Quest #2: EXO and Infinite

113 8 5
                                    

Serrah's POV...

"TUMABI KA DYAN!" Sigaw nya pero di ko pa rin nagawang umalis at naramdaman ko nalang na hila-hila na pala nya nya ako.

"Akala mo ba mauunahan mo ko?" Rinig kong sabi ng isang lalaki bago ko naramdamang nakahawak na rin pala sya sa kabila kong kamay.

Napatingin ako sa mukha nya. Tama kaya ang nakikita ko? Si Sehun ata ito ea! Argh~ "Bakit hindi ba lagi naman akong nauuna sayo?" Sagot sa kanya ni L.

"Pwes ngayon hindi na." Pagkasabi non ni Sehun ay mas lalong bumilis ang takbo naming tatlo at halos madapa-dapa nako.

Pagkatapos ay sabay nila akong binitawan kaya muntik nakong sumubsob buti nalang nagawa kong ibalance ang sarili ko. Patuloy pa rin sila sa pagtakbo hanggang sa makapasok sila sa...tiningnan ko yung label ng room sa taas...Principal's Office.

"Mukhang mahaba-haba na naman ang sasabihin ni Tanda kaya dalian nyo!" Sigaw nung kamukha ni Hoya at saka ako tinulak papasok. Yung totoo kanina pa nila ako tinutulak at kinakaladkad ha.

Pagpasok ko ay masayang nakaupo yung kamukha ni Sehun doon sa mahabang sofa habang yung kamukha ni L ay naiinis na ewan.

"Yes! For the 1st time time nakaupo na din ako dito." Masayang sabi nung kamukha ni Chen bago lahat ng member ng Exorbitant Reigns ay umupo na sa tabi ni Sehun.

"Leader bakit naman naunahan ka ng payatot na yan?" Tanong nung lalaking medyo mukhang babae,si Sungjong ata ito eh.

"Lampa kasi yang leader nyo!" Sabat naman nung malaki yung matang kamukha ni D.O.

"Pati ba naman upuan pinag-aawayan nyo?! Kada pupunta kayo dito lagi kayong tumatakbo at nag-uunahan para lang sa upuan na yan!" Napatingin kami sabay-sabay kay Maam Principal. Mukha syang donya ng isang napakalaking mansyon.

Teka nga? So ibig sabihin halos mamatay na sila katatakbo para lang sa upuang yan? "Hindi naman kami mag-uunahan kung marami kang upuan tanda! Saka isa pa nakakaantok ka kayang pakinggan!" Bulong ba yon o salita na,bubulong na lang rinig pa.

"Ano yon Kristan? May sinasabi ka ba?" Tanong nya dun sa bumulong na kamukha ni Kris.

"Wala sabi ko pwede bang dalian nyo kung may sasabihin kayo!" Hala. Wala syang modo.

"Ikaw na bata ka gusto mo bang---"

"Baka gusto nyong mawalan ng investors? Baka naman bumagsak ang eskwelahan na ito sa pagiging public." Pananakot nung kamukha ni Sehun kaya napatahimik si Ms. Principal.

Bigla syang napatingin sakin at nagtanong. "At sino naman itong babaeng to? Wag nyong sabihin na kasama sya sa inyo?" Pare-pareho nila akong tiningnan.

"Ah yan yung babaeng haharang-harang kanina di ko alam na nasama pa yan dito." Sagot nung kamukha ni L,tsh! Walang modo!

"Ah oo yung tatanga-tanga." Biglang nagpantig ang tenga ko sa sinabi nung kamukha ni Sehun. Walangyang to pinagkamalan pa kong tanga!

"Pero mukhang bago ka lang dito ah,Iha. What's your name?" Tanong ulit ni Ms. Principal. Halata namang hinihintay nila ang sagot ko pero yung dalawa walang pake.

"I'm Serrah,Serrah Bernice Buenaventura. Kakatransfer ko lang po dito."

"Oh so ikaw pala yon. It's really nice meeting you Iha,at nakakaproud dahil sobrang talino mo. Panigurado dun ka kasama sa building na may gold belt." Omg,nakakaflatter naman yun.

"Thank you po,I take that as a compliment Ma'am." Magalang kong sabi.

"Aalis na kami mukhang matagal pa kayong mag-uusap. We don't have time for this crap!" Sabi nung kamukha ni Sehun sabay labas kasama ang mga alipores nya.

"Shone Alexis Ohlivares bumalik ka dito!" Sigaw ni Ms. Principal pero hindi pa rin siya pinansin nito.

"Bye Ms. Salvador!" Yung kamukha naman ni L yung nagsalita.

"At saan kayo pupunta ha, L?" Omo! L talaga ang name nya?

"Magcucutting." Simple nyang sagot habang nakangisi at lahat sila ay tumakbo palabas.

"Yung mga batang iyon talaga. Ikaw Serrah hindi ka pa ba babalik sa room mo?" Tanong sakin ni Ms. Salvador kaya agad akong napatingin sa wristwatch ko.

7:30 am. Omo! Late nako!

"Nako Ma'am late na po pala ako. See you next time po." Nagbow nako bago nagtatakbo palabas.

Teka hindi ko pa nga rin pala alam kung nasaan ang room ko. Iginala ko ang paningin ko hanggang sa matanaw ko ang isang building na white pintura at gold linings. 'Gold Belt', tama yun na nga iyon!

Shone's POV...

Bwisit na matanda yun sinayang ang oras ko tapos nakipag-usap dun sa babaeng tanga! Haist! My precious time.

"Leader san tayo?" Tanong sakin ni Michael.

"Ayokong pumasok tara dun tayo tumambay sa cafeteria." Sagot ko na agad nilang sinang-ayunan.

Pagdating namin sa canteen ay tamang-tama dahil wala pang tao. Paniguradong mag-eenjoy kami nito. Airconditioned din kasi ito at glass ang mga walls.

"Kumain na ba kayong lahat?" Tanong ko sa kanila,kahit naman gangster ako ea may soft side parin ako no.

"Yes pero kulang pako sa tulog ea." Sagot ni Lawrence habang masama ang tingin sa mga rectangular table dito sa cafeteria. Teka parang alam ko na to ah.

"Mga gago! Wag nyo sabihing--" napatigil ako ng sabay-sabay silang ngumisi.

"Hahaha this would be fun." Sigaw nila bago isa-isang pumuwesto sa taas ng table.

"Mga tarantado kayo! Eh sa hide out natin napakaluwag tapos dito nyo napiling matulog!" Sigaw ko sa kanila.

"Ang arte mo naman leader,masaya to dali na sumali ka na! Dami pang available tables oh,pick anything you want." Sagot naman ni Kenneth bago naghanap ng magandang pwesto. Kahit kelan talaga manang-mana sa leader! Mga ubod ng gwapo.

Umupo ako sa pinakamalapit na table sakin. Humiga na din ako sa pahabang upuan at ipinikit ang mga mata ko. Maya-maya pa ay di ko namalayang nakatulog na pala ako.

•••••

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa labas. Anong oras na ba? Tsh. 10:17 na pala at break na ng mga estudyante. Umupo ako para tingnan sila at as usual marami na namang nagtilian.

"Pasensya na po kayo Prince Shone,papaalisin ko nalang po sila." Akmang aalis na yung isang helper sa cafeteria ng pigilan ko sya.

"No need,ako ng bahala." Sabi ko at dahan-dahang tumayo.

---

Please vote and comment. Thank you!😍

The Gangsters' QuestDonde viven las historias. Descúbrelo ahora