Quest #9: First Kiss

54 7 0
                                    

Serrah's POV...

"Hindi nga ngumiti sya sayo? Seryoso ka ba Serrah?" Tanong ni Ivy na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala.

"Oo nga kulit naman eh,paulit-ulit lang te?" Sagot naman sa kanya ni Yna na tila ba ay naiinis na.

Tumango ako kay Ivy bago sumubo ulit ng fries. Nandito kami ngayon sa Cafeteria at kumakain habang break pa. Nakwento ko na din pala yung nangyari kanina bago ako pumasok. Mabuti na lamang ay hindi ako nalate.

"Alam mo bang suntok sa buwan lang kung mangyayari yon. The truth is kahit isa sa school na ito at hindi pa sya nakikitang ngumiti pwera sa members ng Infinite. They always wear that 'dark-serious aura'." Dagdag nya pa.

"Eh simpleng bagay lang naman yun ah." Sabi ko habang patuloy sa pagkain.

"Loka ka talaga,dapat talaga kilalanin mo muna sila isa-isa." Sabat naman ni Yna at kumuha ng fries.

"ANO BA SINABI NG TIGILAN NYO KO!" napatigil kami dahil sa sigaw ni...ewan ko kung anong pangalan nito basta kamukha nya si Luhan,tapos may logo din sya ng EXO na nakatattoo sa leeg nya. Hinahabol sya ng isang grupo ng mga babae.

Nagulat kaming tatlo ng bigla syang lumapit samin at hatakin si Yna. "Babe ayaw nila akong tigilan." Sumbong nya na akala mo ay isang batang paslit.

"Ano na naman ba ito ha,Luis?" Rinig kong bulong ni Yna kay Luis? Not so sure kung tama ang dinig ko.

"Please sumakay ka na,mamaya ko na lamang ipapaliwanag lahat." Sagot din nito pero pabulong lang.

"And who's she?" Mataray na tanong nung parang leader nila.

"She's my girlfriend."

"No,I'm not his girlfriend." Pagtatama ni Yna dito kaya napatingin sya kay Yna na parang naiinis na ewan.

"Yun naman pala eh." Sabat pa nung isang puro kolorete ang mukha.

"Cause I'm his...fiancee." And her words made them stopped.

"Kaya kung ako sa inyo tigilan nyo na si Luis kung ayaw nyong papulahin ko pa lalo yang mga mukha nyo ng sampal!" Whooo~ Idol ko na si Yna hahaha.

"Paano kung ayaw namin? Panigurado namang hinatak ka lamang ni Luis para magpanggap na gilfriend or fiancee nya!" Wika naman nung isang babaeng mukhang haliparot.

"Oo nga! Saka kung girlfriend or fiancee ka man nya,give us proof!"

"Proof ba kamo?" Tumango sila kay Yna at ikinagulat namin yung ginawa nya.

She kissed Luis passionately kaya lahat kami ay napatulala. Kitang-kita ng mga mata ko na hinahalikan na nila ang isa't-isa dahil pati si Luis ay nagrespond na. Napaurong yung grupo ng mga babae at saka nagtatakbo ng umiiyak.

Napatigil silang dalawa at parang naghahabol pa ng hangin. "Thanks." Wika ni Luis na ipinagtaka ni Yna.

"Thanks? For what? Para ba sa pagpapanggap ko bilang fiancee mo?" Tanong nya.

"No." Simpleng sagot ni Luis habang nakangisi.

"Kung ganoon para saan pala?" Inosente nyang tanong ulit pero ako parang alam ko na kung anong isasagot ni Luis.

"For kissing me, it would be memorable cause it's my first kiss." Wika nya pa bago ngumiti at nagtatakbo palabas ng cafeteria.

Napatingin kami ni Ivy kay Yna na kasalukuyan pang nakatayo at pulang-pula ang mukha. "I didn't expect that,Luis. And it's my first kiss too." Sabi nya na parang wala sa sarili kaya napatawa kami ni Ivy na nagpabalik sa kanya sa realidad.

"Naloka na ata sya! Tingnan mo Serrah nakatingin lang sya sa atin na akala mo ay wala sa sarili." Malakas na pagbulong ni Ivy sa akin,sapat para marinig ni Yna.

"Loka! Nabigla lang naman ako eh." Sagot nya pa bago umupo sa upuan nya kanina.

"So what's the feeling of having a first kiss?" Mapang-asar pang tanong sa kanya ni Ivy.

"Che! Tigilan moko!" Sagot nya pa bago inirapan ito.

"Hindi ba yun nakakatakot?" I asked kahit na wala yung kinalaman sa topic.

"Anong nakakatakot? Si Luis? Syempre hindi sa gwapo nyang yun." Sagot ni Yna habang nagdaday dream pa.

"I'm not pertaining to Luis. What I'm saying is hindi ba nakakatakot na maging malapit sa kanila?" Paglilinaw ko pa pero akala mo ay wala lang silang narinig. They continue eating at maya-maya pa ay nagsalita na.

"Imposible na matakot si Yna kay Luis,boyfriend nya yun eh." Sabi ni Ivy.

"Let me rephrase it, he's just my FAKE boyfriend. Nothing more nothing less!" Umirap pa Ito bago ulit sumubo ng fries.

"Wag ako Yna!"

"Ikaw nga tong may suitor sa Infinite eh." Ginigipit nya din si Ivy.

"Sino doon?" I asked out of curiosity.

"Brylle Ezekiel Monteverde." Dagdag nya pa na may mapang-inis na tono.

"Kaya pala hindi na kataka-taka kung hindi kayo natatakot sa kanila." wika ko habang tunatango-tango pa ang ulo.

"Mali ka,dahil kahit kailan hindi ka dapat maging kampante sa kanila. Maaaring hindi sila ang magdala sayo ng  kapahamakan pero ang makasama sila ay isang sumpa." Wika ni Ivy na nagpakunot sa aking noo. Hindi ko sila lubos na maintindihan.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong kong muli.

"Basta malalaman mo rin lahat sa oras na makasama mo sila." Hindi ko na sila kinulit pa kahit na ang totoo ay kating-kati na akong magtanong. Besides, kahit ano namang itanong ko ay hindi nila sasagutin.

Pagkayari naming kumain ay dumeretso na kami sa room. As usual,walang kahit na isang nag-iingay because they're here. Ang Infinite sa unahang row at EXO sa dulo.

Hindi ko alam kung ano pang mangyayari sa mga susunod na araw pero umaasa ako,sana hindi ko na sila muling makabangga pa. Sana talaga....

The Gangsters' QuestWhere stories live. Discover now