Chapter 8: The 1st letter and the text message

590 12 14
                                    

Kanina ko pa tinitignan yung sulat na hawak-hawak ko ngayon. Hindi ko kasi alam kung kanino galing ito. Mamaya death threat na pala to ano. O kaya naman kidnap for ransom. Kaso sino naman ang ikkidnap sa amin? Sinong baliw ang magtatangka?

"Nik bakit di mo pa buksan yung letter na yan? Kanina mo pa hawak yan ah. Simula nung binigay sayo yan  nung bata hanggang sa makarating tayo ng NBS at hanggang ngayon na kakain na tayo hawak mo pa rin yan. Ano ba yan?"

"Wag mo ako tanungin Pot, di ko rin alam kung ano to. Paano kung death threat pala to?"

"Baliw ka ba Nik? Sino naman magbibigay sayo ng death threat?"

"Aba malay ko! Kaya nga ayaw kong basahin eh."

"Ewan ko sayo Nik! Ikain na lang nga natin yan."

Nagsimula na kumain si Pot pero ako hawak-hawak ko pa rin yung letter. Wala naman sigurong mangyayari sa akin na masama pag binuksan ko to.

Dahan-dahan tinanggal ko yung letter sa envelope. Tumingin naman sa akin si Pot at halatang-halata mo sa kanya na excited din siya malaman yung laman nung letter.

Pagbukas ko nung letter eto yung bumungad sa akin.

Nika (my star),

Don't ever let other people treat you as if you're invisible cause you're not. You're brighter than them. Way more beautiful than any other people I know. Just keep on smiling. Because a single smile from you makes my day complete.

Love always,

Secret Admirer

SECRET ADMIRER???????

SECRET ADMIRER???????

SECRET ADMIRER???????

SECRET ADMIRER???????

SECRET ADMIRER???????

 Ano daw???? Nababaliw na ba yung sumulat nito?

"Nik... okay ka lang? Kanino ba galing yan?"

"Hi--hindi ko alam eh."

"Ano?"

Bigla naman niyang hinugot sa kamay ko yung sulat na hawak-hawak ko. Habang binabasa niya yung sulat wala man lang akng makitang kahit anong expression sa mukha niya.

"Ayan na. Sino naman yan?"

"Hindi ko alam."

"Ano balak mong gawin diyan?"

"Hindi ko rin alam."

"Nik... hindi naman...."

"Paano kung pinagttripan lang ako nito, Pot?"

"Hindi ko alam. Hindi naman siguro. Mabait ka, maganda, matalino... bakit ka naman pagttripan ng gumawa niyan?"

"Pot...."

"Nik... ayan ka na naman eh. Magtiwala ka nga sa sarili mo. And besides, andito naman ako para alagaan ka no! Kung niloloko ka man ng gumawa niyan, lagot siya sa akin."

Nginitian ko na lang si Pot sa mga sinabi niya. Kasi naman, sino ba namang matinong tao ang gagawa nito at ibibigay sa akin?! Hindi kaya bulag ito o malabo lang ang mga mata at matindi na ang pangangailangan sa mga salamin?

"Nik.. tama na yang pag-iisip mo. Mag-enjoy na lang tayo ngayon. Kumain ka na then nood tayo ng movie."

"Wala na akong pera, Pot."

"My treat. Sige na.... please.... minsan na nga lang tayo lumabas eh."

"Oo na! Hindi naman ako maka-hindi sayo eh."

"Yeeeeessss!!!! Sabi na nga ba eh!"

Pagkatapos nga namin kumain ni Pot nanuod kami ng movie. After nun nilibre naman niya ako sa KK at bago kami umuwi ng bahay nila, naglaro muna kami saglit sa Timezone.

Past 6 na nung nakauwi kami sa bahay nila Pot. Pinilit niya kasi ako na sa kanila na kumain ng dinner at namimiss na raw ako ni Tita. Pagdating namin dun, nilapag lang namin yung mga pinamili namin para sa project namin tapos kumain na rin kami.

"Nik, buti naman at kumain ka na ulit dito sa amin. Ang tagal mo na kasing hindi nakakadalaw dito."

"Sorry po Tita. Naging busy lang po kasi sa school. Si Tito po?"

"Ahhh may business siya sa Tarlac kaya next week pa makakauwi. Buti nga at andito si Patrick at nakakatulong sa akin."

"Nako Tita, baka nakakatulong sa inyo magkalat lalo."

"Oi!!!! Asa ka Nik!!!! Mabait ako no!"

"Mabait pag tulog? Hahahaha!!!"

"Mommy!!!!!"

"Ayan Pot pati si Tita nag-aagree sa akin. Hahahah!!!!!"

"Haaayyy.. bakit kasi Patrick hindi na lang si Nika ang ligawan mo?"

Sabay naman kaming nasamid ni Pot sa sinabi ni Tita. Okay lang ba siya?

"Mommy!"

"Tita!!!!!!"

"Ano? Nagsasabi lang naman ako ng opinion ko."

"Nako Tita hindi ho ako ang tipo ni Pot. Baka nga ho may pinopormahan na yan sa school."

"Nagsasabi lang naman ako."

Hayy si Tita talaga. Kung anu-anong naiisip. Alam ko na talaga kanino nagmana tong si Pot eh.

Pagkatapos kumain, nagpahinga lang kami saglit tapos hinatid na rin ako ni Pot. Pagdating sa bahay nag-usap lang sila ni Kuya tapos nagbbye na ako sa kanya. Pag-akyat ko sa kwarto sumilip ako sa bintana tapos nakita ko na tinatapik pa ni Kuya si Pot sa balikat. Minsan feeling ko mas magkapatid pa sila eh. Paano naman kasi, mas close sila ni Kuya. 

Buti na nga lang at hindi sinabi ni Pot yung tungkol sa letter kasi super protective nito ni Kuya. Akala mo naman kasi naniniwala ako sa tao na nagpadala nun. Tssss....

Ilang saglit lang din umalis na si Pot tapos ako naman nahiga na pagkatapos ko maghilamos at magtoothbrush. Bago ako matulog binuksan ko yung bag ko tapos tinignan yung letter.

"Haaayyy!!!!!! Sira ulo ang nagbigay sayo. Alam mo ba yun?"

BEEP BEEP

 *Unknown number

Good night my star. :) 

Waaaaaaaahhhh!!!!!! Sino ka ba talaga??????

Who's my Secret Admirer?Where stories live. Discover now