Chapter 45: Donor

38.5K 680 83
                                    

 Panoorin mo muna ang promotional video sa right side :D hahaahha

 ------

“Tita!” Sigaw ko.

“Tita gumising ka please! Tita!”

Hindi na binuksan ni Tita ang mga mata niya kaya tumawag agad ako ng ambulansya.

“Tita! Please! Bumalik kayo. Kailangan niyong gumising. May donor na po tayo para kay Uno! Tita!”

Hindi nagtagal dumating na rin ang ambulansya. Dinala namin si Tita sa ospital pero dead on arrival na. Huli na ang lahat.

Inatake si Tita sa puso habang natutulog siya at hindi na siya nagising pa.

“Pwede po bang si Tita na lang ang maging donor ni Uno doc?” Tanong ko sa doctor.

Alam kong may nahanap na silang donor para kay Uno pero sigurado akong mas magiging masaya si Tita kung matutulungan niya si Uno.

“Hindi po pwede dahil kahit na match sila ng recipient, hindi safe si Mrs. Sebastian bilang donor. Malaki ang chance na irereject ng recipient ang liver ng donor dahil hindi guaranteed ang health status ng donor.”

Nalungkot ako pero wala na akong magagawa. Mas makakabuti nang sigurado kami sa magiging lagay ni Uno. Nawala na si Tita at hindi ko makakayata kung pati si Uno mawawala na rin.

-HGHM-

Hindi ko alam kung papaano ko ipapaintindi kay Chandrielle na wala na ang lola niya. Ang hirap. Sobrang hirap. Pinacremate namin ang labi ni Tita kinabukasan.

“Where’s Lola going?” Tanong ni Chandrielle sa’kin.

“She’s now in heaven baby.”

“Does it mean I can’t see her again?”

Tumango lang ako sa kanya.

“But it doesn’t mean that you and her will not be together again anymore. Whenever you miss Lola, just close your eyes and think of her and she will appear in front of you, smiling.”

Pinikit ni Chandrielle ang mga mata niya saka siya ngumiti. Sinunod niya ang mga sinabi ko at alam kong nakikita niya ngayon ang Lola niya.

Pagkatapos ng ilang Segundo, muli niyang binuksan ang mga mata niya.

“You’re right Tita Shane. I saw Lola. She’s smiling at me and she told me that she loves me.”

Ngumiti ako sa kanya.

“When will Daddy wake up?” Tanong niya sa’kin pero hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

“Will Daddy follow Lola in heaven soon?”

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

“No baby.. Daddy will wake up very very soon. He is just sleeping because he’s tired. He still needs rest. But he will wake up for you… for us.”

“Because he loves me and he loves my Mommy..”

“Yes. Because he loves you and your Mommy.”

“Can we call Mommy Queeny? I miss her.”

Sinubukan kong tawagan ulit si Queeny pero hindi ko siya macontact. Ilang excuses na ang nasabi ko kay Chandrielle para lang hindi siya masaktan.

“Maybe she’s not coming back.” Sabi niya pagkatapos kong magbigay ng dahilan.

“That’s not true baby.. Mommy loves you.” Sabi ko saka ko siya niyakap.

-HGHM-

Hindi naging madali ang lahat para sa’kin at para kay Chandrielle. Kami na lang dalawa ang magkasama. Naging busy ako dahil sa pagkawala ni Tita kaya hindi ko na bibisita si Jed. Huli kaming nag-usap nung naging weird siya.

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon