Chapter 16

540 17 8
                                    

      Andito ako ngayon sa opisina ko, tinatapos ko na ang design para sa shop ni D.O. Kailangan ko na itong maipakita sa kanya. Trabaho na lang ang dahilan para magkita kami. Alam ko naman kasing hindi niya magagawa yung sinabi ko na bumalik sa akin kapag pareho na kami ng nararamdaman.

     May biglang kumatok sa pinto ko, si Secretary Kang pala. "Mam, may nagpapabigay po sa inyo nitong cake." Pinatong niya ito sa table ko.

     "Kanino daw galing?" tanong ko.

     "Ayaw pong ipasabi eh" Aniya.

     "Ganun? Sige salamat" Sagot ko.

Lumabas ang secretary ko at binuksan ko agad ang box. Isang pineapple up-side-down cake ang laman nito. Hindi naman sa nag-aassume ako pero sa itsura palang ay alam ko na kung sinong nagpadala nito. 

     "Alam kong paborito mo yan kaya yan, pinadala ko para sayo." Napatalon ako sa gulat ng biglang nagsalita si D.O.

     "Bakit mo pa ipinadala at ayaw mo pang magpakilala kung papasok ka rin naman? Wala pang 30 minutes ang pagitan nyo nung cake." -__- Sabi ko.

     "Ganyan ka ba magpasalamat sa nagbibigay ng regalo sayo? Ganyan ka din ba kapag binibigyan ni Sung Cheol?" Ngumisi siya. Bakit naman nasama si Sung Cheol dito? D__o

     "Kung andito ka para mangasar. Makakaalis ka na.

     "Ang sungit mo. Remember, client mo ako." aniya.

     "Kung makapagsalita ka parang hindi ikaw ang masungit dyan. Kung may reaction king, ikaw ang sungit king! Sumunod ka sa kasungitan ni Kris..pero mas mabait siya kumpara sayo!"

     "Andito ako for 2 reasons. Una, dahil gusto kong makita ang plan ng shop. At pangalawa, diba sabi mo bumalik ako kapag mahal na kita?" Aniya. Shocks! Mahal niya na ba ako? >___<

     "Pero syempre hindi pa kita mahal." -___-

     "Eh bakit ka andito?!" Kaasar! >__<

     "Paano ko gagawing mahalin ka kung di kita nakakasama at nakikita. Kaya naman I need to be with you." Aniya. "Ano sa tingin mo Ms. Jang?" dagdag niya.

     "Bahala ka na nga. Pag-usapan na natin ang plan. Maupo ka." Sabi ko.

Alam mo yung nakakainis? Habang nag-eexplain ako ay nakatitig lang siya sakin. Tango lang siya ng tango sa mga sinasabi ko. Nakakatanga ha.

     "Yah! Makinig ka naman sa akin!

     "Nakikinig ako. Napansin ko lang...maganda ka pala lalo na kapag seryoso." Seriously?! Sa harap ko pa talaga sinasabi yan?!

     "Ano ba?! Nandito ka para sa plan! Kaya mo akong inisin!"

     "You're not you." Aniya.

     "Yes. I'm not me anymore." Sagot ko. "Bukas na sisimulan ang construction. I'll be monitoring the workers para mas mapadali ang pagtatapos nito." iniba ko ang usapan.

     "Bakit mo minamadali? Ayoko nun, the slower the better. I want it safe. Paano kapag lumindol? Kargo ko pa kapag may namatay at nasugatan. Gastos yun. I want it to be perfect. Kahit 7 years ang construction, wala akong pake." Aniya.

     "7 years? Are you serious? Shop yun hindi mall. Ang OA mo masyado. Hindi ba dapat minamadali yun matapos dahil that's business? Malulugi ka."

     "Basta take your time. Hindi naman ako nagmamadali eh"

     "oo na. Basta pumunta ka sa site kapag may free time ka para ma-meet mo ang mga workers at makita mo ang construction."

     "Alright then. Siguro andun ka naman di ba?" Tanong niya.

     "Aba of course. Hands on ako sa mga projects na ginagawa ko." sagot ko.

     "Good. Sige aalis na ako. Bye!" Tumango ako. Lumabas siya agad na parang sobrang excited. Napakaweird talaga nun.

When I Met Mr. PerfectionistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon