Chapter 6- Chase vs Patrick

635 7 3
                                    

"Hi Ian! Ako pala si Nika. Best friend ni Pot."

"Yep! I know. Matagal ka na niya kinukwento sa akin eh. Actually..."

"Ahh Ian, bro... ano oras kayo dumating dito sa Pinas?"

"Ah.. mga kaninang 12. May class pa ba kayo? Di pa kasi ako ineenroll ni Mama eh. Biglaan kasi. Ngayon pa lang niya kakausapin yung Admin."

"Ay sorry bro, may class pa kami."

"Sayang naman... ay... Nika... may gagawin ka ba mamayang gabi?"

"Hmm.. bakit?"

"Ano kung gusto mo sumama sa amin ni Patrick... aalis kasi kami. Kung gusto mo lang naman..."

Sasagot na sana ako sa tanong ni Ian kaso bigla naman tumunog yung cp ko.Pagkita ko may tumatawag na unknown number. Sino naman kaya ito?

Calling...

0917*******

"Helow? Sino ito?"

"Helow!!!!???? Hoy! Panget! Sino ba kasama mo?! Kanina pa ako text ng text sayo! Puntahan mo ako sa library! Ngayon na!"

Teka... teka... si Chase ba yun?! Ano na naman ba kailangan niya???? At break time ngayon ah! At... makatawag at maka-utos naman siya! Akala mo kung sino ha! Nakakainis!

"Nik... anong nangyari? Sino yung tumawag? Bakit parang halos may lumabas na usok diyan sa ilong mo?"

"Eh kasi naman Pot!!! Ughhhh!!!!!!! Tumawag na naman sa akin yung halimaw na yun!"

"Sino yung halimaw?"

"Yun yung apo nung Director ng school, bro. Ano na naman daw ba kailangan niya?"

"Pinapapunta niya ako sa library ngayon! Nako! Kailan naman niya kaya nadiscover na may library pala dito at kailan siya nahilig sa mga libro?! Eh wala ngang ginawa yun sa room namin kung hindi matulog ng matulog! Ughh!!!!"

"So... pupuntahan mo siya?"

"No choice naman ako Pot. Project namin nakasalalay dito. Hmm.. pasensya na Ian ha. Mauuna muna ako sa inyo. Tetext ko na lang si Pot kung makakasama ako sa inyo mamaya. Bbye! Nice meeting you ulit."

Nagtatakbo ako papunta dun sa Library. Ang layo pa naman nun pag galing ka sa gate ng school. Putek naman kasi tong school na to eh! Bakit ba kasi sobrang laki! Ugh!

After 10 minutes nakarating na rin ako sa library. Pumasok ako dun at hinanap yung dahilan kung bakit sira ang buhay ko ngayon! Pambihira! Pagkatapos ng ilang minutong hanapan, nakita ko siya dun sa pinakadulo ng library! Pambihira! Bakit ba andito siya?!

"BAKIT BA ANDITO KA?! KANINA PA AKO HANAP NG HANAP SAYO!"

"SHHHHHSHHHHHHHHSHHHHHH!!!!!!"

Nahiya naman ako ng unti kasi ang lakas pala ng boses ko. Pinagtinginan pala kami nung mga tao malapit dun sa may likod na likod ng library.

"Tssss... ayan kasi! Ang ingay mo!"

"Bakit kasi andito ka?! Kanina pa ako hanap ng hanap sayo! Pambihira ka naman!"

"Eh kasi napagalitan ako nung librarian kanina nung sumigaw ako sa phone dahil kausap kita. Tsss..."

"Kasalanan mo naman pala eh! Bakit kasi sumigaw ka? Baliw ka ba talaga?!"

"Ay ewan! Sino ba kasi kasama mo ha?! Kanina pa ako nagtetext sayo ha!"

"Aba! Kung makapagdemand ka naman! Sino ka ba ha?!"

"Hoy! Ako lang naman amo mo no! Tara na nga!"

AMO?! Kailan pa?!

"Teka... teka nga... sino naman may sabi sayo na pumayag ako maging AMO kita? Aber?!"

Who's my Secret Admirer?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon