Chapter 7

532 22 0
                                    

Andito kami ni Kris sa labas ng elevator, naghihintay. Papunta kasi ako sa pastry store, bibili ako ng ingredients sa pagbebake, gagawa ako ng ilang cupcakes para kay Mina. Nagpasama na ako kay Kris.



Nag-open ang pinto ng elevator at nakita namin si Princess at Sung Cheol na magkayakap.


Nanlaki ang mga mata nila at naghiwalay sa pagkakayakap ng makita nila kaming nakatayo doon.




"Andito ka na pala." Ani Kris kay Sung Cheol.




"Oo. Kakarating ko lang, kaya sasamahan ako ni Princess sa room namin nila D.O." He smiled.




"Sige pumunta na kayo dun, nandoon naman yung iba. " sabi ko.



"Saan kayo papunta?" Tanong ni Princess.



"Sasamahan ko siyang bumili ng ingredients para sa cupcake ni Mina." Ani Kris.




"Sige ingat kayo. Una na kami bye." Ani Princess. Aba kung umasta parang wala kaming nakita sa elevator kanina ah. Naglakad sila papalayo, kami naman pumasok na sa elevator.




"Akala ko ba may gusto sayo si Princess? Eh bakit parang sila ni Sung Cheol?" Ani Kris.




"Ewan ko. Bakit sa akin mo tinatanong yan? Mabuti nga yan para tigilan na niya ako, nakakasawa na rin na dikit ng dikit ang babaeng yun sa akin." Sagot ko.




"Alam mo masama yan. Mabuti nga at may nagtitiis sa ugali mo. Pag nagsawa yan at lumayo sayo, sure akong maninibago ka. Ang age natin dapat makahanap na ng tao na kaya tayong mahalin despite of our attitudes. Wala ka ba talagang nararamdaman sa kanya?" Cold guy at tahimik man si Kris, matalinhaga siyang tao kapag nagpapayo sa amin. Lahat ng sinasabi niya ay may kahulugan.


"Inis at pagkairita ang nararamdaman ko sa kanya." Sagot ko.




"Ang gulo mo rin naman noh? Sabi mo kaya hanggang ngayon a single ka kasi hinahanap mo yung taong kaya kang tiisin at yung siya na dapat pang-habambuhay. Pero hindi mo ba napapansin na may isang tao na laging andyan para sayo? Si Princess Jang yun D.O." he explained.

When I Met Mr. PerfectionistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon