Who's my Secret Admirer?

2.8K 33 23
                                    

Hindi ko alam bakit ako namromroblema ng ganitong problema. Isang araw na lang paggising ko, pinoproblema ko na to! Kahit ako naman hindi makapaniwala bakit sa akin nangyayari to eh.

Panget ako. Nerd. Walang fashion sense. Walang ibang kaharap kundi libro at ang aso kong si Cookie. Maliit. At higit sa lahat... introvert ako. Isa lang naman ang kaibigan ko sa school simula nung nag-aral ako.

Masaya naman ako kahit ganito ako eh. Sanay na ako na lagi akong tinatawag na "panget", "maliit", "nerd" at kung anu-ano pa. Sa loob ba naman ng 9 na taon... hindi pa ako masasanay?!

Wala akong ibang alam na gawin kundi mag-aral, mag-aral at mag-aral. Di ako umaattend sa mga parties at kung anu-ano pa. Ni hindi nga ako umaattend ng Christmas party at birthday (kung invited man ako, which is... NEVER TALAGA AKONG NA-INVITE) at kung anu-ano pa. Ni hindi ko nga alam yung tinatawag nilang LOVE eh. Never pa ako naka-experience na makipag-date kagaya nung mga kaklase ko.

Minsan aaminin ko, naiinggit ako sa kanila. Minsan gusto ko rin may magkagusto sa akin. Yung yayayain ako lumabas at kumain, yung magiging special sa akin... mga ganun ba... kaso.. impossible na ata ayun.

Haggang dumating yung araw na....

may nagbigay sa akin ng LOVE LETTER at nagpakilala siya bilang... SECRET ADMIRER ko.

THE HELL! Sino naman siya? Loko-loko ba siya para magkagusto sa akin? Baka naman bulag siya?

Bakit sa akin?!

Bakit sa isang panget at nerd siya nagkagusto?!

Nangttrip ba siya o sadyang... wala na talaga siyang choice... kung hindi ako?

Dahil diyan... ngayon.. namromroblema na ako sa LOVE na yan! Sisihin kung sino man siya!

Sino ka ba kasi????

Sino ba kasi ang Secret Admirer ko?! >.<

Who's my Secret Admirer?Where stories live. Discover now