Chapter 8: Weakness

71.7K 1.7K 163
                                    

Chapter 8: Weakness

 

“Hindi ko talaga alam ang iniisip ni lola. Bakit naman niya ako hahayaan na makasama ang isang lalaki sa isang bubong?” Reklamo ko kay Erick. Wala siyang dalang sasakyan kasi gusto niya raw mag-commute. Iba rin kasi talaga ang trip niya.

“Konti na lang talaga ay magseselos na ako sa exotic na ‘yon.” Nakasimangot siyang tumingin saakin. We’re not in a relationship pero kung umaasta talaga siya ay parang girlfriend niya ako.

“Sus! Erick, don’t act like a jealous boyfriend. Kaibigan ko na siya noong hindi ko pa kayo nakikilalang lahat.”

“Kaibigan mo ba talaga siya? Hindi ka nga niya matingnan sa mata. He likes you.” Dire-diretso niyang sabi. “JL, kaya hindi ka niya kinakausap tulad noon ay dahil gusto ka niya. Hindi lang kasi basta kaibigan ang gusto niya. He wants a deeper relationship with you just like me.”

Napakamot nalang ako. I’m used to Erick’s confessions. Pero imposibleng gusto ako ni Damian. “Gusto niya si Leo.”

“Leo? Bakla ba siya?” Huminto siya sa paglalakad at kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat. Bigla nalang tuloy akong natawa dahil sa tanong niya saakin.

“No! OMG! He likes Leonna.” Nagseryoso ako. “We call her Leo and she has a bitchy personality. Ayaw ni Leo saakin kaya ayaw ko rin sakanya.” Nakahalukipkip kong sabi saka muling naglakad.

“Sinabi mo na ‘yan noon kay Miyuki. Baka mamaya best friend mo na ‘yung Leonna.” Natatawa pa niyang sabi saakin kaya tuluyan ko na siyang iniwanan at nauna nalang talaga ako maglakad. Parang may nagsabi na niyan saakin nung isang araw. As if naman. Choosy ako pagdating sa kaibigan.

Nag-uusap lang kami ni Erick hanggang sa marating namin ang school.

Sabi niya na babalik na muna siya sakanila. Na-invite daw kasi ang banda nila. At wala pa rin daw siyang tiwala kay Damian.

“Bakit wala ka kahapon?” Bungad saakin ni Leo.

“Nanakawan kami kahapon.” Hindi nakatinging paliwanag ko.

“I was expecting you pa naman.”


“Now, that’s unexpected.” Nakakunot ang noo kong sabi sakanya.

“Hmph! Sumama ka sa susunod.” Naglakad na siya sa table ni Damian pagkatapos. “Carding! Bakit hindi ka sumama?” Malandi ang boses nitong tanong kay Damian. Weird ulit ang damin niya ngayon. Hindi ko nalang pinansind ahil baka mabadtrip lang ako.

Lumabas ako kaagad sa faculty room para pumunta na sa klase ko nang makasalubong ko si Kit. Magulo ang uniporme nito at basa pa ang buhok. Halatang late.

“Ate JL. Totoo bang nanakawan kayo?”

“Teacher ako, Kit.”

“Arte!” Nakapamulsa siya ngayon habang sinasabayan ako sa paglalakad. “Ms. Cruz, totoo bang nanakawan kayo kagabi o trip lang talaga ni kuya Carding matulog sainyo? Ang daya naman kasi! Dapat isinama niya ako!” Reklamo pa nito saakin.

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon