Quest #10: That Flyer

49 8 0
                                    

Serrah's POV...

"Love is a powerful act. Sometimes you need to fight for it or let it go. You always have two choices,so always choose the right one." Sir Lopez said to finally closed our discussion for today.

Isa-isa kong iniligpit ang mga gamit ko bago tumayo at lumapit kila Yna at Ivy.

"Ano tara na?" Tanong ko na sinagot nila sa pamamagitan ng isang pagtango.

Nagsimula na kaming maglakad papalabas ng University. Unang beses kaming magsasabay-sabay umuwi. Kaya naman medyo excited ako...

"Dapat pala madalas na nating gawin ito." Wika ni Yna habang nakangiti.

Kasalukuyan naming tinatahak ang daanang may maraming nakahilerang puno sa paligid. Yung akala mo ay nasa Korea ka kaya hindi ka maboboring pero sa kabila noon ay bigla ko na lamang naisip ang Exo at Infinite. Ano pa kaya ang mga susunod mangyayari? Hahanapin pa kaya ni L ang isa ko pang katauhan?

"Oo nga,that's a good idea. Lalo na kapag pare-pareho tayong walang gagawin. We can also go somewhere na mag-eenjoy tayo. Like malls,bars,and many others,right Serrah?" Bigla akong napatingin kay Ivy. Sa totoo ay wala akong naintindihan sa sinasabi nya.

"Ha? Ah-oo sige..maganda nga yon." Pagsang-ayon ko na lang na naging dahilan para ngumiti sya sa akin.

Napabuntong hininga ako. "Wag mong isipin yon Serrah mahal ka non." Sabi ni Ivy kaya napatulala na lamang ako sa kanya at kasabay noon ay ang pagtawa nilang dalawa.

"Ikaw naman kase parang kanina pa malalim ang iniisip mo." Wika ni Yna.

"Ewan ko ba kakaiba lang kasi yung pakiramdam ko. Minsan naiisip ko na lamang kung tama ba na pinasok ko ang Sinclaire University." Sagot ko naman sa kanilang dalawa. Panandalian kaming tumigil sa isang bench sa ilalim ng isang puno.

"Entering Sinclaire University is a survival game. Maraming bagay ang naghihintay sayo so you either play it to win or avoid it to lose." Tama si Yna nakasalalay ang lahat sa aking desisyon.

"You already entered a prison so you won't be able to go back. Pare-pareho na lang nating gawin ang lahat ng ating makakaya. Isang taon nalang naman then we're be able to go in College." Tama si Ivy,isang taon lang naman ang aking titiisin. Grade 12 na kami at paniguradong ang isang taon ay sandali na lamang.

Tumayo ako mula sa bench na pinagkakaupuan namin ng may mapansin akong papel na nakadikit sa puno. Dahan-dahan akong lumapit dito...

"Hoy aano ka?" Tanong ni Yna pero inangat ko lang ang kanang kamay ko,senyales para sabihing sandali lang.

Napahinto ako agad matapos kong makita ang mukha ko,hindi pala ako kundi si Damsel in Distress. Binasa ko ang nakalagay sa ibabang bahagi.

WANTED: Damsel In Distress
"If you have any information about this girl please inform us immediately." -Infinite∞.
REWARD: 500,000.00

Hindi na ako makagalaw pagkatapos noon. Naramdaman ko na lamang ang presensya ni Yna at Ivy sa gilid ko.

"Ano ba kasing tinitingnan no dyan?" Tanong ni Yna bago sabay din nilang tiningnan yung flyer.

"Hinahanap na nila ako." I said without thinking what I'm saying.

"So totoo nga ang balita? 500,000.00 ang pabuya oras na makilala nila si Damsel In Distress." Napatingin ako kay Yna at saka inalog-alog ang balikat nya.

"Hindi! Hindi ito totoo! Akala ko,ang buong akala ko ay nagbibiro lang sila." Upon saying that napaupo na lamang ako sa bench at natulala.
Kung ganito na ang sitwasyon at mas kailangan kong mag-ingat. Alam kong noong araw na yun nasugatan ko si L,at isang kasalanan yun sa higher committee.

Ano namang gagawin nila kapag nahanap nila ako? Paparusahan? Papahirapan? Gagawing alalay or worst papatayin? Hindi ko alam,unti-unti na naman akong nakaramdam ng takot.

"Magiging ayos din ang lahat Serrah. Nandito lang kami ni Yna para protektahan ka. Besides malapit na rin naman ang 'The Chosen Ones' paniguradong unti-unti na nilang makakalimutan si Damsel In Distress." Ngumiti sa akin si Ivy kaya pinilit ko nalang din na ngumiti pabalik.

"Oo nga pala muntik ko na din makalimutan na malapit na nga ang 'The Chosen Ones'." Chosen Ones? Ano naman yun?

"Chosen Ones?" Tanong ko kaya tumango muna sila bago ako tuluyang sinagot.

"Ang The Chosen Ones at isa sa mga ipinatutupad ng Exo at Infinite sa Sinclaire University. Ito ang panahon kung saan bumubunot sila ng magiging alalay ng grupo nila." Paliwanag ni Yna bago umupo din sa tabi ko.

"Pero kapag natapos mo ang paninilbihan mo sa kanila after the whole school year they will give you anything. No,not just anything but everything you want. Kahit na anong hilingin mo,ibibigay nila sayo." Dagdag pa ni Ivy.

"Lahat?" Pag-ulit ko sa sinabi ni Ivy.

"Oo lahat." Tumango ako. Siguro ay kung wala akong atraso at gugustuhin kong mapili nila dahil sa ganoong paraan ay makukuha ko na ang mga bagay na matagal ko ng gusto.

"Masasabi kong masaya na makuha ang mga bagay na pinaghirapan mo sa dulo pero hindi biro na maging maid nila. Dahil paniguradong agad ka ring susuko kung hindi ka matatag." Kunot noo kong tiningnan si Yna. At bakit naman parang alam na alam na niya ang pakiramdam?

"Teka nga bakit ang dami nyo atang alam tungkol sa pagiging Chosen Ones? Wag nyo sabihing..." Hindi na nila pinatapos ang sinasabi ko at kumindat na lamang.

"Wag ka ng maraming tanong! Mabuti pa umuwi na tayo at nagdidilim na." Tumayo na si Ivy matapos nyang sabihin yun kaya sinundan na namin sya ni Yna.

Masasabi kong kahit madilim ang mundo ko sa Sinclaire University ay silang dalawa ang nagsisilbi kong ilaw. At sana hanggang dulo magkakaibigan pa din kami.

The Gangsters' QuestWhere stories live. Discover now