CHAPTER 45: Girls' Dilemma

189 9 5
                                    

CHAPTER 45: Girls' Dilemma 


"AYAW ko na!"

Tiningnan ni Alannah si Gibson na nakaupo sa kanyang tabi.

Nakapuwesto sila ngayon sa coffee table sa loob ng kuwarto niya. Sa kabilang side nito ay nakaupo si Andy, at sa kabila naman ni Andy ay nakaupo si Gabriel.

Bakasyon na nila for the holidays, pero two days pa lang mula noong huling araw ng pasok nila, nagkasundo sila ni Andy na magkasamang gumawa ng ilang school works nila. Nakisabay lang si Gabriel na may sariling school works na kailangan tapusin. Habang si Gibson, na walang ibang magawa, ay nakisali sa pag-aaral nila.

Dahil magsisimula nang mag-aral si Gibson sa susunod na academic year, binigyan na lang ito ng activity ni Alannah, at iyon ay ang paulit-ulit na sulatin ang buo nitong pangalan sa half-sheet of paper.

"Anong ayaw mo na?" sita ni Alannah sa nakababatang kapatid habang nakatingin sa sinulat nito sa papel. "Tingnan mo nga 'yang activity mo, isang line pa lang natatapos mo oh?"

Marahas na umiling si Gibson. "Ayaw na! Nakakapagod!"

Pigil na natawa si Alannah. "Ano? Nakakapagod? 'Yang isang linya ng pangalan mo? Kinulang pa nga ng isang letter!"

Tinuro ni Alannah ang dulo ng pangalan nitong sinulat sa papel: Gibson Añonuev

Sinilip iyon ni Andy at natawa rin kagaya niya. Wala namang pakialam si Gabriel na seryoso sa sariling sinusulat.

"Gibson, tapusin mo na 'yan hanggang dito." pagkumbinsi ni Andy kay Gibson sabay turo sa pinaka-ibabang parte ng papel. "Kapag natapos mo 'yan, bibilhan kita ng favorite mong choco crinkles doon sa bakery."

"Choco crinkles?! 'Yong marami?!" nagkaroon ng energy sa tono ni Gibson.

"Depende, kung maayos pagkakasulat mo. So dali na, tapusin mo na 'yan." Pinahawak muli ni Andy kay Gibson ang lapis nito.

Ilang saglit pang ginabayan ni Andy si Gibson sa pagsusulat habang hawak-hawak ang kanang kamay nito. Bahagya namang nabilib si Alannah dahil kahit kaliwete si Andy, hindi ito nahihirapan sa paggabay sa kanyang kapatid.

Mayamaya nagawa nang bitawan ni Andy si Gibson at hinayaan itong magpatuloy sa pagsusulat mag-isa.

Hindi napansin ni Alannah na nagpangalong-baba na siya habang pinapanood si Andy sa ginagawa. Naaaliw siya isipin kung gaano kadali nito nakuha ang loob ng kanyang mga kapatid. Well, kung si Gibson lang naman, pagkain lang naman ang katapat nito. Habang si Gabriel, suwerte na lang siguro na pareho ang hobbies nito at ni Andy.

Napangiti si Alannah nang maalala niya kung paano kumontra si Gabriel sa kanila dati ni Andy. Tapos ngayon, lagi nang nag-uusap ang mga ito tungkol sa pinapanood na mga anime at pati na sa kina-aadikang mobile game.

"Bakit, Nah?" nagtatakang tanong ni Andy nang mapansin nitong nakatitig siya rito.

"Parang ikaw na ang kapatid nila, hindi ako." panunukso niya na may halong pagtatampo kunwari. "Mas nakikinig sila sa 'yo kaysa sa akin e."

Totooo iyon, hindi lang kay Gibson. Kahit si Gabriel, hindi siya sinunod nang sabihan niya itong unahin na tapusin ang school works bago manood o maglaro. Pero nung dumating si Andy at yayain itong samahan sila sa pag-aaral, sumunod agad ito.

"Wala," Nagkibit-balikat si Andy, ang hitsura ay nagkabahid ng yabang habang turo ang sarili. "Baka the best kuya 'to."

Halos mapangiwi si Alannah, pero nauwi siya sa pagtawa. "Pero bakit parang iba ang naririnig ko kay Aia?"

Napasimangot si Andy. "Hindi ko naman 'yon totoong kapatid. Ampon lang 'yon."

"Hoy? Huwag ka nga." sita niya rito.

Love Me, BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon