make sure na lagi kaming naghahang-out nila Mina at Kai, katulad na lang ngayon.

     "Alam mo, mas madalas na si Oppa na nasa site kaysa sa shop niya. Gusto ka lang ata talagang makita lagi eh." Ani Mina, alam nila ang tungkol sa pangungulit ni D.O. kahit si Sung Cheol din ay alam ito.

     "Ano ba? Hindi noh. Tama lang naman na andun siya para alam niya ang ginagawa sa shop niya." Sagot ko.

     "Hindi naman ganun si D.O. dati sa mga pinapagawang branch niya nun eh. Kilala ko siya." Ani Kai.

     "Eh paano ba namang hindi, eh napaka-perfectionist niya" Ani Sung Cheol. Nag smirk si Kai.

Biglang nagring ang phone ko. Tumatawag si D.O. Bakit kaya? 

"Wait lang. Tumatawag si D.O" sabi ko at lumabas sa bar.

     "Yoboseo?

     "10 p.m. tonight sa park malapit sa shop ko. Maghihintay ako." Sabi ng nasa kabilang linya at pinatay agad. Ano ba yun? Yun lang ang sasabihin tapos bababaan lang ako? Pakyeol siya! >__<

Pumasok ako sa bar at umupo. "Bakit daw tumawag si Oppa?" Tanong ni Mina.

     "Sabi niya pumunta daw ako sa park malapit sa shop ng 10 p.m. ngayon."

      "Oh. Bakit nakaupo ka lang diyan? Hindi mo ba siya pupuntahan?" Aniya.

     "Ayoko nga. Baka mamaya pagtripan lang ako nun eh. Ayoko." Sagot ko.

     "Ano ka ba Princess. He hates it when he's waiting at hindi sinisipot." Ani Kai.

     "Well, hindi ko na kasalanan yun kung maghintay siya. Tatawag siya kung kelan ka-orasan na?! Eh ako nga nakapaghintay sa kanya noon, ngayon lang napagod."

     "Princess, pumunta ka na.  Baka may importanteng sasabihin yun sayo. Ihahatid kita para safe ka. 9:30 na eh, baka d ka umabot kapag nag-commute ka pa." Ani Sung Cheol

     "Sure ka?"

     "Oo naman." sagot nito.

     "Sige na Princess. Ihahatid ko na lang si Mina pauwi. You guys go ahead." Ani Kai.

     "Sige na nga. Let's go Sung Cheol. Ingat kayo ha. bye." Paalam ko.

---

Tahimik lang sa pagdadrive si Sung Cheol, hindi naman siya ganito kanina sa bar.

     "Uy okay ka lang?"  Tanong ko.

     "Ah oo naman." Aniya.

     "If this is about sa pagpunta ko sa park ngayon, pwede namang hindi na ako pumunta eh. Balik na lang tayo sa bar, minsan ka lang umuwi eh." Sabi ko.

     "Hindi noh. Ok lang. Pumunta ka na dun. Next time na lang, medyo matagal naman ako ngayon sa Seoul." Aniya.

     "Salamat ha." I smiled. Tapos niyakap niya ako.

     "Walang anuman. Basta ikaw. Kung saan ka masaya, masaya na rin ako dun kahit na siya parin ang mahal mo. " Aniya.

     "Ang drama mo naman. Para kang nagpapaalam. Mag-aasawa ka na ba? Nakahanap ka na ng bago?" Pagbibiro ko.

Itinigil niya ang sasakyan. "Andito na tayo. Sige na puntahan mo na siya." Aniya.

     "Babye!! See you! Salamat ulit." Sabi ko habang bumababa ng sasakyan.

Hindi ko alam kung paano na ako kung wala ang mga kaibigan ko, lalo na si Sung Cheol.

-------

 AN: Isa lang ang masasabi ko sa inyo.. MAGHANDA SA SUSUNOD NA KABANATA! Hindi ako makahinga >___<

-DoGongJu

      

When I Met Mr. PerfectionistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon