Chapter 2: Pity Party

875 12 4
                                    

"Hoy Nik-Nik! Sabihin mo nga, kailan ka magsasawa sa mga libro na yan?"

Panibagong umaga na naman at syempre may pasok na naman. Minsan naiisip ko wag na lang ako pumasok. Parang wala rin naman ako dito eh. Hindi pa nga ata nila mapapansin pag nawala ako.

Siguro kung hindi ako palaging kinukulit nitong si Pot-Pot pumasok, hindi na ako papasok. Sabi niya kasi sayang daw allowance na binibigay sa kanya nila Tita Anice at sayang din daw ang lakwatsa kaya papasok na lang daw siya. Boring din daw sa bahay nila. Minsan nga, dun pa yun sa bahay diretso umuuwi kaysa sa kanila.

Hawak-hawak ko ngayon yung libro na binili namin ni Pot-Pot sa NBS nung isang araw. Ang saya-saya ko kasi ang dami kong nabiling libro dahil sa madami din akong naipon at binigyan pa ako ni Pot-Pot ng isa pang libro. Eto nga yung libro na binabasa ko ngayon. The Perks of Being a Wallflower. Parang ako si Charlie sa kwento. Pero unlike me, hindi naman siya panget katulad ko. May problema lang talaga siya sa behavior niya...pero mas madami siyang friends sa akin.

"Hoy! Earth to Nik-Nik!? Ano ba? Kanina pa ako dada ng dada dito! Asan ka ba?"

"Ano ba Pot! Ang aga-aga ang ingay-ingay mo!"

"Eh kasi naman ikaw... naglalakad nga tayong dalawa, pero parang wala naman akong kasama. Kanina mo pa hawak yan eh."

"Ehh kasi malapit na ako matapos."

"Kakabili ko lang sayo niyan kahapon, matatapos mo na agad? Sabi ko na nga ba magugustuhan mo yan eh."

"At bakit naman? Dahil kagaya ako ni Charlie?"

"Sort of."

"Hindi kaya. Mas madami siyang friends sa akin. And..."

"...and hindi siya panget? Ayan ka na naman sa linya mo! Bulok na yan eh!"

Lumapit siya sa akin at inakbayan niya ako. Dahil mas matangkad siya sa akin, easy lang sa kanya na guluhin ang buhok kong matagal kong inayos kahit alam kong wala ng pag-asa pang umayos.

"Nyaaaaa!!! Pot naman e! Totoo naman kasi!"

Hindi pa rin niya tinigilan ang panggugulo sa buhok ko. At hindi rin ako makalakad ng maayos dahil sa ginagawa niya.

"Makulit ka kasi eh! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na HINDI. KA. PANGET! Makulit ka!"

"Pot... aminin mo..."

"Ano?!"

"May problema ka ba sa mata?"

"Huh? Bakit?"

"Bulag ka kasi! Di mo nakikita yung totoong itsura ko. Hahahaha!!!!!!!"

At dahil nakita ko na yung gate ng school, nagpumiglas na ako kay Pot-Pot at nagtatakbong pumasok sa gate.

Nung malapit na ako sa pintuan ng room namin, nagdahan-dahan na ako maglakad. Nakakapagod yun ah. Ilang buwan na ba akong di nakakatakbo? Bago ako makapasok ng tuluyan sa room namin, hinigit naman ni Pot-Pot yung bag ko.

"Aray naman! Makahigit naman oh!"

"Tinakbuhan mo kaya ako! Hmpft! Akin na nga yan!"

Kinuha naman niya yung bag ko tapos pumasok na siya ng room namin. Pagpasok namin ng room, tumahimik yung mga kaklase naming babae. Yung iba nagbulungan, yung iba naman kung makatingin kay Pot-Pot akala mo huhubaran na eh!

Iba na talaga pag sikat...

"Hi Patrick!"

Bati sa kanya ni Chynna. Siya yung muse namin sa class, siya rin yung representative ng mga fourth year sa pageant sa school. Ang ganda-ganda kasi ni Chynna eh. Effortless.

Who's my Secret Admirer?Where stories live. Discover now