Chapter 11: Hero or.... Not?

299 7 9
                                    

Ngayon na yung araw ng field trip namin. Makikita mo sa mukha ng bawat estudyante ang pagiging sobrang excited nila. Daldalan dito, daldalan dun, jusko! Saan sila nakakakuha ng ganyang energy sa ganitong kaagang oras? Akala mo sasabak kami sa gulo sa Zamboanga kung makapag-set ng oras itong school namin. Sa Zoobic safari lang naman kami pupunta. Okay lang basta malayo.

Nagtingin-tingin pa ako sa mga kapwa ko estudyante dito. Ang dami nilang dala-dala. Akala mo mga naglayas sa bahay nila eh. Kulang na lang magdala sila ng maleta. Yung totoo?! Tatlong araw hindi uuwi?

"Uy Nik anong itsura ng pagmumukha yan?"

"Edi panget."

"Baliw ka talaga. Bakit nakakunot na naman yang noo mo? Di ka ba excited?"

"Excited."

"Eh bakit ganyan mukha mo?"

"Pot sino ba namang hindi mabbwisit? Ang aga-aga natin nandito sa school pero maghihintay lang din tayo sa mga matagal magsidating. Sino ba naman kasi may sabi sayo na 2 am pa lang mag-alarm ka na ng phone mo?!"

"Si Kuya Nixon."

"ANO?!"

"Sabi kasi ni Kuya Nixon gisingin kita ng maaga, matutuwa ka raw sa akin pag ganun."

"UGHHHH!!!!! Napaka...ughhh!!!!! Pot naman! Alam mo namang 5 pa tayo magkikita dito. Bakit ganun ka-aga mo naman ako ginising!"

"Hahaha!!!! Ako may pakana nun Nik. Eto kasi si Patrick eh. Nagpapagising pa sa akin."

"Kuya naman! Di mo ba alam na hindi ako masyado nakatulog kakakwentuhan niyo kagabi. Nakakainis naman kayo eh!"

Inakbayan naman nila akong dalawa tapos ginulo ni Kuya buhok ko. Nakakainis naman to! Kahit isang taon lang agwat naming dalawa tinuturing pa rin niya akong baby. Pag itong dalawa to ang nagsama, talo talaga ako.

Nakita ko naman si Ian na papalapit sa amin. Mukha ngang kakagising lang niya kasi gulo-gulo pa ang buhok niya. Pero kahit ganun, pinagtitinginan at kinikilig pa rin sa kanya ang mga babae sa tuwing dadaan siya.

"Insan! Saan ka natulog kagabi? Pinuntahan ka namin ni Mommy sa bahay niyo pero sabi ni Tita di ka raw natulog dun."

"Ahh oo insan. Kina Nik kasi ako natulog."

"Ah...eh... Hi Nik."

"Helow! Ian si Kuya Nixon ko pala."

"Ah oo kilala ko siya. Varsity player po kayo no?"

"Oo. Nakita na nga kita sa court eh. Nagtry out ka ba last weekk?"

"Ah opo. Kasama ko rin po si Pot di nga lang siya nakasama last week kaya sabi ni coach next week na lang siya."

"POT?! Magbasketball ka? Sigurado ka ba diyan?"

"Oo naman. Bakit hindi?"

"Akala ko ba ayaw mo nun?"

"Pinilit ko siya. Napilit ko naman. Ayaw mo ba nun lalong sisikat best friend mo."

"Ayyy ewan ko sa inyo."

"O una na ako sa inyo, kumpleto na yung bus namin. Kitakits!"

Dali-dali naman tumakbo si Kuya sa mga kaklase niya. Umakbay pa nga dun sa dalawang babae. Yung dalawa naman akala mo kinikiliti sa kung saan kung kiligin parang wala ng bukas. Tss...

"Nik ano pala bus number mo?"

"Bus number 3 ako eh. Hiwa-hiwalay kasi section namin kasi late kami makapagbayad ng buo kaya sinama kami sa ibang section."

Who's my Secret Admirer?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon