Quest #3: Slapped

74 9 10
                                    

This chapter is dedicated to -94princehun. Thank you very much for the story cover. Sorry if ganito Lang yung dedication sa cellphone Lang kasi ako nagsusulat...

Shone's POV...

"Hoy mga baliw magsigising na kayo!" Tawag ko sa kanila habang tinatapik sila isa-isa.

"Ano ba Leader,five minutes more." Hirit ni Bryan kaya binatukan ko sya.

"Aisht! Bakit ba?!" Reklamo nya sabay tayo. Itinuro ko yung mga tao sa labas saka nagsalita.

"Alam mo na ang gagawin mo." Pagkasabi ko nun ay bumalik nako sa upuan ko at si Bryan naman ay tumayo na.

"Kyaaaahhh~" Sigaw nya gamit ang pinakamataas na tono.

"Punyeta ka Bryan!" Sigaw sa kanya ni Charles. Isa-isa na din silang nagising.

"Mga baliw tumayo na kayo dyan at break na. Bahala kayo magiging ulam kayo ng wala sa oras. Looking at those eyes,paniguradong punit-punit na yang damit nyo paglabas." Agad silang tumayo at pumunta kung nasaan ako.

Nagpahinga pa kami ng ilang saglit habang ang ibang tao ay nagsisikain na.

"Leader nagugutom nako." Pagbasag ni Luis sa katahimikan namin.

"Edi umorder ka na." Sagot ko pero tumanggi sya.

"Ayaw tinatamad ako. Dating gawi nalang Leader." Sagot nya kaya napatingin ako sa paligid. Sino namang uutusan namin eh wala namang ng umoorder. Lahat na ng tao kumakain.

"Ganito na lang. Kung sino mang unang babae ang pumasok dyan sa pintuan. Sya ang papabilin natin ng pagkain,ano call?" Lahat sila ay napangisi,hudyat na gusto nila ang ideya ko.

"Col." Sabay-sabay nilang sagot at nag-ok's sign pa.

Lahat kami ay nag-abang pero walang pumapasok sa pintuan kahit na lalaki. Maya-maya pa ay may grupo ng mga babae na papasok na sana pero hindi rin tumuloy.

"Aigoo! Gutom na gutom nako!" Reklamo ni Tyson.

"Let's wait a little more." Tinanguan lang namin si Dominic at naghintay ulit.

After a few minutes ay bumukas na ang pintuan at bakit sa lahat ng babae eh sya pa? Yung babaeng tatanga-tanga yung pumasok.

"Hey you!" Tawag ko sa kanya. Agad nya naman akong nilapitan.

"Bakit?" Tanong nya. Inabutan ko sya ng two thousand bago nagsalita.

"Order us 12 lasagnas and 12 latte. At bumili ka na din ng sayo tutal mukhang wala ka namang pambili." Utos ko sa kanya habang nakangisi.

Serrah's POV...

"Hey you!" Tawag sakin nung Shone. Panigurado magso-sorry to dahil tinawag nya kong tanga.

"Bakit?" Tanong ko habang papalapit sa kanya pero napatigil ako ng abutan nya ko ng two thousand.

"Order us 12 lasagnas and 12 latte. At bumili ka na din ng sayo tutal mukhang wala ka namang pambili." Utos nya na lalong nagpainit ng ulo ko. Ganun na ba nya ako kilala para utusan ako? At husgahan?

Nanggigil nako at nagpipigil ng inis. Inikom ko ang kamay ko at saka nag-isip kung ano ang gagawin. Alam ko na...

Muli kong ibinuka ang kamay ko at buong lakas na sinampal sa kanya yung perang ibinigay nya sakin.

"Woah~" rinig kong sigawan ng mga tao.

Sa lakas ng pagkakasampal ko sa kanya ay napabaling ang mukha nya sa kabilang parte. Pero binaliwala nya lang ito at hinarap ako ng nakangisi...

"Unang-una,wala kang karapatang lait-laitin ako dahil hindi mo pa ako kilala. Pangalawa,hindi lahat ng tao ay kakayan-kayanan mo lang. At pangatlo,hindi ko kailangan ng pera mo! Hindi ako nabibili ng kahit na magkano!" Nanggagalaiti kong sigaw sa kanya.

Rinig kong pinagbubulungan kami ng mga tao pero wala akong pakialam sa kanila. Dahan-dahang lumapit sakin si Shone at may ibinulong...

"You don't know what did you do,young lady...I will make sure that you will suffer." Bulong nya pero binigyan ko lang sya ng mapanghamong ngiti.

"Then I'll wait for it." Sagot ko bago tuluyang umalis at nagpunta sa classroom.

Pagdating ko doon ay halos kokonti pa lang ang tao. Nananahimik lang ako sa isang sulok since wala pa rin akong kilala na kahit isa sa kanila. Grade 12 nako at nagkaroon ako ng pagkakataon na mag-aral dito dahil sa scholarship na natanggap ko.

Kinuha ko yung baon kong tubig sa bag at uminom. Para kasing kumukulo pa ang dugo ko dahil sa lalaking judgemental na yun.

"Hi,ikaw yung babae kanina hindi ba?" Tanong sa akin ng isang babae. Pinilit kong alalahanin kung saan ko sya nakita.

Ah oo,sya yung napagtanungan ko kanina na mukhang Koreana. "Ah oo, nga pala pasensya na kanina ha bigla kitang naiwan ang dami kasing tao." Sabi ko na medyo nag-aalangan.

Umupo sya sa tabi ko bago nagsalita. "Ano ka ba okay lang yun no. Nga pala I'm Yna Alexa Imperial and you are?" Tanong nya but she offered her hands too.

"I'm Serrah Bernice Buenaventura." I answered before lending my hand into hers,then we shake hands.

"Kyaaa~ Ynaaaaaaa~" isang nakakatulig na tili ang narinig namin ni Yna.

"Bestie I'm here!" Sigaw nya pabalik bago nag-wave ng hand.

Agad na tumakbo yung babae sa lugar namin at umupo sa tabi ni Yna. "What happened Ivy?" Tanong nya dito.

"Alam mo ba nahanap na ni Shone yung katapat nya hahaha. May babae kanina sa cafeteria at sinapal nya si Prince Shone,hahaha buti nga sa mayabang na yun." Nagcrossed arms pa sya habang tumatawa.

"What did you say? Sinampal sya? Nababaliw na ba yung babaeng yun? Tsh panigurado transferee yon,she doesn't know what Exo can do." Napatahimik ako,parang ako yata ang tinutukoy nila.

"Hahaha mas okay ng si Shone kesa si Prince L. Omo! Ang pogi nya talaga~" tili nya ulit pero napatigil sya ng mapansin nya ko.

"Hi. I'm Ivy Eun Villamor and you,what's your name?" She said while smiling so I smiled back.

"I'm Serrah Bernice Buenaventura,nice to meet you." pagpapakilala ko sa kanya pero napatigil kami ng marinig namin ang malakas na pagbukas ng pinto...

---

Please vote. Thank you😍😘

The Gangsters' QuestWhere stories live. Discover now