Chapter 3

649 20 5
                                    

D.O.’s P.O.V.

 

 

     Nakaalis na si Mina at Princess. Kung hindi ko pa susungitan ang isang yun ay hindi pa aalis. Matagal na akong nakukulitan sa kanya, may gusto daw siya sa akin kahit na 3 years ang tanda ko sa  kanya. Di ba siya nag-iisip? Tss.. -__-

     “D.O. hyung!” Ito pa ang mga pasaway. -___-

     “Pwede ba Kai at Sehun, wag ninyo akong tawaging Hyung.” Sagot ko.

     “Bakit ba? Eh sa mas matanda ka sa amin eh.” Ani Sehun.

     “Kahit na, hindi ako ang pinakamatanda sa atin, si Xiumin kaya. Kapatid ko lang ang pwedeng  tumawag sa akin ng Kuya or Oppa.” Sagot ko.

     “Speaking of which, asan si Mina?” ani Kai.

     “Sus hinahanap mo na naman si Mina. Mas bata sayo si Mina kaya itigil mo na ang paghahanap sa kanya.” Komento ni Lay.

     “Panira ka naman sa diskarte ko. Nagpapahanga nga ako sa Kuya niya eh. Tss..” Sinamaan ng tingin ni Kai si Lay. Nag-peace sign na lang si Lay at ngumiti.

     “Kakaalis lang nila.” Sagot ko.

     “Nila? Sinong kasama niya?” ani Kai.

     “Si Princess. Yung bestfriend niya.” Ako.

     “Ah yung may gusto sayo? Hahahaha! Ang tibay rin nung batang yun. Natiis ni Princess Jang ang kasungitan mo?! Jongina!” itong si Chen, puro kalokohan.

     “Hayaan niyo na nga yun, napakakulit kaya niya. It’s really irritating. At tsaka teka muna, alam niyo naman na ayaw ko ang tumatambay lang ditto sa shop diba? Umorder kayo kung ayaw ninyong mapaalis.” Hindi pwedeng tatambay lang sila ditto noh. Business is business, walang kaibi-kaibigan.

     “Sige na nga, isang frap para sa akin.” Ani Kai.

     “Bubble tea.” Syempre si Sehun yun ang order. Bubble tea King hindi ba? -___-

     “I want chocolate chip cheesecake. “ Ani Lay.

     “Libre naman toh diba?” tanong ni Chen.

     “Business ito Chen, walang libre. Magbabayad kayo sa ayaw niyo o sa gusto dahil kung hindi, iheheadlock ko kayo.

     “Headlock? Sige magbabayad na kami. Frap at choco mousse sa akin.” Ani Chen. Alam kasi nilang nakakapanghina ang headlock ko dahil last time na inasar ako ni Chanyeol, halos hindi na siya makahinga at maluha-luha na sa ginawa ko.

     “Asan na nga pala yung iba? Tanong ko.

     “May trabaho yung iba eh.” Ani sehun.

     “Sige kukuha muna ako ng order niyo, hintayin niyo lang.

     Pagbalik ko ay dala ko na ang kani-kanilang order. Wala kaming ginawa kundi magkwentuhan at magtawanan. Seryoso man ako sa maraming bagay, oag kasama ko ang mga kaibigan ko ay ibang tao ako. Nagagawa nilang mapatawa ako at maalis ang pagkamasungit ko dahil sa totoo lang, si Kris ang mas tahimik sa amin, ako lang talaga ang may kasungitan. Hinahayaan ko lang sila na magkwento at ako naman tong nakikinig at nakikitawa lang. Ganito na ako simula pa noong ipinanganak ako.

     Gusto ko kasi lahat in order at perfect sa paningin ko, kaya nga hanggang ngayon ay single parin ako. Hinihintay ko kasing dumating ang perfect girl ko. Ang pagiging masungit ko ang paraan ko para malamn din kung sino siya at kung dumating na ba siya sa buhay ko. Pero walang kayang gumawa nun, well I think except kay Princess. Pero hindi siya pasok sa standards ko, besides she’s too young. Tsaka alam kong kusang darating ang babaeng para sa akin balang-araw at alam kong malapit na yun.

    -

AN: Guys what do you think will happen sa next two chapters? ^___^

  Ako ang kailangan ni D.O. para maging maligaya na siya >:D HAHAHAHA! 

When I Met Mr. PerfectionistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon