CHAPTER 17: Help

3.3K 111 37
                                    

CHAPTER 17: Help

HINDI alam ni Demi kung gaano na siya katagal nakaupo sa tapat ng vanity table niya at nakatitig sa sarili niyang repleksyon sa salamin. Ang alam niya lang, handa na siyang pumasok ng paaralan. Nakasuot na siya ng uniporme, nasuklay na niya ang nakalugay niyang buhok, nakasakbit na sa kanyang katawan ang body bag niya.

Kahit ang oras, hindi na alam ni Demi. Sa tingin niya lang, malapit na siyang ma-late kung patuloy siyang tutunganga roon.

Pero, wala pa rin siyang ganang kumilos.

"Hindi rin naman ako magtataka kung hindi ka magustuhan ni Andy."

Naikuyom niya ang kanyang mga kamay nang maalala ang mga sinabi sa kanya ni Michael dalawang araw na ang nakararaan.

"Tingnan mo rin minsan ang sarili mo, Demi. Napakalayo mo masyado kay Alannah para magustuhan ka ng best friend ko."

"Tsk."

Naiinis siya—at nalulungkot din. Aminado siya, napakalayo nga ng ugali at personalidad niya kay Alannah. Pero... talaga bang hindi siya magugustuhan ni Andy dahil doon?

"Napaka-bratty mo kasi. Napaka-selfish. Napakadali pang mainis."

Napapikit siya.

Maybe... Kailangan ko na ngang magbago?

Pagkadilat niya ay nagpakawala siya nang malalim na hininga.

Hindi iyon ang unang pagkakataon na naisip niya na kailangan na niyang magbago. Ilang beses na 'yong sumagi sa isipan niya magmula nang barahin siya ni Michael. Pero lagi siyang nagdadalawang isip.

Bakit ba kasi siya magbabago para magustuhan ni Andy? Hindi ba dapat sa pagmamahal, walang basehan? Hindi sa pisikal na anyo, hindi sa ugali. Kasi, basta na lang nararamdaman iyon. Basta, parang magic na bigla na lang mangyayari sa pagitan ng dalawang tao—dalawang tao na nakatadhana sa isa't isa. Kagaya nila ni Andy.

'Di ba?

"Demi," tawag ng Tito Juni niya na bigla na lang sumilip mula sa nakabukas na pinto ng kanyang kuwarto. "Ano na?"

Saglit siyang pumikit para muling magbuntung-hininga. Tumayo na rin siya agad pagkatapos at lumabas ng kuwarto.

"Ay sus!" Inakbayan siya ng tiyuhin niya at saka sinabayan sa pagbaba ng bahay. "Nakasimangot na naman ang pusakal baby namin!"

Nakasimangot—na naman.

Naisip niya roon si Alannah at ang mukha nito na hindi yata alam ang definition ng simangot.

Sumisimangot nga ba si Alannah? Tuwing nakikita niya ito, laging maaliwalas ang mukha nito e. Parang laging handang ngumiti.

"Tito Juni," tawag ni Demi sa tiyuhin pagkasakay nila sa sasakyan nito.

"Hmm?" Hindi siya nito nilingunan. Nakatuon ang paningin nito sa phone na kinakalikot.

"Kayong mga lalaki... Are you more into girls who smile a lot?"

Naguguluhan itong lumingon sa kanya. "Huh? Kung tipo ba namin 'yung babaeng palangiti?"

Tumango siya.

Mukha itong napaisip. "Well," simula ng tiyuhin niya kasabay ng pagsisimula sa pagmamaneho. "Depende sa pagngiti. Mamaya, palangiti nga. Creepy naman ngumiti. 'Di ba?"

"Creepy? No! 'Yung ngiti na... maganda." Labag man sa kalooban niya ay hindi na niya ide-deny na maganda ngumiti si Alannah. "Angelic smile, ganon po."

Love Me, BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon