Chapter 16: Uno

37.5K 548 56
                                    

"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Jed saka siya dali-daling lumapit sa'min.

Ako naman. Di makagalaw sa kinatatayuan ko dahil pagkagulat. 

"Pwede mo na siyang ibaba pare." Sambit sa'kin ni Jed.

Tumango naman ako sako ko binaba si Shane. Agad namang siyang binuhat ni Jed papunta sa kotse nila.

"What happened? Sobrang nag-alala ako sa'yo. Bakit ngayon lang kayo nakauwi? At anong nangyari diyan sa braso mo?"

"Nadulas kasi ako sa banyo nong isang araw. Na fracture kaya may cast."

"Nong isang araw pa iyan? Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"

"I'm sorry Jed. I do not want you to worry kaya nilihim ko muna sa'yo. But I'm okay now."

"Okay? Anong okay sa sitwasyon mo ngayon? Hindi pa tayo tapos Shane. Marami ka pang ipapaliwanag sa'kin. As of now, kailangan mo munang magpahinga."

Pinasok ni Jed si Shane sa kotse niya. Nagpalitan pa kami ni Shane ng tingin bago sinara ni Jed ang pinto ng kotse. 

Dumeretso naman siya sa trunk ng kotse niya na parang may hinahanap. 

"Isuot mo iyan. Siguradong giniginaw ka na. Isa pa, hindi magandang tignan na wala kang suot na damit lalo na't may babae tayong kasama."

Hinagis ni Jed ang isang puting tshirt sa'kin. Hindi na ako umimik pa at isinuot na lang ito. Gusto kong magpaliwanag sa kanya dahil baka na misunderstood niya ang nakita niya.

"Pare..."

"It's okay pare. Hindi ako galit o ano. Nag-aalala lang ako kay Shane ngayon. Ang totoo, wala akong tiwala sa'yo dahil lalaki ka. Pero may tiwala ako kay Shane. Magkita na lang tayo sa resthouse."

Tumango lang ako kay Jed saka ko pinanood ang kotse nila na lumayo sa'kin.

Hindi ko na naman maintindihan ang nararamdaman ko. Dapat nga matuwa ako dahil andito na ang boyfriend ni Shane. Atleast, maaalagaan niya talaga si Shane ng maayos.

Pero parang humihigpit ang kapit ng puso ko na para bang hindi na ako makahinga.

"Mas mabuti nang ganito Uno." Sabi ko sa sarili ko.

Nong nakita ko si Jed, para akong binuhusan ng malamig na tubig habang natutulog at nanaginip ako. Saka lang ako nagising sa katotohanan na mali ang nararamdaman ko.

Pumasok na ako sa kotse ko at bumalik sa resthouse.

-HGHM-

"Nasa taas na si Shane. Nagpapahinga. May isang site pa kayong pupuntahan dapat diba?" Tanong ni Jed sa'kin habang nasa dining table kami at nagkakape.

Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.

"Papupuntahin ko na lang ang isang staff namin para samahan ka sa huling site. Gusto ko sanang ako na mismo ang sasama sa'yo pero kailangan ko nang iuwi si Shane."

"Hindi na. Okay na sa'kin ang dalawang sites na napuntahan namin. Medyo pagod na rin ako. Ang dami kasing nangyari." Sambit ko.

"Pasensya ka na pare at nadamay ka pa sa naging problema. Pero salamat at inalagaan mo si Shane. Pinaliwanag na niya sa'kin ang nangyari."

"Walang anuman iyon. Matagal na ba kayo ni Shane?" Tanong ko.

"Dalawang taon na rin."

"Wala ka pang planong mag propose? Nakikita ko ang mga dahilan kung bakit mo nagustuhan si Shane. Ang swerte mo sa kanya pare. Kaya kung ako sa'yo, hindi ko na siya pakakawalan pa."

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon