CHAPTER 11: Failure, Success

3.6K 128 30
                                    

CHAPTER 11: Failure, Success

FIVE minutes.

Palagi na lang, five minutes before six; five minutes bago pa tumunog ang alarm ng cellphone niya, nagigising na si Alannah.

At palagi na lang...

Andy: Tulog ka na?

Andy: Hala, tulog ka na nga! Good night, kahit ba bukas ng umaga mo na 'to mabasa. At alam mo na... Alam mo na 'di ba?

Andy: Alam mo na 'yon...

Andy: Good morning, Nah! Alam mo na ha...

Palagi na lang siyang natatadtad ni Andy ng mga text messages habang tulog siya. Mga text na minsan alas dose na nito sine-send—mga text na palagi na lang din nagpapangiti nang malapad sa kanya pagkagising na pagkagising niya sa umaga.

Me: Morning, Dy! :) Ikaw ah. Nagpuyat ka na naman kagabi! At ano ba 'yang alam ko na???

Ang alam lang ni Alannah, hindi agad makaka-reply si Andy kaya kumilos na lang muna siya para maghanda sa pagpasok sa paaralan. Nakaligo at nakabihis na siya ng uniporme nang makatanggap siya ng reply mula rito.

Andy: Basta... Alam ko na alam mo na 'yon. Hehehe.

"Hay, nako." Natatawang sabi ni Alannah habang umiiling. Ang baliw kasi talaga minsan ni Andy. Kung anu-anong trip sa buhay.

"Bakit ka nagha-hay nako diyan?"

Bigla siyang nakarinig ng malambing na boses mula sa pintuan ng kuwarto niya. Nang tumingin siya roon, nakita niya ang mommy niya na nakasilip habang nakahawak ang isang kamay sa malaking tiyan. Nginitian naman niya ito bago binati.

"Good morning, mommy."

"Hmm..." Pinanliitan siya nito ng mga mata bago nginisian. "Ka-text mo si Andy 'no?"

Napakagat labi si Alannah para pigilan ang paglapad ng kanyang ngiti.

"Sus, huwag ka na mahiya diyan! I know that feeling, Ate Nah. Pinagdaanan din namin 'yan ng daddy mo noon."

Doon na tuluyang napangiti nang malapad si Alannah—nang bigla namang pumasok sa eksena ang kanyang ama, ang mukha nito ay bahagyang nakalukot.

"Ano 'yong pinagdaanan din natin noon?" Curious nitong tanong kasabay ng pagtukod ng isang braso sa frame ng pintuan, tila para akbayan ang asawang nakatayo roon.

"Wala!" Inirapan ito ng mommy niya sabay tawa. "Kokontra ka lang naman ulit eh."

"Ah ganon?" Dinikit naman ng daddy niya ang mukha sa pisngi ng asawa.

"Magtigil ka nga!" Siniko ito ng mommy niya. "Halika na, Ate Nah. Breakfast na tayo sa baba."

Natatawang tumango si Alannah. "Sige po. Ayusin ko lang po muna 'tong bag ko." Sabay yakap niya sa kanyang bagpack.

Iniwan na siya ng mga magulang niya habang nagtutuksuhan. Natatawa na nga lang si Alannah habang naririnig ang tuksuhan ng mga ito sa isa't isa. Pero naroon din sa kanya 'yung kilig, lalo na at nararamdaman niya na magiging ganon din sila ni Andy pagdating ng panahon. Mag-asawa, may pamilya—pero teka! Masyado naman yata siyang advance mag-isip?!

Then something hit her. Ilang taon lang ba kasi sila ni Andy ngayon? Seventeen pa lang kaya sila pareho. Bata pa sila. Marami pang puwedeng mangyari sa kanila na maaring maging dahilan para... para hindi sila magkatuluyang dalawa.

Hindi... magkatuluyan.

Alannah then felt fear taking over her. Kung anu-ano na ang pumasok sa isipan niya—'yung pagdating ng panahon kung kailan pipiliin din siyang iwan ni Andy, 'yung panahon na makakahanap na ito ng ibang babae na mas mamahalin kaysa sa kanya, 'yung panahon na masasaktan lang siya nang sobra-sobra at maiiwang wasak.

Love Me, BabyWhere stories live. Discover now