Chapter 23

514 15 6
                                    

Princess' P.O.V.

     Sobrang saya ko ngayong gising na si Sung Cheol. Feeling ko gumaan ang pakiramdam ko, nawala ang tinik sa dibdib ko. Siguro kung hanggang ngayon ay coma parin siya, di ko mapapatawad ang sarili ko. Kung di naman dahil sa akin ay hindi mangyayari yun sa kanya. Salamat talaga at okay na siya, kailangan niya lang ngayon ay magpagaling ng mga galos. Nakauwi na siya sa bahay niya at madalas akong dumadalaw sa kanya kapag may oras ako.


Nakokonsensya nga ako eh, yung project para kay D.O ay si Mina na ang umaayos. Hindi naman sa pananadya, di na ako kinukulit ni D.O na ayusin ko ang project na yun. Sa katunayan ay siya pa ang nagsabi sa akin na si Mina na ang gagawa ng project na yun. Nagtataka nga ako eh, di ko alam kung anong "pinagkakaabalahan" ang tinutukoy niya noong araw na huli kaming nag-usap.



Flashback



     Dumaan ako sa cake shop ni D.O para makausap siya ukol sa project ko sa kanya.  Para kasing hindi ko talaga makakayang imanage ang shop ngayon eh, mas lalong nadagdagan ang tumambak sa akin na trabaho ng nagfocus ako sa shop na yun pati narin ang madalas kong pagpunta kay Sung Cheol. Hindi naman sa sinisisi ko silang dalawa, pero kasalanan ko rin naman kung bakit ako natambakan ng trabaho. 



     "Kyung Soo, pwede ba kitang makausap." lumapit ako sa kanya.



     "Sige.  Dun tayo." tinuro niya ang isang empty seat sa may gawing kanan ng shop. Sumunod naman ako.



     Umupo kaming dalawa. "May gusto ka bang kainin?" Aniya.



     "Ah wag na. Madali lang naman ako. May mahalaga lang akong sasabihin sayo." sagot ko.



     "Ano yun? Go ahead." he smiled. Aba nasa mood ata siya ngayon this past few days.



     "K-kasi.." hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan. Nakakahiya kasi. >___<



     "Yung tungkol sa shop ba yan?" Aniya. Huh? Alam niya? Galing ah! Sabagay... ano pa bang magiging sadya ko dito? -___-



     "Oo." biglang parang nawala ang ngiti niya sa mukha na katulad kanina. Kumunot ang noo at huminga siya ng malalim bago siya sumagot.



     "Ah sabi na. Walang problema, kay Mina mo na lang ipagawa ang project ko na yan. Narealize kong mas mapapaganda kung siya na ang gumawa. Ayokong ipagawa yun sa kung sino lang." Aniya. Parang kumirot ang puso ko, ang hypothalamus, thalamus at amygdala ng utak ko. TAGOS! >__< Ako? Kung sino lang? Yeah right! Wala lang ako sa kanya.

When I Met Mr. PerfectionistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon