Chapter 17: Queeny's feelings

37.1K 620 61
                                    

Isang linggo na ang lumipas pagkatapos nong kabaliw-baliw na nangyari sa amin ni Uno. Medyo gumagaling na rin ang braso ko pero naka cast pa rin ito.

Pababa na ako ng company building namin para umuwi na. Si Jed naman hindi pa pwedeng umuwi dahil sa dami ng kanyang trabaho. Three straight nights na siyang nag o-overtime kaya inatasan na muna niya si Christian na maghatid sa'kin pauwi ng bahay. Hindi pa kasi ako makapag drive.

Pagdating ko sa first floor ng building, sinalubong agad ako ni Christian.

"Tulungan ko na po kayo Ma'am." He said saka niya kinuha ang dala-dala kong mga documents na babasahin pag-uwi ko.

"Thanks Christian."

"Hintayin niyo na lang po ako sa main door Ma'am. Kukunin ko lang ang kotse."

I just nodded saka ako nagpatuloy sa paglalakad papuntang main door ng building. Pero nagulat ako nang makita ko si Queeny sa reception area.

"Shane.." She said and flashed a smile at me.

"Hi. Queeny. Kanina ka pa ba?"

"Mga two hours na rin akong naghihintay sa'yo. I'm sorry dahil ako nagpasabi muna na makikipag kita ako." Sambit niya.

"Bakit hindi mo sinasabi na andito ka pala? Sana na meet kita kanina pa."

"Hindi ako nakapagset ng appointment sa'yo at nakakahiya naman kung iistorbohin pa kita sa work mo kaya hinintay ko nalang na matapos ka. May time ka ba ngayon? Gusto sana kitang kausapin."

*beep* *beep*

Narinig ko na ang kotse ni Christian na maghahatid sa'kin pauwi.

"Sure. Saglit lang ha."

Lumabas ako ng building at nilapitan si Christian.

"I have an appointment. Emergency lang. Dumeretso ka nalang muna sa inyo. I'll just see you tomorrow kung may overtime pa rin si Jed."

"Sige po Ma'am. Ingat po."

"Christian. Baka pwedeng huwag mo na lang sabihin kay Jed na aalis ako ngayon."

"Sige po Ma'am."

Tumango lang ako kay Christian at pinanood ang kotse niya na lumayo sa'kin saka ako bumalik sa building.

"I'm really sorry Shane. Alam ko naistorbo kita. I just had something to discuss with you." Sambit ni Queeny. 

"It's okay Queeny. No worries. Pero dapat ilibre mo ako ng dinner ha?" Pagbibiro ko sa kanya.

"Sure. Dinner lang pala."

Sabay na kami ni Queeny pumunta sa parking space papunta sa kotse niya.

"Kamusta na ang braso mo?" She asked me while she's driving.

"Okay naman. Hindi na masakit. Hinihintay ko nalang na tanggalin na ng doctor ang cast. Hassle kasi masyado. Hindi ako nakakagalaw-galaw."

 -HGHM-

Nagkuwentuhan lang kami ni Queeny ng kahit na ano habang kumakain kami. Tumatawa lang. Light talk. 

Hanggang sa umabot kami sa seryosong usapan ni Queeny na sa tingin ko ay iyon talaga ang sadya niya kung bakit niya gustong makipagkita sa'kin.

"Magkasama pala kayo ni Uno sa business trip niya." 

I suddenly felt uneasy pagkatapos kong marinig iyon. Ayoko kasi sanang isipin pa ang lahat ng nangyari pero hindi talaga maiwasan.

"Yeah. But I assure you wala kaming masamang ginawa. Nilihim ko nga rin ang tungkol sa amin dahil gusto ko kayong protektahan. Nirerespesto ko ang relasyon niyo ni Uno at gusto kong protektahan ang kung anong meron kayo ngayon."

 Bigla nalang akong nawalan ng gana habang kumakain kami ng dessert ni Queeny. Tinutusok tusok ko nalang ang leche flan na nasa harap ko gamit ang tinidor ko.

"I know Shane. Kaya gusto kong mag thank you sa'yo. At mag sorry na rin dahil I know I'm really acting like a bitch."

Nakayuko lang ako habang nagsasalita si Queeny. I do not know why pero bigla nalang akong napaluha pero pinigilan ko ito sa pagdaloy.

"Naalala ko pa. Dati ako iyong goodie fiance ni Uno. Nalaman kong may girlfriend ang fiance ko at dapat ang role ko maging kontrabida. Pero hindi ko ginawa iyon dahil in love parin ako kay Jed non. Kaya ang ginawa ko, pinagtulakan ko kayo ni Uno sa isa't-isa."

Huminga ng malalim si Queeny at ngumiti ng pilit saka siya nagkwento ulit.

"Pero ngayon. I am acting like a bitch. I am becoming a bitch. Alam ko naman na ikaw pa rin ang mahal ni Uno. Ramdam ko na mahal ka pa niya Shane. Kahit na hindi maalala ng isip ang tungkol sa inyo, ang tungkol sa pagmamahal niya sa'yo. Naalala ito ng puso niya. Nararamdaman niya Shane kung ano ka sa kanya. Pero hindi ko sinabi sa kanya ang totoo. Dahil natatakot ako."

Mas lalo ko pang hinihigpitan ang pagkakahawak sa tinidor ko at mas lalo ko pang dinidiin ito sa leche flan. 

"Natatakot ako na mawala si Uno sa'kin at si Chandrielle dahil mahal ko na sila Shane. Mahal ko na si Uno. Nong nakita kita ulit, nagdalawang isip ako kung sasabihin ko ba kay Uno ang totoo sa inyo. Pero sinabi mong hindi mo na siya mahal kaya hindi ko na sinabi. Pero bakit ganito? Bakit nasasaktan ako dahil sa ginawa kong pagsisinungaling?"

Tumingin ako kay Queeny at agad naman niyang pinahiran ang luha na dumaloy sa pisngi niya gamit ang palad niya.

"Tama naman ang ginawa mo Queeny. Hindi na niya kailangan pang malaman ang nakaraan namin. Kahit na maalala pa niya ang lahat. Wala nang magbabago. Hindi na ako babalik sa kanya dahil hindi ko na siya mahal. And you're not acting like a bitch so don't be too hard on yourself. Wala kang ginawang mali." I assured her.

Pero bakit rin ganun? Nasasaktan rin ako sa mga sinasabi ko kay Queeny. Dahil rin ba nagsisinungaling ako sa kanya?

Alam ko naguguluhan si Queeny at lalo naman ako. Mas lalo pa akong naguluhan pagkatapos niyang sabihin sa'kin ang lahat.

"Pero pano kung maalala na niya ang nakaraan niyo at mawala siya sa'kin? Mawawala sila ni Chandrielle sa'kin? Hindi ko makakaya iyon Shane."

"Isa lang ang sagot sa problema mo Queeny. Agahan niyo ang pagpapakasal niyo ni Uno para makasigurado kang hindi na siya aalis sa tabi mo."

Natahimik kami ni Queeny pagkatapos kong sabihin iyon. Nadala lang ako sa emosyon ko kaya ko nasabi iyon.

"I'm sorry sa istorbo Shane. Congratulations pala sa relationship niyo ni Jed. And.. Alagaan mo siyang mabuti. Minahal ko siya ng sobra noon at masaya ako dahil andiyan ka para mahalin siya."

Tumango lang ako kay Queeny. It's funny how everything turned into something we did not expect. Dati kami ni Uno, at sila ni Jed. Ngayon, sila na ni Uno at kami na ni Jed.

Maybe this is just what destiny wants for us. 

-----

AN: Vote and comment. Oh edi mas lalo kayong nabu-bruha kay Queeny? ahhahahaha. Eh kasi daw mahal niya si Uno kaya siya nagsinungaling.

Hahaha. At eto namang engot na si Shane nag suggest pa nang agahang kasalan para sa dalawa eh nasaktan lang din naman.. Haiaashhh..

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon