Chapter 16: HIS Point of View

162 4 1
                                    

                                                                                 NIK'S P.O.V.

"Aminin mo kilala mo ba si SA?"

Ilang minuto din hindi nakapagsalita si Pot. Kilala niya nga kaya?

"Kilala mo ba siya?"

"Hindi. Bakit naman?"

"Eh kasi nung araw na nakita kita sa tapat ng locker ko, meron din letter si SA sa akin." Akala ko pa naman kilala niya...

"Ahhhh... yun ba yun? May papel kasi akong nakita eh. May nakalagay na pangalan mo kaya naman nilusot ko na lang sa locker mo. Ayaw ko naman basahin ang hindi para sa akin."

"Ahhh... akala ko lang kasi. Sige kita na lang tayo bukas."

"Iniisip mo pa rin ba kung sino siya."

"Syempre naman."

"Ganun mo siya ka-gusto makilala no?"

"Yeah. Syempre curious lang naman ako. And... gusto ko lang talaga pa-realize sa kanya kung gaano kabaliw ang mga ginagawa niya. Gusto kong makita kung kailangan ko na ba talaga siya bilhan ng salamin. Alam mo yun?"

"Hahahaha!!!! Hayaan mo na lang kasi Nik. Baka naman kasi ayaw niya pakilala talaga sayo?"

"Bakit ganun?!"

"Umiiral na naman kasi yang pagka-curious mo. Ilang beses ko ba sasabihin sayo na hintayin mo lang. Malay mo hindi pa ito ang best time para malaman mo. Sabi nga nila..."

"Yeah yeah... best things happen at the right time, in the right place, with the right person or people. Memorize ko na yan Pot. Motto na nga ata natin yan."

"I'm just saying it. Wag mo na stress ang buhay mo. Ikaw rin. Hahaha!!!"

"Yeah right. Umuwi ka na nga! Mamaya hanapin ka pa sa akin ni Tita."

"Oo na oo na! Bbye! See you tomorrow."

"See you tomorrow eh ako lang naman ang gigising sayo. Lumayas ka na nga!"

"Hahaha!!!! Oo na! O wag mo na isipin yun ha. Dadami lang wrinkles mo!"

"Shut up!" Kainis na yun!

Hayyyyy!!!! Tama si Pot. Iniistress ko ang sarili ko sa mga taong ayaw magpakilala. Tsss... bahala na nga. Bahala siya sa buhay niya. Basta ako magpapatuloy sa buhay kong tahimik na ginulo niya! Waaaaahhh!!!!

                                                                               S.A.'S P.O.V

Nakita ko si Nika kanina. Pag nakikita ko siya, hindi ko mapigilan ang ngumiti. Kahit nga sa isang araw makita ko siya ang saya saya ko na. Hindi man halata, pero gustong gusto ko talaga siya. Alam ko sabi ng iba wala naman daw special sa kanya. Pangit siya, nerd at kung ano ano pa ang tawag nila sa kanya. Wala naman akong pake sa mga yun.

Masaya ako sa kung ano ang nakikita ko sa kanya. Hindi naman kailangan maganda ka, mayaman at nakaka join sa kung ano ang trip ng lahat. Hindi naman kailangan yun para mahalin o gustuhin mo ang isang tao. Mahalaga pa rin kung ano ang nasa puso niya.

Ayyyyyy!!!!! Ano ba to ang corny ko na!

"Oi bro! Umaatake na naman pagka-wirdo mo?"

"Pake mo? Gawin mo na nga lang yang gagawin mo at dito lang ako."

"Tsss... tungkol na naman yan sa kanya no?"

Itong tao lang na to ata ang may alam sa sikreto ko tungkol kay Nika.

"Oo bro."

"Sabi ko kasi sayo magpakilala ka na."

"Tsss... ayaw ko."

"Nahihiya ka ba o duwag ka?"

"Shut up!"

Bwisit na to! Makaalis na nga lang dito.

Bakit ba niya ako minamadali magpakilala kay Nika. Siya nga tong nag-suggest sa akin na ganun yung gawin ko eh. Mas nakakakilig daw yun sa mga babae. Naman!!!! Malay ko ba naman kasi sa utak ng babae no!

Daig pa nila ang status sa facebook na 'It's Complicated'.

Pumunta na lang ako sa computer shop kung saan ako tumatambay pag mga araw na ito. Baka sakaling may makita akong magandang tactic sa ibibigay ko bukas kay Nik.

Alam ko naging malungkot siya nung mga nakaraang araw. Alam ko naman kung sino may kasalanan nun eh. Wala naman akong magagawa kundi tignan siya sa malayo. Pero at least ngayon okay naman na siya.

"Oi pre!"

"Oh?"

"Ngayon ka lang ulit napadpad dito ah."

"Naging busy lang."

"Ano napormahan mo na ba yung popormahan mo?"

Tsssss.... bakit ba laging nangingialam ang mga tao? Yung totoo, mas excited pa sila sa akin?!

"Tsss... wala akong pinopormahan."

"Sabi mo eh."

Nakakainis! Hindi pa nga pwede eh. Ayoko pa. Hindi pa tama. Kulang pa. Bakit ba kasi nagmamadali ang mga tao! Ganun na ba ako ka-obvious?

Kung ganun ako ka-obvious, bakit hindi pa nahahalata ni Nika? Kung obvious na obvious ako... ano siya? Manhid ganun?

Tsssss.... hayyy!!! Mababaliw na ata ako eh! Ang tahimik naman kasi ng buhay naming dalawa, ginulo ko pa! Bakit ba kasi naramdaman ko to!

Sa sobrang inis ko dinaan ko na lang sa pagdodota para mawala lahat ng kabadtripan ko sa buhay! Sabi nga ng mga kalaro ko, umuwi na lang ako at magpalamig. Kawawa na raw mga players nila at tinatalo ko lahat. Kasalanan ko ba yun kung magaling talaga ako?!

6 na ng gabi nung mapag-isipan kong umuwi ng bahay namin. Okay lang yun, wala naman kasing magagalit sa akin.

Habang naglalakad ako papunta sa bahay, bigla akong kinabahan. Hindi ko alam, pero isa lang naman ang dahilan na alam ko pag bigla akong kinakabahan eh...

Alam kong andiyan siya.... malapit lang kung nasaan ako. Haaaaayyyy!!!!! Pakshet! Ang bading naman nito!

Tamang tama nga pagkaliwa ko, nakita ko lang naman ang babaeng nagpagulo, gumugulo at pangarap ng buhay ko.

"Ui, hi!"     At nag-hi siya sa akin. Anong gagawin ko ulit???

Who's my Secret Admirer?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon