Chapter 1- The Bestfriend

1.1K 16 2
                                    

Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo!

Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo!

Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo!

Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo!

Ang wirdo ko. Pero wala akong pake. Masaya naman maging wirdo kahit minsan eh. Ay mali pala... hindi lang pala minsan ang pagkawirdo ko... PALAGI pala akong wirdo.

Panget

Negra

Maliit

Nerd

Wirdo...

Ilan lang yan sa pangalan ko.

Pero hindi naman talaga yan ang pangalan ko eh. Ako si Nika. Nika Aguilar. Isang 4th year high school student at nakatira sa isang barong-barong. Di, joke lang. Hindi naman barong-barong. Pero maliit lang bahay namin. Hindi naman kami mayaman eh.Si Papa school service ng mga bata sa school namin. Si Mama naman nagtitinda sa palengke. Dalawa kaming magkapatid. Si Kuya Nixon na isang basketball player sa school namin at ako ang bunso. Buti nga si Kuya sikat sa school eh. Samantalang ako... hayyy wag na natin pag-usapan.

"Nika, hija! Saan ka pupunta?"

"Tita Anice! Sa bahay niyo po sana. May usapan po kami ni Pot-pot eh."

"Nako tulog pa si Patrick. Tara, sumabay ka na sa akin at ikaw na rin gumising kay Patrick."

"Sige po, Tita."

Tinulungan ko na si Tita Anice sa dinadala niya at nagkwentuhan din kami habang naglalakad. Matagal ko ng kilala sila Tita Anice at ang asawa niya na si Tito Ricky. Simula nung naging mag-bestfriend kami ni Pot-pot, madalas na akong nasa bahay nila o kaya naman nasa bahay namin siya. Sila lang naman ang hindi lumalait sa akin eh.

Pagdating namin sa bahay nila, umakyat na ako sa taas. Pero bago pa ako makapunta sa kwarto ni Pot-pot, dumaan muna ako sa kwarto ni Patty. Siya yung Grade 5 na kapatid ni Pot-pot. Nag-helow lang ako sa kanya tapos nakipag-kwentuhan saglit sa kanya tapos umalis na rin ako.

Hindi na ako kumatok sa kwarto ni Pot-pot. Dire-diretso na akong pumasok sa kwarto niya.

Aba ang mokong! Sarap na sarap pa sa tulog niya!

"POT POT!!!!!!!!!!!!!!!!"

Wala. Walang talab ang sigaw ko! Hanggang ngayon pa rin ba, mantika pa rin siya matulog?!

Hinila ko yung kumot niya at tinaggal ang unan niya. Binuksan ko yung kurtina niya. Tignan natin kung di pa siya masilaw sa araw! Tanghalli na!

"Waaahh!!! Nik-nik naman! Ang sarap pa ng tulog ko eh!"

"Hoy Pot-pot! Usapan kaya natin na aalis tayo ngayon! Sabi mo pupunta tayo dun sa National Bookstore! Sabi mo sasamahan mo ako bumili. SALE ngayon Pot!"

"Alam ko! Pero maaga pa! Labas nga muna!"

Tapos binato niya ako ng unan at nag-effort siya kunin yung kumot niya at itaklob yun sa mukha niya.

Si Patrick Salvador ang aking kauna-unahan at kaisa-isang best friend sa buong mundo! OO! Siya nga! Kahit nga ako nagtataka kung bakit ako naging kaibigan nito! Aaminin ko sa inyo, madami nagkakagusto sa kaibigan kong to. Hindi ko nga lang alam kung manhid ba siya o sadyang wala lang siya pake kasi di niya pinapansin yun. Minsan nga, nagtataka pa sa kanya yung mga tao bakit sa akin, na PANGET pa siya sumasama. Pag tinatanong ko naman sa kanya yun... ngingitian lang niya ako tapos sasabihin niya..."BAKIT NAMAN HINDI?" Hayy... minsan feeling ko nahahawa na sa ka-wirdohan sa akin si Pot-pot.

Naalala ko naman kung paano kami naging magkaibigan ni Pot-pot...

FLASHBACK...

Pre-school kami nun. At syempre ako palagi ang binubully ng mga kaklase ko. Siya lang ang hindi bumubully sa akin nun. Nasa sulok lang siya tapos titingin tingin sa amin. Isang araw, nakita niya akong nakaupo sa upuan ko. Umaga kasi nun tapos maaga akong hinatid ni Papa sa school. Akala ko ako pa lang din ang nasa loob ng room. Di ko napansin na nandun siya sa isang gilid.

"Bakit ka pumapayag na ayawin nila?"

"Ha?"

"Ikaw... bakit puma...pa....yag... kang a..yawin nila?"

"Awayin."

Tinignan niya lang ako sa mata nun tapos tumango siya.

"Eh bakit ikaw... di mo ako inaaway?"

"Sabi kasi ni Mommy... bad daw yun."

"Panget daw kasi ako at negra..."

"Di naman..."

Tinignan ko siya sa mata noon. Naka-salamin, medyo matangkad sa akin... maputi... ngumiti siya sa akin.

"Ako si Patrick Salvador. Ikaw si Nik... Nik.."

"Nika."

"Friends na tayo ha? Ako na magiging tagapagtanggol mo simula ngayon."

"Sige!"

END OF FLASHBACK...

Simula noon, kina-career palagi ni Pot-pot na protektahan ako. Kapag may umaaway sa akin, siya palagi ang nandiyan. Siya palagi ang umaaway sa kanila. Sabi niya sa akin, ayaw na ayaw daw niyang nakikita akong umiiyak pag inaaway ako, Dapat daw maging matapang ako kasi di daw palagi nandiyan siya.

Nakita ko yng picture namin sa sidetable niya. Yun yung picture namin last Christmas. Naka-Santa Claus siya nun tapos ako naka-elf na costume. Tuwang-tuwa siya dun sa picture na yun.

"Akala ko bumaba ka na."

"Pot-pot naman..."

Hinila niya ako dun sa may kama at niyakap ako. Oo, alam ko sa utak niyo ang sweet namin, pero natural na lang sa amin yun. Dati nga, sabay pa kami naliligo nito.

"Bitawan mo nga ako Pot! Ang baho mo eh!"

"Yabang mo! Inaantok pa ako eh. At dahil kinuha mo unan ko, ikaw na lang gagawin kong unan ko."

"Yuck! Kadiri ka Pot! Bumangon ka na nga!"

Dinilat na ni Pot yung isa niyang mata tapos ngumisi sa akin. Kanina pa talaga to gising eh! Niloloko lang ako! Ayan! Makatikim ka ng batok!

"Aray naman!"

"Kanina ka pa pala gising nagtutulog-tulugan ka lang!"

"Ikaw kasi eh! Nagrereminisce ka na naman!"

"Che!"

Tumayo na ako sa kama niya at hinila siya papunta ng banyo.

"Oo na! Maliligo na! Bumaba ka na dun."

"Pag wala ka pa ng 20 minutes sa baba ha!"

"Oo na! Ayusin mo muna yung kama ko ha? Tapos baba ka na. breakfast tayo dun."

"Oo na! BILIS!!!!!"

Bakit nga ba nagkaron ako ng kaibigang buang katulad mo, Patrick Salvador?

Who's my Secret Admirer?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon