Quest #16: Someone Precious

33 5 7
                                    

Serrah's POV...

Nakasibangot kong tiningnan si L, kanina pako nangangawit dito halos puro lakad at tayo ang ginawa namin kanina pa. I pout my lips at saka tiningnan ang buong shop, I like the ambiance of this store, pastel colors are all around and the smell is so good.

"Hey!" He snapped his fingers in front of my face kaya napatingin ako sa kanya.

He pointed the tray that's on the counter at saka nagsalita. "Carry that for me." Utos nya na agad ko namang ginawa, ayoko na kasi ng argumento.

I carry the tray using my left hand, buti na lang at hindi ganoon kabigat ang ice cream na inorder nya dahil hindi ko pwedeng bitawan ang damit nya. He sat on the table near the street view, masyadong revealing naman yata dito.

"Pwede ko na bang bitawan---" He didn't let me finish my sentence again instead he pat the chair on his side na parang sinasabi nya don ako umupo.

"Sit here and eat your ice cream using one hand. I told you not let go of my uniform right?" I just nod at him at sinimulan nang kumain but after a while I saw him staring at me habang nakapangalumbaba pa.

"Why are you staring at me like that?" Tanong ko pero inilapit nya lang ang mukha nya sakin.

"Be fair, say yes to me too." Sabi nya na halatang seryosong-seryoso.

Hindi ko sya sinagot, sumubo lang ako Ng sumubo ng ice cream di ko alam na sobrang gwapo nya pala. Maya-maya pa ay bumalik na din sya sa pagkain nang biglang tumunog ang phone nya...

"Hello?" Malumanay nyang pagsagot dito ngunit pagkalipas ng ilang segundo ay bigla syang napatayo dahilan para mabitawan ko ang uniform nya. Shit!

"Are you sure?!" Wika nya pa na halatang gulat na gulat.

"I'm on my way now." Yun ang huli nyang binaggit bago ibinaba ang cellphone nya. Bakas sa kanya ang pagmamadali kaya hindi ko na ikinagulat nang iwan nya ako.

"What the hell are you doing?!" Singhal nya sakin pero nagkibit balikat lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain ko, ang sarap kaya nitong ice cream.

"I'm not yet done with you so you have to come with me." Biglang nag-iba ang aura nya, nakakatakot na syang tingnan.

Hinatak nya ko palabas ng shop at agarang sumakay sa motor nya. Hinarurot namin ang daan, halos hindi na ako makahinga sa tuwing liliko kami dahil sa bilis ng pagpapatakbo nya pero mas ikinagulat ko kung saan kami huminto. Anong ginagawa namin sa ospital?!

Nagtatakbo na kaming dalawa sa hallway pero iba ang napansin ko, lahat ng empleyado dito ay yumuyuko kapag nakikita nila si L. Ano bang meron? What nyo sabihin pag-aari nila ang ospital na to?

"Prince L!" Pagtawag sa kanya ng isa sa mga nurse kaya agad syang tumakbo papunta doon habang hatak-hatak pa rin ako.

Pareho kaming hingal na hingal pero mas ikinagulat ko nang bitawan nya and kamay ko matapos nyang makita ang babae sa loob ng hospital room.

"Leighn?!" Sigaw nya at saka lumapit sa babaeng nakaratay sa hospital bed.

Ngayon ko lang nakitang ganito si L, mula sa pintuan ay kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata nya. She must be someone that's too precious to him, I don't know but my heart felt a pang of pain. What's this?

"Leighn, please fight for me. Nandito na ako, please fight for me. I can't afford to lose you, please..." Pagmamakaawa nya, her body is shaking, ngayon ko lang napansin na kinukumbulsyon sya.

Maraming nurses at doctor ang kanina pa natataranta, lahat sila ay palabas-labas kayat minabuti kong bahagyang lumayo sa pintuan. Muli akong sumilip sa kwarto at hindi ko alam kung anong gagawin matapos kong makita si L, nakaupo na sya sa sahig at tila hinang-hina pero kahit kailan ay hindi nya binitawan ang kamay ni Leighn.

"Who's she L? Bakit parang sobrang importante nya sayo?" I whispered while holding my chest, I can still feel the pain but I can't understand myself.

"Prince Shone!" Rinig kong sigaw ng isang di pamilyar na boses pero automatiko akong napalingon sa hallway at doon ay nakita ko sya na papunta kung nasaan ako.

I was about to stand up pero nagulat ako matapos nya kong lagpasan pero mas ikinagulat ko nang pumasok sya sa room kung nasaan din si L.

"Leighn?! Leighn?!" Shone said upon reaching the room. Agad syang pumunta sa other side ni Leighn at hinawakan din ang kamay nito.

"I'm sorry pero pwede po bang lumabas muna kayo Prince Shone and Prince L?" Magalang na paki-usap ng doctor pero tiningnan lang nila ito ng masama.

"Please, I promise that we will do our best." And upon hearing that ay parehas na silang lumabas at tumabi sa akin.

Napapagitnaan nila akong dalawa at lahat kami ay nasaksihan ang pagsara ng pinto, wala kang ibang maririnig kundi ang malalalim nilang paghinga. Hanggang sa tumayo si Shone at saka sinuntok ang pader malapit sa kanya.

"Shit! I can't lose you, Leighn. Please, not now..." He said pero napatigil sya nang marinig namin ang unti-unting pagtawa ni L. Mula sa mahina ay naging malakas ito, mga tawa na punong-puno ng galit at pagkadismaya.

Napatingin lang si Shone at sa kanya at in one snap ay nakita ko ang pagbagsak ni L sa sahig. "This is all your fault?! Kung binabantayan mo lang sana si Leighn ng maayos edi sana hindi tong nagyayari?!" Shone yelled at him pero mas ikinagulat ko nang suntukin ni L si Shone pabalik.

"Wag kang GAGO! Pare-pareho nating alam na ikaw ang dahilan kung bakit nandito si Leighn! You fucking asshole!" And those words make me stunned.

----------------

So how's the update guys? Are you enjoying the story? And sa tingin nyo, sino kaya si Leighn sa buhay ng ating mga prinsipe? Have a guess and comment down! Thank you and love lots!

The Gangsters' QuestWhere stories live. Discover now