CHAPTER 1: Back

9.2K 233 36
                                    

CHAPTER 1: Back


FIRST day of classes. Ngiting-ngiti si Andy habang nagbibihis ng uniporme niya.

"Guwapo," bati niya sa sariling repleksyon sa salamin habang nag-aayos ng kuwelyo.

"Kuyaaa!"

Napabuntung hininga naman siya sa pagsigaw na iyon ni Aia, ang labing-isang taon niyang kapatid na babae.

Na namaaan...

Matapos sumigaw ng kanyang kapatid ay kumalabog nang malakas ang naka-lock na pinto ng kanyang kuwarto. As usual tuwing umaga, binabangga na naman ng kapatid niya ang pinto. Madalas nito 'yung gawin eh para gisingin siya.

"Tawag ka na ni Mommy, Kuya! Male-late ka na raw!" Sigaw na naman ng kapatid niya sabay bangga ulit si pinto.

"Tsk tsk." Umiiling-iling na kinuha ni Andy ang asul niyang bagpack mula sa kanyang kama at sinakbit iyon sa isa niyang balikat. Pagkatapos ay pumuwesto siya sa likuran ng pinto at hinawakan ang doorknob.

"Kuya Andyyy!" Pangungulit ng kapatid niya na hindi pa rin tinatantanang banggain ang pinto. "Kuyaaa! Gising ka na ba?!"

Hinintay talaga niyang sumigaw ulit ang kanyang kapatid bago niya binuksan ang pinto.

"Ku—waa!" Nagulat naman ito sa biglang pagbukas na ginawa niya. At dahil babanggain sana ulit nito ang pinto, wala itong kontrol na dumiretso papasok ng kuwarto niya at nadapa, una ang balikat. "Araaay."

Natawa nang mapang-asar si Andy sa nangyari sa kapatid niya. Buti nga!

"Susumbong kita kay Papa!" Naiiyak at galit nitong pananakot sa kanya.

"Hala 'to. Pinagbuksan na nga kita ng pinto, isusumbong mo pa ako? Eh kung ikaw kaya ang isumbong ko kay Papa na sinisira ang pinto ng kuwarto ko?"

Nakasimangot na tumayo ang kapatid niya, at saka tumakbo palabas ng kuwarto.

"Papaaaa! Si Kuya Andyyy! Dina—"

"Papaaa!"

Tumakbo rin si Andy at pilit inunahan ang kapatid sa pagbaba ng hagdanan. Nang makarating sila sa kainan ay nag-unahan din sila pagsusumbong sa ama nilang nakapuwesto na sa dulo ng hapag-kainan.

"Papa, si Aia po binangga na naman po nang binangga 'yung pinto ng kuwarto ko! Malapit na nga pong masira 'yon eh!" Sumbong ni Andy.

"Eh kasi po Papa hindi siya sumasagot nung ginigising ko siya for school!" Depensa naman ni Aia.

Singkit na nga eh lalo pa silang siningkitan ng mga mata ng tatay nila. "Ang aga-aga nag-aaway na naman kayo? Gusto niyo bang pagbuhulin ko kayong dalawa ha?"

"Mga baby ko, tama na 'yan." Nakangiting lumabas galing kusina ang mommy nila. May dala itong plato ng mga pancake na nilapag nito agad sa mesa. "Umupo't mag-eat na kayo. Dali, bago pa kayo tuluyang pagbuhulin ng papa niyo." At natawa ito.

Natawa rin ang ama nila at napahawak sa sintido na para bang sumasakit ang ulo. "Ay nako. Bakit ba ang papasaway ng mga batang 'to?"

"Eh kasi naman," umpisang sagot ng kanilang ina na umupo na sa puwesto nito malapit sa asawa. "May amang pinagmanahan ng pagka-pasaway."

"Tsk. Kasalanan 'to ng sperm cells ko."

"Adrian?!" Tinapik nang malakas ng ina nila ang braso ng ama nila na natawa lang katulad ni Andy.

Papa talaga!

"Papa, ano po 'yung sperm cells?" Curious na tanong ni Aia habang papaupo sa puwesto nito sa tabi ng kanilang ama.

Love Me, BabyWhere stories live. Discover now