Chapter 35: Untold Story

34.5K 697 42
                                    

Shane's POV

"Shane. Nakikiusap ako ng maayos. Sumama ka na sa'kin." Bulong sa'kin ni Uno nang hindi ako bumitaw kay Jed.

"Ayoko dito lang ako. Bumalik ka na kay Queeny para makapagsimula na kayo. Naiinip na ang mga tao." Pagmamatigas ko.

Nakatitig na ang mga tao sa'min at mas lalo lang akong mapapasama kung sasama ako kay Uno palabas ng simbahan. Sigurado akong ako na naman ang sisisihin ng Mama niya.

"Kailangan mong malaman ang totoo Shane."

Pagkatapos kong marinig 'yon mula kay Uno, sigurado na akong bumalik na ang lahat ng alaala niya. Naaalala na niya ang lahat kaya ayaw na niyang ituloy ang kasal.

"Sumama ka na sa kanya Shane." Sabi ni Jed pero hindi pa rin ako makapag desisyon dahil natatatakot ako. Natatakot akong malaman ang katotohanan at natatakot ako na baka makahanap ako ng dahilan na iwan si Jed.

"Jed.. I can't-" Sabi ko pero bigla na lang hinawakan ni Jed ang kamay ko saka niya 'to inalis sa braso niya. 

"I will let you. Alam kong matagal mo nang gustong malaman ang katotohanan. It's your chance. 'Wag mo munang isipin ang ibang tao. 'Wag mo muna akong isipin. Isipin mo lang muna sa ngayon ang sarili mo." He told me.

Tumango lang siya sa'kin para ipaabot sa’kin na okay lang siya, saka ako hinila ni Uno palabas ng simbahan. Ang sama ng mga titig na natatanggap ko at hahabulin na sana kami ng Mama ni Uno pero pinigilan siya ni Queeny.

Hindi ko alam na ganito pala kahirap pakinggan ang katotohanan. Parang pakiramdam ko para akong isang aktibong bulkan na malapit nang sumabog.

Pinakarga ni Uno sa'kin si baby Chan saka niya kinuha ang kotse na pinarada niya malapit sa simbahan.

"Sakay!" Mahinahong utos niya sa'kin.

Tumango lang ako saka ako sumakay sa passenger's seat ng kotse.

"Daddy? Is there a problem? Why did we left Mommy at the church?" Tanong ni Chandrielle kay Uno habang nakaupo siya sa tabi ko. Nakahawak lang ako sa kanang kamay niya.

"We didn't left Mommy." sagot ni Uno habang nakafocus pa rin siya sa pagmamaneho.

Hindi ‘yon naintindihan ni Chandrielle pero alam ko kung anong ibig sabihin ni Uno.

"We left her. Did you fight again with Mommy?" Tanong ulit ni Chandrielle pero hindi na sinagot ni Uno si Chandrielle.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Pero sigurdong-sigurado na ako na alam na niya ang lahat.

"Everything's okay. Don't worry." I assured baby Chan dahil alam kong naguguluhan siya at alam kong hindi niya naiintindihan ang lahat. At kahit na ipaliwag pa namin sa kanya ng maayos, hindi niya makukuha.

-HGHM-

Hindi nagtagal, inihinto na rin ni Uno ang kotse saka niya pinatay ang makina nito.

"We're here." He said saka siya bumaba sa kotse at binuksan ang pinto sa passenger seat para buhatin si baby Chan na nakatulog na sa byahe.

"Bumaba ka na." Sambit niya.

Tumango lang ako saka ako bumaba ng kotse. Sumasabay naman ang tibok ng puso ko sa bawat hakbang na ginagawa ko. Hanggang sa napagtanto ko na dito kami huling magkasama ni Uno at baby Chan nung hindi pa nawala ang mga ala-ala niya.

Naglakad si Uno sa dalampasigan habang karga-karga niya si baby Chan at nakasunod lang ako sa kanya. Ganitong-ganito rin ang nangyari dati pero ngayon, mas malaki na si baby Chan. Hindi ko na siya kayang kargahin ng kahit limang minuto.

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon