Chapter 9

504 18 0
                                    

D.O.'s P.O.V.


     It's our second day dito sa Jeju and will be going to try the zipline, hinihintay lang namin si Mina at Princess dito sa lobby ng resort.



     "Sorry ngayon lang ako. Nilalagnat kasi si Princess eh, nalamigan kagabi. Hindi ko maiwan, kaso sabi niya okay na daw siya, magpapahinga na lang daw siya." Dumating si MIna at agad na nagpaliwanag.



     "Sayang naman. Gusto pa man din niyang mag-zipline." Ani Sung Cheol.



     "Let's go?" Ani Suho.



     "Gaja!" Sagot nilang lahat.



     "Sige mauna na muna kayo. M-may nakalimutan ako sa room." Palusot ko.


     "Sige Oppa. Sumunod ka na lang." sagot ni Mina.


     Tumango ako.


Hinintay ko silang makaalis at tsaka umakyat sa room namin. Inaamin ko na mali ang ginawa ko kagabi. Dapat hindi ko pinagsalitaaan ng ganun si Princess kagabi kaya babawi na lang ako. Ipagluluto ko siya ng Ramen para bumuti ang pakiramdam niya. 


    After making Ramen, I knocked on the door of their room. Parang di pa siya okay dahil walang nagbubukas ng pinto. So I decided na buksan na lang ito.



     "Si Kyung Soo toh. Pumasok na ako." I saw her lying sa kama na nakakumot. Halatang nagulat siya sa pagpasok ko, tumango siya. 



    "Ito oh Ramen, kainin mo." sabi ko. 



    "Salamat." yun lang sagot niya. Mukhang galit ata siya. 



    "Alright. I'm sorry about last night. I know I'm wrong and I shouldn't yelled at you, and I'm s-" she cut my words.



     "No. It's okay. Totoo naman yun, I'm clumsy." she said. "I'm thankful nga na sinabi mo sa akin ang mga yun. Narealized ko na hindi talaga ako dapat sumisiksik sa isang perfect na katulad mo. You're a perfectionist, at alam kong alam mo yan, at kahit kelan ay hindi ako magiging perfect girl mo. Siguro kailangang tapusin ko muna ang course ko sa architecture at maging magaling na architect bago mo ako mapansin. Kuya...I mean Mr. Do Kyung Soo, it's nice meeting you. Wala ng mangungulit sa bake shop mo. Haha! Sige thank you dito sa Ramen pero kailangan ko ng magpahinga. "

she was smiling when she said that. Kakaiba siya ngayon, marahil nga at nasaktan ko talaga siya.




     "S-sige magpahinga ka." Yun na lang nasabi ko at lumabas ng silid na yun.


— ——   


It's been 2 months since nung birthday ni Mina sa Jeju. At nag-expand ako ng store front ko sa shop na toh. At mukhang swerte ako dahil 2 months na rin na di nangungulit si Princess. Totoo nga ang sinabi niya sa Jeju, she's over me.



     "Hi Oppa!" Si Mina kasama si Kai, magcecelebrate kasi kami sa expansion ng cake shop, kaya close muna kami ngayon at treat ko silang lahat.




     "Andito na pala kayo." Sabi ko.




     "Teke. Asan si Princess? Hindi niyo kasama?" tanong ni Luhan. 




    "Oo nga. Diba invited siya? Tagal niya nang di pumupunta dito ah." dagdag ni Sehun.




     "Ang alam ko kasi give up na siya kay D.O. Hahaha!! Natauhan ata!" Pang-aasar ni Baekhyun.



     "Tigilan niyo ako! Baka hindi ko kayo pakainin!" Pananakot ko.



     "Eh kasi busy siyang magprepare ng gamit niya para sa flight niya para bukas." flight? Anong sabi ni Mina? D___o  




   "Flight? Saan siya pupunta?" tanong ni Chanyeol. 



   "Nakasalubong ko siya nung isang araw, sabi niya dun na daw niya tatapusin ang course niya sa China." ani Lay.



     "Ha?! Eh bakit ngayon mo lang yan nabanggit sa amin?! Naku naman Lee Yi Xing!" bulyaw ni Suho.



     "Eh nakalimutan ko! At tsaka alam naman yun ni Kai at Mina, malay ko

bang di pa pala nila nakwento. And as if naman na D.O. cares." He explained.    


Ano nga ba namang pake ko?

When I Met Mr. PerfectionistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon