CHAPTER 35: Weep

2.7K 78 31
                                    

CHAPTER 35: Weep


MATULOG maghapon. Ayun ang gusto at balak gawin ni Michael pero bakit ayaw makisama ng mga mata at utak niya?

Pagod na pagod ang buo niyang katawan dahil sa basketball game nila kahapon. Kada galaw niya, tila sumisigaw ang bawat hibla ng muscle niya sa mga binti at braso dahil sa kirot na nararamdaman. Pero isang oras na siyang nakikipagtitigan sa kisame ng kanyang kuwarto, hindi pa rin siya makatulog ulit. E, alas nuebe pa lang naman ng umaga. Napakaaga pa no'n sa kanya para magising.

Napakaaga pa, pero may nangbubulabog na agad sa kanya. Merong nag-doorbell sa bahay nila—nang sunod-sunod.

Kunot-noong napaupo si Michael. Nakakasigurado siya na si Demi iyon. Wala naman siyang ibang kakilala na kayang mambulabog nang ganon kalupit at kaaga sa kanya e.

Bigla niyang naalala nung makita niya kahapon si Demi matapos ng laro nila laban sa Team ABM. Paalis na siya ng school gym noon nang mapansin niya itong nakatayo sa puwesto ng medic team at nakatingin sa kanya. Nagmamadali lang siyang umalis at umuwi no'n kaya hindi na niya ito nilapitan pa.

Hindi pa rin tumitigil 'yong doorbell. Kinaiinisan niya ang bagay na iyon kay Demi, pero hindi siya makaramdam ng inis ngayon. Para bang pagod pa siya masyado para mainis o magalit. Napabuntong-hininga lang siya bago tuluyang tumayo. Hinayaan lang din niya ang walang-tigil nitong pag-doorbell at piniling maghilamos muna bago bumaba ng bahay.

Pagbukas niya sa pinto, nakita niya agad si Demi. Nakasimangot ito.

"Problema mo?" walang kagana-gana niyang tanong. Nang lumapit siya sa gate, doon niya napansin na naka-postura ito ng pang-alis, pero hindi 'yong usual nitong pang-alis. Babaeng-babae ang pormahan nito ngayon suot ang one-piece peach blouse at sandals. "Okay ka lang? Bakit ganyan ayos mo?"

"Well, this is your fault!"

"At bakit ako ang sinisisi mo sa kung anong suot o ayos mo ngayon?" Wala pa ring kagana-gana ang tono niya.

"Because you let your basketball team lose to ABM freaks yesterday!"

Biglang hindi makaimik si Michael. Sa lahat, ayun muna sana ang ayaw niyang isipin o balikan-ang pagkatalo ng team nila kahapon. Alam naman niya e, kasalanan niya iyon.

Nakakahiya. Nahihiya siya dahil sa kabila ng mga sigaw ng mga taong sumusuporta sa Team GA at maging sa kanya, nagawa niyang magpabaya.

Hindi alam ni Michael kung ano bang nangyari sa sistema niya sa gitna ng laban nila kahapon. Nawala siya sa sarili. Nawala siya sa focus. Nawalan siya ng gana. Sampu silang lahat na naglalaban doon sa court, pero iisang tao lang ang nakikita niya: si Lee.

Si Lee na mas magaling sa kanya. Si Lee na mas gusto ng nakararami.

"Wala ka pala, e."

"Easy."

"Ang sarap mo asarin, alam mo ba 'yon?"

Pati mga bulong at ngisi ni Lee sa kanya kahapon, binalikan siya at naaasar na naman siya. Napakayabang at kampante talaga nito. Nakita pa nga niya itong lumapit sa medic team kahapon, malamang para pormahan si Alannah.

Si Alannah pa talaga. Huh. Gaya ng reaksyon niya kahapon, napangisi ulit si Michael nang maalala ang eksenang iyon. As if papatulan siya ni Nah.

"All thanks to you, I need to go out on a date with Lee today!"

Nahimasmasan si Michael sa biglang narinig mula kay Demi.

"Ano? Date? Ngayon? Kayo ni Lee?" nalilito niyang sabi.

"What's happening to you? Kahapon ka pa wala sa sarili!" nakasimangot pa rin na reklamo ni Demi. "Lee and I made a bet yesterday. He said that if their team wins, we have to go out on a date."

Love Me, BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon