Chapter 17: Mr. In Denial

146 4 0
                                    

                                                                           NIKA'S P.O.V.

Start na this week ng pagpasa at paghahanap ng mga application forms para sa mga entrance tests sa college. Sabi sa amin ng principal nung isang araw kailangan na raw namin magtingin tingin ngayon para habang maaga makapagdecide kami kung saan kami mag-aaral.

Ang problema nga lang, hindi ko pa alam ano ang gusto kong gawin sa buhay ko. Tsss... pambihirang buhay naman to! Paano ako maghahanap ng school ko kung hindi ko pa alam anong kurso ang kukunin ko sa college! Haaaaayyyy!!!!!!!

"Oi Panget!"

Pambihira! Kung di ka nga naman minamalas ngayon! Tsssss....

"Bakit hangin?"

Tinignan naman niya ako ng masama. Wag niyong sabihin sa akin na di niya alam ibig sabihin nun?!

"Hangin?"

Sabi ko nga hindi niya alam! Haaaaayyyyy!!!!! Gwapo nga, slow naman!

"Wala! Anong kailangan mo?! Guluhin mo na naman ako?"

"Aalis tayo sa Sabado ha!"

"At bakit?! Sino may sabi sayong sasama ako?"

"Ako?"

Ugggggggh!!!!! Pigilan niyo ako! Kung kailan namromroblema ako dito saka dadating tong, nagkatawang tao na hangin na to sa harap ko!

"Bakit? Um-oo ba ako?"

"Bakit may choice ka ba? It's either sasama ka or sasama ka. We have a deal remember?"

"Excuse me, tapos na ang deal natin REMEMBER?! After nung proj natin tapos na rin ang deal natin!"

"Sino may sabi sayo?"

"Ahhh... ako?"

Inis na inis naman ang mukha niya sa akin. Pambihirang Chase to! Ako pa ba ang lolokohin niya?!

"Ay hindi! Wala yan sa usapan natin! Sa usapan natin, ako lang ang may karapatan magsabi kung kailan at saan ito matatapos!"

Pagkatapos niya sabihin yun ay naglakad siya pabalik ng room namin. Pero bago yun, ginulo niya yung magulo kong buhok at ngumiti ng nakakaloko.

UGGGGGGGGGGH!!!!! Please Lord! Ngayon lang! Pagbigyan mo na ako! Mapapatay ko talaga sa inis tong si Chase eh! Ugggh! Bwiset!

At dahil sa nakakasirang tao ang sumalubong sa umaga ko, lalo tuloy akong nabwiset! Problemado na nga sa entrance test, problemado sa school. Ano ba naman to! Bullying na to ha!

Who's my Secret Admirer?Where stories live. Discover now