Quest #8: Their Territory

43 7 3
                                    

Serrah's POV...

The next day,maaga akong pumasok dahil wala rin naman akong kasama sa bahay kundi si Manang Rose at Kuya Josh,which is driver ko. Mayaman din naman ang pamilya namin,the truth is,hindi lang naman dahil sa scholarship kaya napasok ako dito kundi dahil na din sa impluwensya ni Tito Gabriel. Yes,he's Kuya Zyle's father.

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng mabangga ko ang isang lalaki. Sa lakas ng pagkakabangga namin ay napaupo ako sa lapag at kasabay nito ay ang isa-isang pagbagsak ng mga papel na dala nya at matalim akong tiningnan. I gulped as I faced him at ng makita ko ang tattoo sa leeg nya. It's their logo,the EXO logo. Kamukha nya din si Kai pero ibang aura ni Kai,yung dark side.

"Bakit ba hindi ka tumingin sa nilalakaran mo? Alam mo ba kung gaano kahirap ayusin yan?!" Singhal nya sakin kaya napapikit lamang ako.

Tumayo ako at inayos ang damit ko,naramdaman ko din ang dahan-dahang pagbuka ng aking mga sugat sa braso. Masyado sigurong napwersa dahil naitukod ko ito. Tumingin ako sa mga mata nya,nakatakot ito para bang kahit na anong oras ay maaari nya akong saktan.

Nakita ko ang biglaang pagtaas ng kamay nya paniguradong sasaktan nya ako dahil kitang-kita ito sa mga mata nya,pero hindi ko hahayaang mangyari yon. Bago ko pa man maramdaman ang sampal nya at tumakbo agad ako. I just run quickly at hindi ko inaasahang hahabulin nya ako. Siguro nga ay ganoon nalang kaimportante ang mga papel na iyon.

"BUMALIK KA DITO!" Sigaw nya pero nagpatuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa marating namin ang quadrangle.

"SINISIGURADO KONG MAKAKATIKIM KA SAKIN KAPAG NAHULI KITA!" Alam kong malapit na ang boses nya sakin kaya mas lalo kong binilisan ang pagtakbo.

Ang lugar na ito ay nahahati sa apat na direksyon ang North,South,East at West. Kaya alam kong hindi imposible na ito ang teritoryo nila. Lumingon ako sa paligid ko at wala akong ibang makita kundi ang logo ng EXO. Dumiretso ako sa isang eskinita at paglabas ko ay nasa garden na ako. Nagtatakbo pa ako pero napatigil ako dahil sa isang sigaw na hindi naman para sa akin.

"KARSON STOP! THAT'S ALREADY THEIR TERRITORY!" Napatingin ako sa kanya,it's Shone. Nakapamulsa sya habang nakatayo malapit kay Karson.

"Tama,kahit na ano pang ginagawa mo dapat nasisigurado mo paring pag-aari mo ang tinatapakan mo." Napatingin naman ako sa right side ko at doon ko nakita si L.

"Mali ka Leader at mas lalo ka na L, half of her body is in our territory kaya may karapatan pa din akong gawin ang gusto kong gawin sa kanya." Napatingin ako sa may paanan ko at may guhit sa ibabaw ng mga damo. Sa harap ko naman at likuran ay nahahati ang logo ng EXO at Infinite,sa left side ko ang EXO at right side ko ang Infinite.

Napalunok na naman ako,paano ba ako napasok sa gulong namamagitan sa kanilang dalawa? Pinipilit kong umiwas pero tadhana pa ata ang naglalapit sa akin sa kanila. Hindi ako gumagalaw dahil siguradong wala din naman akong pupuntahan. Nakatayo lang kaming apat sa kinatatayuan namin at walang gumagalaw ng maramdaman ko ang paglapit ni L sa akin at agaran nyang paghila,paraan para mapunta ako sa teritoryo nila.

"Now she's already in my territory sa tingin mo may magagaw ka pa?" Nanghahamon nyang sabi.

"Tama na yan Karson,panigurado namang magkikita ulit kayo at sa susunod siguraduhin mong makakapaghiganti ka na sa kanya." Wika ni Shone at tumalikod.

"Wag mong sayangin ang oras mo sa walang kwentang bagay." Sambit nya pa.

"Pero leader mahirap ayusin ang mga papel na yun." Inis nyang reklamo habang nakatingin sa akin ng masama.

"Try to seek for help kung hindi mo kaya." Shone said coldly before leaving.

"Were not yet done,Serrah." Matapos sabihin yun ni Karson ay umalis na din sya.

Binitawan ni L ang kamay ko at tumingin sa langit. "Ang aga naman ata nilang magbackground check. Malayo pa naman ang Gangfight ah." Sabi nya.

"Alin?" Tanong ko.

"Yung mga papel na sinasabi ni Karson kanina,paniguradong listahan yun ng mga makakalaban naming grupo sa Gangfight." Sagot nya bago naglakad patungo sa bench sa ilalim ng puno. Kusa namang naglakad ang aking mga paa at sinundan sya. Umupo ako sa tabi nya at tumingin sa kalangitan.

"Salamat nga pala." I said out of nowhere.

"Don't thank me dahil may bayad ang ginawa ko for you." Sabi nya kaya napatingin kami sa isa't-isa at nagsmirk sya.

"Ano naman yun?" Tanong ko.

"Basta malalaman mo rin yun eventually. Tara?" He held his hands kaya kinuha ko ito agad.

"Saan?" Alam kong late pero nagtanong parin ako.

"You need to be treated." Sagot nya ng walang emosyon.

Matapos naming tumayo ay binitawan nya ang kamay ko at naglakad,ako naman sumunod lang. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang clinic.

"Oh Prince L naligaw ka?" Salubong sa kanya ng isang babaeng nasa middle 20's na siguro,base sa uniform nya ay paniguradong sya ang nurse dito.

"Hindi napadaan lang ako. Ikaw ng bahala sa kanya ha, nurse Joy." Tinanguan lang sya ni Nurse Joy habang ako naman ay umupo na sa medical bed.

Papaalis na sana sya ng tawagin ko sya. "L?",tawag ko na naging dahilan para tumingin sya sakin.

"Hmm?" Sambit nya na parang nagtatanong.

"Salamat." Pag-ulit ko pa.

"I said don't be." And after he said those words for the first time, I saw...smiling.

The Gangsters' QuestWhere stories live. Discover now